Banghay Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAARALAN Ema Emits College BAITANG/ Baitang 9

Philippines ANTAS
PANG-ARAW-
ARAW NA GURO: G. Aian M. La Torre DISIPLINA: Filipino
BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO ORAS/PETSA 07:30-08:30 n.u MARKAHAN: Ika-apat na
NG April 24, 2023 Markahan
PAGTUTURO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.
Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa
paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation
Assessment.Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin
dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at
nilalaman.
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang
Pangnilalaman pampanitikan ng Pilipinas.
B. Pamatayan sa Ang mga mag-aaral ay nakikilahok sa
Pagganap
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a) Nakikilala ang katauhan ng may akda;
b) Nababatid ang mga ambag at kontribusyon ng may-akda;
c) Nakasusulat ng talambuhay ng isang kilalang personalidad kabilang ang mga
ambag o kontribusyon nito sa lipunan.

II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay
sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a.Paksa Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Obra Maestra (Noli Me Tangere) Batayang akdang pampanitikan para sa ikatlong
taon sa sekundarya at internet.
b. Iba pang Kagamitang pang-ICT at Kagamitang biswal
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa
bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1. Panalangin
pagsisimula ng Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin.
bagong aralin Cedrick, ito ay iyong pangunahan.
Ama, maraming salamat po sa
panibagong araw na
ipinagkaloob mo sa amin.
Salamat po sa iyong pag-iingat
sa amin sa araw-araw. Dalangin
ko po na kami po ay iyong
palaging gabayan. Maraming
salamat po sa lahat ng mga
biyayang dumadating sa buhay
namin. Ama, patawarin mo po
kami sa mga pagakakasalang
nagagawa namin. Nawa po ay
ang inyong presensya ang
maghari ngayong umagang ito.
Ang lahat ng dalangin kong ito
ay iniaalay ko sa matamis mong
pangalan, Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si


G. Aian M. La Torre ang inyong magiging Magandang umaga rin po.
guro sa Filipino.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo magsiupo maaari bang


pakiayos ng linya ng inyong mga upuan at (Aayusin ng mga mag-aaral ang
pakipulot na rin ng kalat sa inyong linya ng upuan at pupulutin ang
paligid. mga kalat na nasa kanilang
paligid.)

4. Pagtatala ng Liban

May liban ba sa araw na ito? Walang liban po ngayong araw.

Mainam! Senyales lang iyan na kayo ay


interesadong matuto sa araw na ito.

5. Balik-aral

Tayo ay mag balik aral muna, ano ang ating


tinalakay kahapon?

B. Paghahabi sa 1. Paganyak
Layunin ng Aralin Para sa ating pampasiglang gawain may inihanda
ako ditong gawain, ngunit bago yan igugrupo ko
muna kayo sa dalawa.

(Naggrupo)

Ito ang unang gagawin, pipili kayo ng dalawa sa


inyo na magtatanghal dito sa unahan. May
ibibigay akong ginupit na larawan at inyong
bubuohin.
(pumunta sa mga ka grupo)
(ibinigay ang mga larawan)

Tapos na ba? Maaari nang magtanghal sa unahan


ang unang pangkat.
Peejay:
Ang nabuo naming larawan ay
larawan ng Pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal.

Mahusay!
Dumako naman tayo sa pangalawang grupo.

James:
Ang aming nabuo na larawan ay
si Dr. Jose Rizal.
Mahusay!

Ang inyong ginawa ay may kinalaman sa ating


tatalakyin, ngunit bago yan alamin muna natin
ang ating mga layunin. Basahin ng sabay-sabay
ang ating layunin.
(nagbasa ang mga mag-aaral)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
a) Nakikilala ang katauhan ng may akda;
b) Nababatid ang mga ambag at
kontribusyon ng may-akda;
c) Nakagagawa ng talata tungkol sa buhay
ng isang kilalang personalidad o tao.

C. Pag – uugnay ng Bago tayo dumako sa pagtatalakay sa paksang-


mga halimbawa aralin ay may inihanda akong mga salitang
sa aralin inyong bubuuhin. Tumaas lamang ng kamay ang
nais sumagot.

1. JSEOZARIL (Jose Rizal)

Allan: Jose Rizal


2. MEILONERENGAT (Noli Me Tangere)

Cedrick: Noli Me Tangere


3. OMSIRETSUBILIFEL (El Filibusterismo)

Annie: El Filibusterismo
4. HAYBULAMTA (Talambuhay)

Peejay: Talambuhay

D. Pagtalakay sa Sa inyong palagay ano kaya ang tatalakayin natin


aralin ngayun araw? Carl:
Talambuhay po ni Jose Rizal po!
Tama! Ang pagaaralan natin ngayung araw ay
ang talambuhay ni Rizal.
Ngunit bago iyan ay ang pagkatuto ay mas
epektibo kung ang partisipasyon ng bawat isa`y
nangingibabaw kung kaya`t ang dapat gawin ay
makinig, isapuso, at isaisip ang mga matututunan.

Maliwanag ba klas?
Opo, sir!

Maraming salamat! Sa dakong ito atin nang


tuklasin kung sino nga ba si Dr. Jose Rizal.
Sino sa inyo ang nakakakilala kay Dr. Jose Rizal?
Angel:
Siya po ang pambansang bayani
ng Pilipinas.
Carl:
Isang matalinong tao.
James:
Lumaban sa mga kastila gamit
ang kanyang panulat.
Mahusay! Ang inyong mga sagot ay tama.
Si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y
Realonda o kilala bilang si Dr. Jose Rizal ay ang
pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang
sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang
kanyang mga magulang ay sina Ginoong
Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Ang kaniyang ina ang naging unang guro niya.
Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Binan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer
sa agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23,
1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat
ng iba`t ibang wika kabilang na ang Latin at
Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral
sa Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino
at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si
Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng
samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo,
industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong
sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa
Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga
maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na
magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito
sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya
sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto
siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa
Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon,
ikinulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay
nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat
niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang
henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P.
Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Naunawaan ba ang Talambuhay ni Rizal?

Buong klase: Opo!


Mahusay ang lahat klas!

D. Paglinang sa
kabihasaan Ngayong natapos na ang ating talakayan ay
(Tungo sa naghanda ako ng gawain, hahatiin ko kayo sa
Formative dalawang grupo, pipili kayo ng isang kilalang
Assessment) personalidad o tao, pagkatapos ay mananaliksik
kayo upang alamin ang mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa kaniya gaya ng kaniyang
mga natapos sa pag-aaral, ambag o kontribusiyon
sa lipunan, at iba pa. Isulat mo ang kaniyang
talambuhay sa loob lamang ng dalawa hanggang
tatlong talata.

Narito ang pamantayan sa inyong gawain.

Mga Batayan 10 7 4

Nilalaman Nabibigayan May kaunting Maraming


ng buong kakulangan kakulangan sa
husay ang ang nilalaman nilalaman
nilalaman
Orihinal Mahusay at May kaunting May
orihinal ang kakulangan pinagtularan
talatang
ginawa
Presentasyon Mahusay ang Hindi gaano Hinid
pag presenta sa maintindihan maintindihan
unahan ang ang
presentasyon presentasyon

Maari na kayong mag simula, mayroon lamang


kayong 5 minuto sa pag gawa.

Tapos na ba lahat?

Opo sir
Okay, unang pangkat maaari na kayong pumunta
sa unahan at ipresenta ang inyong ginawang tula.

(nagpresenta na ang unang


Mahusay pangkat isa!
grupo)
Ikalawang pangkat maaari na kayong pumunta sa
unahan.

(nagprisenta na ang ikalawang


Mahusay pangkat dalawa!
grupo)

E. Paglalapat ng
Aralin sa Pang- Bilang mag- aaral, sa inyong palagay ano ang
araw – araw na mahalagang nagawa ni Dr. Jose Rizal noong siya
buhay ay nabubuhay pa?
Allan:
Ang mahalagang nagawa ni Dr.
Jose Rizal noong siya`y
nabubuhay pa ay gumawa siya
ng nobela, at lumaban gamit ang
papel at kaniyang panulat

Tama!
Ngayun naman ay muli nating balikan ang ating
mga pinag- aralan,

Ano nga ang ulit buong pangalan ni Dr. Jose


Rizal? Joy
(sumagot ang mag- aaral)
Dr. Jose Protacio Mercado Rizal
Alonzo y Realonda po sir.

Mahusay!

Sino naman ang mga magulang niya?


(sumagot ang mag- aaral)
Sina Ginoong Francisco
Mercado at Ginang Teodora
Alonzo po sir.

Mahusay!

Ano nga ulit ang dalawang nobelang isinulat ni


Rizal? (sumagot ang mag-aaral)
Noli Me Tangere at El
Filibusterismo po sir.

Mahusay!

Anung pangalan ng lugar kung saan binaril si Dr.


Jose Rizal? Tinatawag ito ngayon na Luneta. (sumagot ang mag-aaral)
Bagumbayan po sir.

Mahusay!

Batid ko na nakinig nga kayo sa ating talakayan,


I. Pagtataya ng aralin kaya naman ay dumako na tayo sa isang maikling
pagsusulit.

Kumuha ng ika-apat na bahagi ng papel at


sagutan ang pagtataya na ito.

Panuto: Isulat ang tamang sagot.

1. Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?

2. Sino ang mga magulang niya?

3. Ano ang dalawang tula na isinulat ni Rizal?


4. Saan isinilang si Rizal?

5. Saan siya pinatay?

Susi sa pagwawasto:
1. Dr. Jose Protacio Mercado
Rizal Alonzo y Realonda.
2. Ginoong Francisco Mercado
at Ginang Teodora Alonzo.
3. Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
4. Calamba, Laguna.
5. Bagumbayan o Luneta.

J. Karagdagang Karagdagang Gawain:


Gawain at Takdang-
Aralin Magsaliksik tungkol sa kung ano ang huling
sinabi ni Dr. Jose Rizal, bago ito malagutan ng
hininga.

Magsitayo ang lahat. (tatayo ang mga mag-aaral)

Paalam na sa inyong lahat.


Muli, ako si G. A ian M. La Torre, ang inyong
naging guro sa oras na ito. Paalam na po.

Inihanda ni:
G. Aian M. La Torre
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G. Lichfield Velasquez, LPT


Gurong Tagapagsanay

You might also like