Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

LEARNING PLAN

FILIPINO 4
NOVEMBER 22, 2023
2:00 pm-3:00 pm

I. PAKSA: BAHAGI NG AKLAT

II. MGA LAYUNIN:


ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naibabahagi ang kanilang karanasan sa pagbabasa;
b. Nakikilala ang mga bahagi ng isang aklat; at
c. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng isang aklat.

III. MGA SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 4, pahina 143-146.

IV. PAMAMARAAN
MGA HAKBANG MGA GAWAIN
• Ipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang takdang-
PANLINANG NA GAWAIN aralin, ang kanilang paboritong aklat.
• PAGGANYAK • Isa-isahin ang mga mag-aaral na makapagbahagi
tungkol sa kanilang paboritong aklat.
• Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Ano ang pamagat ng aklat na iyong dala-dala?
Sino ang may-akda nito?
Hihikayatin din ba ninyo ang ibang mag-aaral na
basahin ito?
Ano ang aral na napulot ninyo sa pagbabasa nito?
• Ipakikilala ng guro ang aralin sa araw na iyon.
• Magbibigay ang guro ng pagganyak na katanungan sa
PANIMULA mga ito.
Ano-ano ang mga kabutihang maidudulot ng
pagbabasa?

• Talakayin sa klase ang mga bahagi ng isang aklat.


PAGLALAHAD/PAGTALAKAY • Pangkatin ang mga mag-aaral upang suriin ang mga
bahagi ng aklat at ang nilalaman nito.
• Bigyan sila ng sapat na oras upang maisakatuparan
ang gawain.
• Matapos ito, magtawag ng kinatawan mula sa bawat
pangkat na magbabahagi ng kanilang sagot.
• Bigyan ng supplemental na pagpapaliwanag sa mga
mag-aaral.

Gawain:
• Bilang paglalagom sa aralin, na magiging ticket to
leave ng mga mag-aaral na isusulat sa sangkapat na
papel.
PAGLALAPAT/PAGLALAHAT Paano mo mahihikayat ang ibang mag-aaral na
magbasa ng aklat.
• Pabahagiin ang bawat mag-aaral saka kolektahin ang
papel.

Values Integration: Paano mahihikayat ang ibang mag-


aaral na magbasa ng aklat?

Ipinasa ni:

STEPHANNY J. LOPEZ
Subject-Teacher

Ipinasa kay:

ENGR. JAIME I. GO, MAED


Principal

You might also like