Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN

Kyla Mae A. Pagaduan


BEEd II-A

I.LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Malaman ang kwento ng Banaag at Sikat.
2.Makilala ang mga tauhan sa nobela.
3.Matukoy ang nais maipabatid o aral sa paksang ito.

II.PAKSANG ARALIN
a.PAKSA : Banaag at Sikat
b.SANGGUNIAN : Panitikan ng Pilipinas sa Pahina 88-90
c.KAGAMITAN : Powerpoint, Laptop, TV

III.PAMAMARAAN
1.1.Paghahanda
a.Pagbati ng “Magandang Umaga.”
b.Pagtala ng mga lumiban sa klase.
C.Pagganyak
*Pagpapakita ng larawan:

1.2.Paglalahad

PAMAGAT
Ang salin sa Ingles ng pamagat na Banaag at Sikat ay kumakatawan sa katagang “mula sa
maagangpagbubukang-liwayway hanggang sa ganap na pagkalat ng liwanag” ng araw (From Early Dawn
to Full Light ), nanagmula sa isang pagsusuri nina Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso.

MAY-AKDA
Si Lope K. Santos ay isa sa mga dakilang manunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista, makata,
abogado,kritiko, lider obrero, at itinuturing na “Ama ng Pambansang
Wika at Balarila.”

MGA TAUHAN
Delfin
- Siya ang pangunahing tauhan ng akda. Isa siyang mahirap na peryodista. Niyakap niya ang
ilangsosyalistang ideya kaugnay ng unyonismo at makauring pakikibaka
Felipe
- Siya ay isang anak-mayaman; radikal bagamat tipong anarkista.
Meni
- Siya ay nakatakdang ikasal kay Delfin na anak ng isa sa pinakamayaman sa Maynila.
Tentay
- Minamahal siya ni Felipe. Siya ay isang babaeng mahiyain at anak siya ng isang manggagawa.

BUOD
Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang
magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa
Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan
nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang
kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit
marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don
Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin
sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa
lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng
tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa
bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil
bilang anak. Nagbalik siya sa datingpinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya
kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit
katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa
samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa
pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa
isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan.
Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan,
samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang
kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na
pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga
dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y
napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng
sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi
samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing
pangangailangan sa buhay.
Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si
Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil
tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang
paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa
magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don
Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin, Sa a-uki ni Madlanglayon, pumayag
si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng
lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung
mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong
dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang
maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit.
Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang
ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa
kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa,
kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang
pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging
nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa
kagagawan ni Meni.
Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-
salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa
kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi
lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay
laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t
hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong
ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don
Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan
ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon,
kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi
sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala.
Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga,
siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot
siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa
wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon
na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay
Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala
pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng
maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa
pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni
Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang
karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang
laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang
mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang
hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa
kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at
Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa
Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang
makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit
matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis
sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."
IV.PAGTATAYA
*Magbibigay ang guro ng mga katanungan patungkol sa nobelang Banaag at Sikat sa kanyang
mga studyante , upang malaman kung kanilang naintindihan ang paksa.
V.TAKDANG ARALIN
*Magbigay ng ilang aral na natunghayan sa nobelang Banaag at sikat, isulat ito sa kalahating
papel.

BANGHAY ARALIN
Kyla Mae A. Pagaduan
BEEd II-A

I.LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Malaman ang kwento ng dalawang makaibigang Nena at Neneng.
2.Makilala ang mga tauhan sa nobela.
3.Matukoy ang nais maipabatid o aral sa paksang ito.

II.PAKSANG ARALIN
a.PAKSA : Nena at Neneng
b.SANGGUNIAN : Panitikan ng Pilipinas sa Pahina 92-94
c.KAGAMITAN : Powerpoint, Laptop, TV

III.PAMAMARAAN
1.1.Paghahanda
a.Pagbati ng “Magandang Umaga.”
b.Pagtala ng mga lumiban sa klase.
c.Pagganyak
*Pagpapakita ng larawan:

1.2.Paglalahad
PAMAGAT
Pinamagatan itong Nena at Neneng dahil nakasentro ang kuwento ng nobela sa buhay at pagdurusa
ngdalawang matalik na magkaibigang kapwa sinubok ng kapalaran.
MAY-AKDA
Si Valeriano Hernandez at Peña (ang Peña ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa nayon ng
SanJose,Bulakan, Bulakan noong Disyembre 12,1858.Siya ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at
Dominga delaPeña. Ang kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit
upang maitawid ang kanyangpamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan.

MGA TAUHAN
Isko
- isang lalaki na nagkagusto kay neneng, nakilala ni neneng sa kasalan.
Neneng
- matalik na kaibigan ni nena,babaeng itinadhana para kay narciso.
Narciso
- lalaking nagmahal kay neneng ng lubos.
Chayong
- babaeng gusto si narciso, pero napunta kay miguel.
Miguel
- ama ng dinadalang bata ni chayong, na inakala na narciso.
Nena
- babaeng matalik na kaibigan ni neneng, nagkagusto kay miguel, pero napunta kay deogracias.
Deogracias
- kababata ni nena at naging asawa.
Aling Anday
- ale ni nena,. nag alaga kay nena simula ngmaulila, parang ikalawang ina ni nena.
Pepe
- kapatid ni neneng.

BUOD
1. Si NENA at NENENG ay matalik na magkaibigang dalaga na parang kapatid na ang tratuhan.
2. Ang unang pagsubok sa pagkakaibigan ay nagsimula nang magkaroon ng tinginan sina Nena at ang
kilalang babaero't mapaglaro sa damdamin na si Miguel- sinumbong ni Neneng kay Aling Anday,
pinarusahan si Nena, at sa gitna ng paghuhumigpit ng ale, hiningi nito ang kamay ni Miguel sa kasal.
3. Nagkabalikan ang dalawang dalaga nang maipakita ni Neneng kay Nena si Miguel na kasama na si
Chayong.
4. Si CHAYONG ay may dalawang lalaking kinaguguluhan sa buhay- si Miguel na naiipit sa dalawang
dalaga, at ang pinsan nitong si Narciso na maspabor sa kanya ang pamilya ni Chayong, matino't
matalino, at saka dati nang minahal ni Chayong.
5. Ang kuwento'y lumalim lalo nang magkatitigan nang iba si Neneng na papunta kay Chayong at si
Narciso na paalis, at pagkatapos, nang inilahad ni Miguel kay Chayong ang kanyang tuluyang paglimot
kay Nena.
6. Lalo pang lumalim ito nang mamatay ang asawa ni Aling Anday kung kaya't naghiwalayan ang
magkaibigan.
7. At sunud-sunuran ang mga pangyayaring naganap na sila ring nagbago ng direksyon ng buhay nilang
lahat.
8. Lumalim ang pagkakaibigan tungo sa pagmamahalan at pagpapakasal nina Nena at Deogracias- ang
kanyang kalaro't parang kapatid sa lalawigan noong lumalaki pa sila.
9. Ganun din halos para kina Narciso't Neneng- sa pagkikilala ni Narciso kay Pepe hanggang sa matamis
na pagdedeklara ng mga nararamdaman para sa isa't isa.
10. Ang kina Miguel at Chayong nama'y nauwi sa bigo.
11. Nagtanan ang dalawa, nawalan ng puri si Chayong, nadiskubre sila ng magulang ng babae,
pinaghiwalay, at nang nalamang buntis ang anak, pinakulong sa bilibid si Maiguel.
12. Nalaman ni Miguel kay Narciso ang tungkol sa anak nitong Narciso rin ang ngalan, ngunit di na ito
nakapagsilbi bilang ama ng sanggol nang siya'y mamatay sa bilangguan.
13. Sa kabilang panig naman ng kwento'y muling sinasamahan ang dalawang pares na sina Nena't
Deogracias at sina Neneng at Narciso- mula sa pagbisita ng mga taga-lalawigan sa Maynila na ikinasaya
ng dalawang dalaga't dito binalita ang mangyayaring pag-iisang dibdib nina Nena't Deogracias at ang
kasal nila sa Bulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina Neneng at Narciso nang tumakas sila
galing sa Misa de Gallo, at nang malaman ni Neneng ang pagbibisita ni Narciso kay Chayong sabay
pagtanto sa mga maliliit na sinungaling ni Narciso.
14. Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pagibig hindi lamang kay Miguel kundi na rin kay
Narciso, at ngayo'y may alaga pang sanggol.
15. Natatapos ang kwento niya sa paglalayas mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng
matutuluyan kina Pepe at Neneng, at sa tuluyang pagkasawi nangikasal na si Narciso.
16. At ang kwento naman nila Neneng at Narciso’y mas-hihigit pa bilang trahedya nang ang kaguluha’y
magsimula sa isang liham mula kay Isko na siyang isang munting taga-hanga na may pagtingin kay
Neneng noong kasal pa ni Nena sa Bulacan.
17. Datapwat nakasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni Isko sa pamamagitan ng mga liham at
pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa.
18. Dahan-dahan na rin pumasok ang samu’t saring mga tanong at duda sa noong una’y masayang pag-
iisang dibdib.
19. At dahil sa liham na rin, na nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw si Pepe, umalis si Narciso
dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat ang pagibig ni Neneng sa kanya, na naging sanhi na rin ng
pagkasakit na malubha ni Neneng.
20. Nang makumpleto na ang mga huling habilin at nasabi na sa kaibigan ang mga lihim na tira’y hindi na
nagtagal bago pumanaw si Neneng, at nang malaman na ito ni Narciso na nais na sanang makipagbalikan
kay Neneng,dir in nagtagal bago namatay na rin siya.

IV.PAGTATAYA
*Magtatanong ang guro sa mga studyante at kanila itong sasagutin, dito masusubok kung
nakinig ang mga magaaral sa paksa.

V.TAKDANG ARALIN
*gumawa ng sulat pasasalamat sa kaibigang laging nariyan sa tabi mo kahit anung mangyari.

You might also like