Assignment 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Delos Santos, Karen T.

October 11, 2023

BGT – AT 3A Thursday, 8:30am - 11:30am

Assignment #3

ANG UNANG PAGBABALIK NI RIZAL SA PILIPINAS

Noong ika-29 ng Hunyo 1887, nagpadala ng telegram si Rizal sa kanyang ama ukol sa
kanyang balak na bumalik sa Pilipinas. Sa ika-3 naman ng Hulyo 1887, sinimulan na ni Rizal
ang paglalakbay pabalik ng Pilipinas. Sumakay siya sa barkong Diemnah, ang barkong
kanyang sinakyan noong siya nagtungong Europa noong limang taong nakararaan na.
Noong ika-30 ng Hulyo 1887, dumating siya sa Saigon at sumakay naman ng barkong
Haipong patungong Maynila. Dumating siya sa Maynila sa ika-5 ng Agosto 1887. Pagkating
sa Maynila, napansin ni Rizal na walang masyadong pagbabago sa ayos at anyo ng lungsod
ng Maynila. Mula sa Maynila ay naglakbay siya papuntang Calamba at nakarating siya
noong ika-8 ng Agosto 1887. Sa kanyang mga unang araw sa Calamba, hindi siya iniwan ng
kanyang kapatid na si Paciano dahil nag-aalala siya para sa kaligtasan ng kapatid. Nagtayo
ng isang klinika si Jose sa Calamba uoang makapglingkod siya bilang isang manggagamot.
Ang una niyang naging pasyente ay ang kanyang ina. Ngunit hindi niya naoperahan ito dahil
ang katarata nito sa kanyang mata ay hindi pa hinog. Naging bantog si Rizal sa Calmba at
pati na rin sa mga karatig bayan, kaya dinadayo pa nila rito si Rizal para lamang
magpaggamot. Tinawag siyang Doktor Uliman ng mga taga-Calamba. Noong unang buwan
niya sa panggagamot, kumite siya ng 900 piso at noong Pebrero 1888 naman ay umabot ang
kanyang kita ng 5000 piso. Nagpatayo rin si Rizal ng isang gymnasium sa kanyang bayan
upang matulungan ang mga kababayan sap ag-iwas sa mga bisyo tulad ng sugal at sabong.
Sa kasamaang palad naman, hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahil sa pagtutol ng
kanyang mga magulang.
➢ Mga Dahilan ng Pagbabalik

• Operahan ang mata ng kanyang ina.


• Ipagtanggol ang mga kababayng inaapi ng mga Espanyol.
• Makita ang epekto ng kanyang nobelang “Noli Me Tangere”.
• Itanong kung bakit hindi na sumusulat si Leonor Rivera.

➢ Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere

Inimbitahan si Rizal ni Gobernador Heneral Emilio Terrero sa Palasyo ng


Malacañang dahil sa nasabing nobela. Ito’y dahil may subersibong ideya raw ang Noli
Me Tangere. Ngunit paliwanag ni Rizal na ipinapahayag lamang niya ang katotohanan.
Nakakuha si Rizal ng isang kopya mula sa isang kaibigan upang ipakita sa Gobernador
Heneral. Binigyan niya ng tagapagbantay na si Espanyo Don Jose Taviel de Andrade para
kay Jose Rizal dahil alam niyang nanganganib ang buhay niya.

➢ Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere

• Marcelo H. Del Pilar


• Antonio Ma. Regidor
• Graciano Lopez Jaena
• Mariano Ponce
• Segismundo Moret
• Miguel Morayta
• Ferdinand Blumentritt
• Padre Vicente Garcia
LA SOLIDARIDAD

Ang pagtatatag ng La Solidaridad ay naganap sa Barcelona noong ika-13 ng


Disyembre 1888. Ang pahayagan ay nagsimula noong Pebrero 15, 1889 at nanatiling umiiral
hanggang Nobyembre 15, 1895. Ang La Solidaridad ay isang organisasyon na nagsusulong
para sa mapayapang ugnayang panlipunan at pampulitika sa pagitan ng Pilipinas at
Espanya. Matagal nang masyadong mapaniil ang mga Kastila sa mga Pilipino, kaya't
napagtanto ng mga propagandista na sapat na ang kanilang paghihirap. Bukas ang mga
propagandista sa pagiging tapat sa Espanya, ngunit nais din nilang labanan ang di-
makatarungan na pamamahala ng mga Kastila. Napakahalaga ng impluwensya ng mga
Kastila, kaya't patuloy nila tayong kinokontrol at nililinlang. Sa halip na bigyan tayo ng
kalayaan na dapat nating meron tulad ng edukasyon, pilit nila tayong pinapatakbo sa mga
paniniwalang mas pabor sa kanila kaysa sa mga Pilipino. Ang organisasyon na ito ay isang
grupo kung saan nagtitipon si Rizal at iba pang Pilipino na may mga liberal na ideya. Sa
pamamagitan ng pagsusulat, ipinaaabot nila sa atin ang di-makatarungang pamamahala ng
mga Kastila sa Pilipinas.

Si Graciano Lopez-Jaena bilang unang editor, ang nagtatag ng La Solidaridad sa


Barcelona. Kasama niya, ang mga opisyal na nagpamahala sa pahayagan ay sina Galicano
Apacible, Graciano Lopez-Jaena, at Mariano Ponce.

Mga pilipinong naki-bahagi sa pagbuo ng La Solidaridad:

1. Marcelo H. Del Pilar (Plaridel)


2. Dr. Jose Rizal (Laon Laan)
3. Mariano Ponce (Naning, Kalipulo, Tigbalang)
4. Antonio Luna (Taga-Ilog)
5. Jose Ma. Panganiban (Jomapa)
6. Dr. Pedro Paterno
7. Antonio Ma. Regidor
8. Isabelo Delos Reyes
9. Eduardo De Lete
10. Jose Alejandrino

You might also like