Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SAN MATEO MUNICIPAL COLLEGE

Gen. Luna Ave. Guitnang Bayan 1 San Mateo Rizal


8990-9070 email:smmunicipalcollege@gmail.com
https://smmc.edu.ph/

Semi-Ditalyadong Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang panghalip panao at ang panauhan nito
2. Nagagamit ang panghalip panao sa pangungusap
3. Maintindihan ang tekstong binasa ng guro

II. PAKSANG ARALIN:


a. Paksa: Panghalip Panao
b. Sanggunian: Hiyas sa Wika 4 pahina 51-55
c. Kagamitan: visual aids

III. PAMAMARAAN
A. Pambungad na Panalangin
B. Pagtala ng Liban at pag-aayos ng silid
C. Motivation

JUMBLED LETTERS Ang klase ay kinakailangang makabuo ng limang grupo at mag


papaunahan sila na nilang masagot ang mga nakagulong salita.

D. PAGLALAHAD
PANGHALIP – ay ang salitang panghalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay tinatawag na
pronoun sa wikang Ingles.
May Ibat ibang uri ng panghalip ayon sa panauhan.
1. Unang Panauhan (nagsasalita) ako, ko, akin, kami, tayo, atin, namin, natin
Halimbawa:
 Ako ay nagtungo sa Plaridel
 Kami ay sumakay sa Bus

2. Ikalawang Panauhan (kinakausap) ikaw, ka, mo, iyo, kita, kayo, inyo, ninyo

Halimbawa:

 Ikaw ay inaanyayahan ko sa aking kaarawan


 Kailan kayo uuwi?

3. Ikatlong Panauhan (pinag-uusapan) siya, niya, kaniya, sila,nila,kanila, ito

Halimbawa:
 Sila ay napakasayang Pamilya
 Sa kanila ba tong sasakyan?
 Niyaya ka ba niyang gumala?

PAGSASANAY

Panuto: Punan ang patlang sa pangungusap ng tamang panghalip panao.

1. Ang aking mga kaibigan at ako ay maglalaro sa labas, _____ay maglalaro ng taguan.
2. Ang mga bata ay magdadala ng bulaklak_______ang mag aalay nito kay mama Mary
3. Ikaw at si Ana ay pupunta sa batis_______ay magdadala ng pagkain
4. Si Peter ang sumali sa paligsahan ________ang nagwagi.
5. Sina Nena, Jimboy at Jojo ay magkakapatid_________ang bahay na ito.

PAGLALAHAT

 Ano ang Panghalip-Panao?


 Naiintindihan niyo ba ang aralin natin ngayon?

TAKDANG ARALIN:

Magsulat ng tag limang pangungusap gamit ang panghalip panao.

1. Sila
2. Kanya
3. Iyo
4. Kayo
5. Tayo

You might also like