Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

VERITAS COLLEGE OF IROSIN

IROSIN, SORSOGON
MajFil11 BARAYTI AT BARYASON NG WIKA
MODYUL I
WIKANG PAMBANSA: MGA KONSEPTO AT TEORYA
PANIMULA
Ang kursong ito ay masinsinang pag-aaral at pagsusuri ng mga barayti at baryason
ng wika sa Pilipinas. Isa itong komparatibong pag-aaral ng mga pangunahing rehiyonal at ng
sosyal na dayalekto ng Filipino. Komparatibong serbey ng iba’t ibang relasyunal, sosyal,
antropolohikal, akademik, okuposyunal na barayti at baryason ng Filipino.
LAYUNIN
1. Nakilala at naunawaan ang mga konsepto at teorya: Wikang Pambansa
2. Nagkaroon ng kabatirang kaalaman hinggil sa kasaysayan ng wikang Pambansa at mga
teorya hinggil sa Biblikal at Siyentipikong pinagmulan ng wika.
TALAKAYIN NATIN:
Ang kahulugan at kalikasan ng wika ay kailangang malaman at maunawaan upang
magamit ito ng tama, angkop at mabisa.
Ayon kay Henry Gleason, isang linggwista, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at sinasaayos sa paraang arbitraryo, ginagamit sa
komunikasyon, pantao at nakaugnay sa kultura.

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN HINGGIL SA KASAYSAYAN NG WIKANG


PAMBANSA:
1. Noong taong 1959 ipinahayag ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose Romero ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino.

2. Nilagdaan ng Pangulong Marcos noong 1967 ang isang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatagubilin na lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan
ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

3. Bilang susog sa hakbangin ng Pangulong Marcos, nagpalabas ng isang


memorandum si Kalihim tagapagpaganap, Rafael Salas noong taong 1968 na
nagpapahayag na pati ang mga letterheads ng mga kagawaran, tanggapan at
sangay ng pamahalaan ay marapat na rin isulat sa Pilipino na may teksto sa Ingles.
Gayundin ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ay gawin sa Pilipino. Lumabas
din sa taong ito ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan ni Pang.
Marcos. Nag-uutos ito na lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan na gamitin ang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon.

4. Ang Pilipino ay naging wikang panturo sa antas elementarya sa bisa ng Resolusyon


Blg. 70 na lumabas noong 1970. Sa taon ding ito ay pinagtibay ang Resolusyon Blg.
73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon na nagsabing ang Ingles at Filipino ay
isama sa kurikulum mula unang baytang ng mababang paaralan hanggang sa
kolehiyo. Ang Resolusyong ito ang nagluwal sa Patakarang Bilinggwal sa
Edukasyong Pilipino. Taong 1974-75 nang sinimulang ipatupad ang patakarang
bilinggwal na edukasyon.

5. Noong 1978, lumabas ang Kautusang Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon


Blg. 22 na nag-uutos ng pagkakaroon ng anim (6) na yunit ng Pilipino sa lahat ng
kurso sa antas tersyarya at labindalawang (12) yunit ng Pilipino sa mga kursong
Pang-edukasyon.

6. Noong 1979, ipinag-utos ng Kagawaran ng Edukasyon na ang mga mag-aaral ng


Medisina, Dentista, Abogasya at Gradwado ay magkakaroon na rin ng Pilipino sa
Kurikulum. Sa Saligang Batas ng 1987 (Art. XIV, Seks. 6 at 7) may mga tiyak na
tadhana tungkol sa paggamit ng wikang pambansa.

Seks. 6 "Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang ito ay dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at
iba pang mga wika."
Seks. 7 "Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang itinatadhana
ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo
roon.

7. Noong Disyembre 1996, nagpalabas ang CHED ng Memo- randum Sirkular Blg. 59
na nag-aatas ng pagsasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa
mga kolehiyo at pamantasan.
Ang sumunod na mga pangyayari hinggil sa kasaysayan ng Wikang Pambansa ay
ang Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na
nagtatakda sa buwan ng Agosto bilang buwan ng Pagdiriwang ng Wikang Fili- pino,
kasama ang tagubilin sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan at paaralan na
magsagawa ng kaukulang mga gawain hinggil sa pagdiriwang ng buwan ng wika.
Pinakahuling tala ukol sa wika ang naging rebisyon ng ortograpiyang Filipino na
nilagdaan ng dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, S. 2001. Dito ay nagkaroon ng paghahain ng mga
tiyak na pamantayan hinggil sa paggamit ng walong dagdag o hiram na titik (C, F, J, Ñ,
Q, V, X, Z).
MGA TEORYA HINGIL SA PINAGMULAN NG WIKA
A.TEORYANG BIBLIKAL
1. Tore ng Babel
Ang kwento hinggil sa “Tore ng Babel” na kilala rin sa taguring “Teorya ng kalituhan”
ay matatagpuan sa ika-11 kabanata sa aklat ng Genesis, bersikulo 1-8.
Nakasaad dito na dati-rati ay iisa lamang ang wikang sinasalita ng mga tao sa buong
daigdig kung kaya madaling nagkakaunawaan ang mga tao. Naipasya ng mga taong
naninirahan sa silangan sa isang kapatagan ng Sinai (senai) na magtayo ng isang lungsod
na may "Tore" na aabot sa langit upang sila'y mapatanyag at huwag nang magkawatak-
watak.
Hindi naibigan ng Panginoon ang ganitong gawain dahil di-umano'y pasimula pa
lamang ito ng kanilang mga binalangkas at di maglalao't gagawa pa sila ng anumang
kanilang maibigan.
Dahil dito ay naipasya ng Panginoon na guluhin ang kanilang wika upang hindi na
sila magkaintindihan nang sa gayon ay kagyat na matigil ang pagtatayo ng nasabing tore.
2. Ang Pentecostes
Ang tala hinggil sa Pentecostes ay matatagpuan sa ika-2 aklat ng mga Gawa
bersikulo 1-12. Ang Pentecostes ay nangangahulugan ng pagdating o pagsapit ng banal na
Espiritu Santo. Ito ang kaganapan ng pangako ni Hesukristo sa Kanyang mga Apostol na di-
umanoy bibigyan sila ng Diyos Ama sa langit ng Banal na Espiritu upang mapalaganap nila
sa buong mundo ang mabuting balita ng kaligtasan bilang mga saksi ni Hesukristo. (Gawa
1:6-10).
Nakasaad dito na habang nagkakatipon sa isang lugar ang mga apostol ay bigla
silang may narinig na ugong mulla sa langit at may nakita silang mala-dilang apoy na
lumapag sa bawat isa sa kanila at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita sa
iba't ibang wika. Dito nagsimula ang pamamalakaya at pagpapakalat sa ebanghelyo ng mga
apostol sa bawat sulok ng mundo na siyang naging pormal na pasimula ng paglaganap ng
Kristiyanismo.
Sa kasalukuyan ay pamilyar ang mga tao na kabilang sa mga Charismatic Movement
sa terminong Gift of Tongue na basta na lamang namumutawi sa kanilang mga labi ang mga
salitangg hindi naman nila maintindihan. Ito ay nagaganap sa mga oras ng kanilang
pagsamba o pagpupuri sa Diyos.
B. MGA TEORYANG SIYENTIPIKO
Ang iba't ibang teorya ukol sa posibleng pinagsimulan na wika:
1. Teoryang Bow-wow
Ang teoryang ito ay mula kay Max Mveller na isang buhat sa Aleman. Ayon sa
kanya, ang wika ay nagsimula paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan tulad ng langitngit
ng kawayan, lagaslas ng tubig at ihip ng hangin. Tinatawag din itong paghihimig o
Onametopiya. Hindi naging malawak ang katanggapan ng teoryang ito sa kadahilanang
wala itong konsistensi at dumedepende lamang sa pandinig na maaaring magkakaiba para
sa iba't ibang tao. Halimbawa ay ang magkakaibang interpretasyon ng bawat lahi sa tilaok
ng manok.
Halimbawa:
Wikang Filipino Tiktilaok o kaya ay kok-korokokok
Wikang Intsik (Chinese) go-go-gooo
Wikang Ingles Cock-a-doodle-doo
Wikang Pranses at Espanyol cocorico

2. Teoryang Ding-dong
Nakasaad sa teoryang ito na bawat bagay ay may sariling tunog na kumakatawan
dito. Halos katulad ito ng Bow-wow subalit may bahagyang kaibhan sapagkat hindi lamang
ang tunog mula sa kalikasan ang sinasaklaw ng Ding-dong kundi maging ang tunog ng mga
bagay na likha ng tao tulad ng "tiktak" ng orasan, huni ng tuko, uwak, palaka, ibon at tunog
ng kampana.
3. Teoryang Ta-ta
Ayon dito ang wika ay nagsimula sa paggaya sa mga galaw ng katawan na
humahantong sa koordinasyon ng bibig at dila. Halimbawa ay ang pagkumpas ng kamay
nang pataas at pababa tuwing magpapaalam at ang pag-iling upang magpahayag ng hindi
pagsang-ayon. Ang Ta-ta ay nagmula sa salitang Pranses na nangngahulugang paalam.
Tinatawag din itong muestra.
4. Teoryang Yo-he-ho
Nagsimulang makabuo ng mga salita ang tao sanhi ng mga tunog na kaniyang
nauusal tuwing siya ay gagamit ng matinding puwersa sa pagbuhat ng mabibigat na bagay

5. Teoryang Pooh-pooh
Ang tunog na naibubulalas ng tao dala ng matinding takot, galak, sakit at iba pang
emosyon ang siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng wika. Kung minsan ay sadyang hindi
natin maiwasang umusal ng mga tunog tuwing tayo ay nasa ilalim ng matinding emosyon
Bawat wika ay nagtataglay ng sariling damdamin na kumakatawan sa mga
tagapagsalita nito. Kaya kung minsan ay hindi kayarng itago ng isang Pilipino ang kanyang
tunay na pagkakakilanlan. Gaano man siya kahusay sa wikang banyaga dahil sa sandaling
masaktan ay salitang "aray" pa rin ang lalabas sa kanyang bibig.

6. Teoryang La-la
Ito ay mula sa isang Linggwistang taga-Denmark na si Otto Jespersen (1860-1943)
kung saan sinabi niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita ay ang mga
pwersang may kinalaman sa romansa tulad ng pag-ibig na makikita sa lenggwahe ng mga
tula at awitin.
Bagamat hindi maipagkakaila na nagsisilbing inspirasyon ng tao ang pag-ibig upang
makalikha ng mga dakilang komposisyon o obra ay hindi naman palaging nasa ganitong
estadong emosyon at pag-iisip ang mga tao sa lahat ng pagkakataon.
7. Teoryang Yum-yum
Nilikha ang tao na sadyang may mga bayolohikal na pangangailangan tulad ng
hangin, tubig at pagkain. Dito'y nagiging pangunahing layunin ng kanyang pagkilos ang
matugunan ang mga ito. Ang teoryang ito ay iniluwal ng pagkalam ng sikmura ng tao dala ng
nararamdamang gutom.
Nakabatay din ito sa stimulus-response theory kung saan madaling maakit sa
pagkain ang isang taong gutom. Madalas ding kumakatas ang ating mga bagang sa tuwing
makakikita o makaaamoy tayo ng masarap na pagkain sabay ang pag-usal ng salifang Yum-
yum o yummy.
Tumutukoy ito sa koordinasyon ng kilos ng tao gaya na pagtango kasabay ng
pagsasabing oo, pag-inom kapag nauuhaw at pagkain kapag nagugutom.
8. Teoryang Tarara-boom-de-ay
Tungkol ito sa mga seremonya o ritwal na isinasagawa ng isang porma ng
pagpapahayag. Ang mga salitang kanilang mga tao tulad ng pagsasayaw, pagsigaw at pag-
ungol bilang naibubulalas mula sa ganitong mga gawain ay nagiging bahagi ng kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay at kultura.
Bagaman naghahain ng iba't ibang paliwanag hinggil sa pinagmulan ng wika ang
mga teoryang nabanggit ay hindi pa rin ito sapat upang maging batayan ng ating paniniwala
dahil marami pa rin itong mga kakulangan.

You might also like