Aian LP, Wikang Pambansa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAARALAN EMA EMITS College BAITANG/ Baitang 12

Philippines ANTAS

GURO: G. Aian M. La Torre DISIPLINA: Filipino

PANG-ARAW- ORAS/PETSA 09:30-10:00 n.u MARKAHAN: Unang


ARAW NA NG Enero 12, 2023 Markahan
BANGHAY-ARALIN PAGTUTURO
SA FILIPINO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.
Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa
paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation
Assessment.Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin
dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at
nilalaman.
A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika
Pangnilalaman sa lipunang Pilipino.
B. Pamatayan sa Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng
Pagganap Wikang Pambansa ng Pilipinas.
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a) Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari o kasaysayan tungo sa
pagkabuo at pag- unlad ng Wikang Pangbansa;
b) natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
(F12PT-Ia-85)
c) nakapagbibigay ng mga pananaw kaugnay sa mga napakinggan o nabasang
pagtatalakay sa Wikang Pambansa.
II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay
sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a.Paksa Wikang Pambansa

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Internet
b. Iba pang Kagamitang pang-ICT at Kagamitang biswal
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa
bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1. Panalangin
pagsisimula ng Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin.
bagong aralin Cedrick, ito ay iyong pangunahan.
Ama, maraming salamat po sa
panibagong araw na
ipinagkaloob mo sa amin.
Salamat po sa iyong pag-iingat
sa amin sa araw-araw. Dalangin
ko po na kami po ay iyong
palaging gabayan. Maraming
salamat po sa lahat ng mga
biyayang dumadating sa buhay
namin. Ama, patawarin mo po
kami sa mga pagakakasalang
nagagawa namin. Nawa po ay
ang inyong presensya ang
maghari ngayong umagang ito.
Ang lahat ng dalangin kong ito
ay iniaalay ko sa matamis mong
pangalan, Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si


G. Aian M. La Torre ang inyong guro sa Magandang umaga rin po.
Filipino.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo magsiupo maaari bang


pakiayos ng linya ng inyong mga upuan at (Aayusin ng mga mag-aaral ang
pakipulot na rin ng kalat sa inyong linya ng upuan at pupulutin ang
paligid. mga kalat na nasa kanilang
paligid.)

4. Pagtatala ng Liban

May liban ba sa araw na ito? Walang liban po ngayong araw.

Mainam! Senyales lang iyan na kayo ay


interesadong matuto sa araw na ito.

5. Balik-aral

B. Paghahabi sa 1. Paganyak
Layunin ng Aralin Para sa ating pampasiglang gawain may inihanda
ako ditong gawain, ngunit bago yan igugrupo ko
muna kayo sa dalawa.

(Naggrupo)

At ngayon maari na kayong pumunta sa inyong


mg akagrupo. (pumunta sa mga ka grupo)

Ito ang unang gagawin pipili kayo ng dalawa sa


inyo na maga-prisinta dito sa unahan.

Peejay:
Magandang umaga binini, maari
ko bang malaman ang iyong
pangalan.
Annie:
Magandang umaga din Ginoo,
ako si binibining Annie.
Peejay:
Kung ano ang ikinaganda ng
iyong wangis, ay gayun din ang
kinaganda ng iyong pangalan.
Mahusay!
Dumako naman tayo sa pangalawang grupo.
Allan:
Ate magandang umaga anong
pangalan mo?
Joy:
Magandang umaga rin, ang
pangalan ko'y joy.
Allan:
Ako naman si Allan.
Mahusay!

Ang inyong ginawa ay may kinalaman sa ating


tatalakyin, ngunit bago yan alamin muna natin
ang ating mga layunin.
Sa pagtatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Natutukoy ang mga
pinagdaanang pangyayari o
kasaysayan tungo sa pagkabuo at
pag- unlad ng Wikang
Pangbansa;
b) natutukoy ang mga
kahulugan at kabuluhan ng mga
konseptong pangwika. (F12PT-
Ia-85)
c) nakapagbibigay ng mga
pananaw kaugnay sa mga
napakinggan o nabasang
pagtatalakay sa Wikang
Pambansa

C. Pag – uugnay ng May inihanda akong mga salitang inyong


mga halimbawa bubuuhin. Bubuuhin ninyo ito sa loob ng limang
sa aralin minuto.
1. KIAW (wika)
Allan: Wika

2. LIPIFINO (Filipino)
Cedrick: Filipino

3. NOPILIPI (Pilipino)
Annie: Pilipino

4. GATALOG (Tagalog)
Peejay: Tagalog

D. Pagtalakay sa Ang pagkatuto ay mas epektibo kung ang


aralin partisipasyon ng bawat isa`y nangingibabaw kung
kaya`t ang dapat gawin ay making, isapuso, at
isaisip ang mga matututunan.

Maliwanag ba klas?
Opo, sir!
Maraming salamat! Sa dakong ito atin ng tuklasin
kung ano nga ba ang Pambansang Wika,
depinisyon, kasaysayan, at kwento nito

Kung ating mapapansin, may iba`t ibang wika o


linggwahe ang ginagamit? Maari ba kayong
magbigay ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas.
Tagalog, Ilocano, Bisaya,
Bikolano, Waray, Tausug,
Hiligaynon, Cebuano.
Lahat ng inyong binanggit ay Tama!

Ano nga baa ng Wika?


Para sa inyo ano ang Wika?
Criscelia: ito ay ginagamit natin
sa pang araw araw na buhay.
Mahusay!

Pakibasa nga Joy kung ano ang depinisyon ng


Wika.
WIKA- Ayon kay Henry Allan Gleason Jr., ang
wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na
pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura (binasa ng mag- aaral)
Salamat sa Pagbabasa!

Ang wika ay ginagamit sa pakikipag


komonikasyon upang mailahad ang
impormasyong nais sabihin na kung saan
nagkakaroon ng pagkakaunawaan, pasalita man
ito o pasulat.
Ngunit sa kabila ng pagkakaiba ng dayalekto
bakit nagkakaunawaan pa rin tayo? Iyon ay dahil
sa Wikang Pambansa

(pagpapabasa ng mag- aaral ng Timeline)


Nobyembre 13, 1936
Norberto Romualdez itinatag ang Surian ng (pagbabasa ng timeline)
Wikang Pambansa (SWP)
1959- Nagsimulang tawagin na Pilipino ang wika.
1960- bumuo ang SWP ng mga bagong salita para
sa Wikang Pilipino na hango sa tagalog.
1963- nagkaroon ng dalawang kilusan laban sa
pagiging purista ng SWP (Ang laban sa wika at
bukas sa ibang wika). Natalo ang kilusang Laban
sa wika.
1973 Constitution- dito nabuo ang bagong
Wikang Pambansa ang Filipino.
Jaime de Veyra- unang pinuno ng SWP kasama
nila Jaime de Veyra, Santiago Fonacier, Filemon
Sotto, Casimiro Perfecto, Felix S. Sales
Rodrigues, Hadj Batu at Cecilio Lopez.
Nobyembre 9, 1937- nagkasundo ang SWP sa
pagpili ng Tagalog.
Disyembre 31, 1937- isinang- ayunan ni Manuel
L. Quezon na Tagalog ang pambansang wika ng
Pilipinas.

Sa Timeline na ating tinalakay, ano sa palagay


ninyo ang pinaka importanteng bagay na
naibibigay ng Wikang Pambansa?

Bettie: Ang pagkakaroon ng


Wikang Pambansa ay
nagbibigay daan sa pagkakaisa
Maraming Salamat! ng mga mamamayan at
nagbibigay tulong sa pag-unlad.

Ngayon naman, ating tatalakayin natin ang


pagkakaiba ng Filipino, Pilipino at Tagalog.

Siguro marami satin ditto ang nalilito tunkol sa


tatlong salita na ito.
Tagalog- ay ang naging basehan ng ating wikang
pambansa.
Pilipino- ay tawag sa mga orihinal na
mamamayan na nakatira sa Pilipinas.
Filipino- ito ay ang pambansang wika ng
Pilipinas.

Naiintindihan ba ninyo?

Ngayon na malinaw na sa inyo kung ano ang


pagkakaiba ng tatlo, nais ko nmng ilahad sa inyo Opo sir!
kung paano nagsimula na tawaging Filipino an
gating pambansang wika.
Bago tayo magtalakay ay nais ko muna kayong
tanungin, bakit ba kailangan natin ng Pambansang
Wika?
Salamat sa iyong pagtugon. Cedrick: dahil hindi natin
mauunawaan an gating kapwa
kung walang wika.
Tama, kailangan natin ito upang magkaroon tayo
ng pagkakaintindihan, dahil alam ba ninyo na ang
Pilipinas ay mayroong tinatayang 170 na
lenggwahe. Kailangan natin ang ating wikang
pambansa upang mapag isa ang layuning
magkaunawaan at magkaroon ng epektibo at
mahusay na talastasan sa kahit saan mang panig
ng Pilipinas.

Sa palagay ninyo tinawag ba agad na Filipino an


gating Wikang Pambansa?

Ang ating wikang pambansa ay hindi pa tinawag


na Filipino, sapagkat dumaan ito sa masusing
pagsusuri. Noong una ito ay tinawag pang Buong klase: hindi po!
Pilipino, taong 1959 ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Tagalog, ngunit dumaan ang mga
araw ay nakapag bibigay ito ng kalituhan sa mga
tao, sapagkat Pilipino din ang tawag sa kanila.
Kalaunan sa pamumuno ni Virgilio Amario, ang
pangulo ng KWF o Komisyon sa Wikang Filipino
ay ipinatupad at tinawag itong Filipino, ayon na
rin sa 1973 Philippines Constitution, dapat
kumilos ang kongreso para sa common national
language na tatawaging Filipino. Kalaunan sa
1987 Constitution, Filipino na ang idineklarang
opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas.

Nauunawaan ba ang pinagmulan ng wikang


pambansa?

Mahusay ang lahat klas!


Ako ay labis na natutuwa sa inyong ipinamalas
Opo sir!
nyong kahusayan sa pagsagot ng aking mga
katanungan.

D. Paglinang sa
kabihasaan Ngayong natapos na ang ating talakayan ay
(Tungo sa naghanda ako ng gawain, hahatiin ko kayo sa
Formative dalawang grupo, kayo ay gagawa ng isang tula
Assessment) kung saan pinapakita ang kahalagahan ng wika.

Ito ang pamantayan sa inyong gawain.

Mga Batayan 10 7 4

Nilalaman Nabibigayan May kaunting Maraming


ng buong kakulangan kakulangan sa
husay ang ang nilalaman nilalaman
nilalaman
Orihinal Mahusay at May kaunting May
orihinal ang kakulangan pinagtularan
tula
Presentasyon Mahusay ang Hindi gaano Hinid
pag presenta sa maintindihan maintindihan
unahan ang ang
presentasyon presentasyon

Maari na kayong mag simula, mayroon lamang


kayong 5 minuto sa pag gawa.

Tapos na ba lahat?
Opo sir

Okay, unang pangkat maaari na kayong pumunta


sa unahan at ipresenta ang inyong ginawang tula.
(nag presenta na ang unang
grupo)
Mahusay pangkat isa!

Ikalawang pangkat maaari na kayong pumunta sa


unahan.

(nag prisenta na ang ikalawang


grupo)
Mahusay pangkat dalawa!

E. Paglalapat ng
Aralin sa Pang- Bilang mag- aaral paano ninyo pahahalagahan
araw – araw na ang wika sa inyong pang araw-araw na buhay?
buhay
Okay Allan, Allan: sa pamamagitan ng
pagiingat sa pag gamit ng mga
salita sa tuwing nakikipag usap.
Tama!

H. Paglalahat ng Muli balikan natin ang ating mga pinag- aralan,


Aralin
Ano nga ulit ang wika? Joy
(sumagot ang mag- aaral)
ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na
pinili at isinaayos sa pamaraang
arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Ano naman ang pagkakaiba iba ng Tagalog,
Pilipino at Filipino? Criscelia
(sumagot ang mag- aaral)
Tagalog- ay ang naging basehan
ng ating wikang pambansa.
Pilipino- ay tawag sa mga
orihinal na mamamayan na
nakatira sa Pilipinas.
Filipino- ito ay ang pambansang
wika ng Pilipinas.
Ilan nga ulit ang lenggwahe na mayroon sa ating
bansa? Ara Mayroon tayong 170 na
lenggwahe.

Sino ang nagtatag ng Surian ng Wikang


Pambansa (SWP)? Anilyn Si Norberto Romualdez

Bakit nga ba kailangan natin ng ating wikang


pambansa? Vina Kailangan natin ito upang tayo
ay magkaunawaan.

Mahusay!

I. Pagtataya ng aralin Kumuha ng 1/4 sheet ng papel at sagutan ang


pagtataya na ito.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap
ay wasto, at MALI naman kung ito ay hindi
wasto.

1. Ang wika ay masistemang balangkas ng


mga tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitraryo na ginagamit ng
taong nabibilang sa isang kultura.

J. Karagdagang Karagdagang Gawain:


Gawain at Takdang- Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng parabula
Aralin at itala sa kuwaderno ang mga mahahalagang
kaisipan na makikita rito.

Magsitayo ang lahat.


(tatayo ang mga mag-aaral)

Paalam na sa inyong lahat.


Muli, ako si Bb. Ahlea Mendez, ang inyong
naging guro sa oras na ito.
Paalam na po.
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaral sa bawat lingggo. Paano mo naisakatuparan. Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y
matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari
nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng
paggabay ng guro (bawat
pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remedyasyon
E. Alin sa aking mga
estratehiya ang epektibong
gamitin? Bakit nasabing ito
ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Inihanda ni:
Bb. Ahlea L. Mendez
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G. Lichfield V. Velasquez, LPT


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:
G. Emerson L. Guerra, LPT
Tagapag-ugnay ng Asignatura (Filipino)

You might also like