(WW-1 Intoduction) Research Paper Scaffold - Jannah D. Balasbas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Research Paper Scaffold

Format in writing an introduction

1. Introduction
a. Start with an attention-grabber ( quote, statistic or story )
Hadlang ba ang uri ng personalidad ng estudyante sa kanyang pag-aaral? Lalo na sa mga
introverted na bata paano sila natututo ng maayos sa klase habang may ganitong uri ng personalidad?
Base sa pag-aaral ni Hasanah, Paradilla, at Zuhri (2020), ang introvert ay mailalarawan bilang
personalidad na palaisip, hindi social, bihira magsalita, at mabilis mahiya pag nakikipag-usap sa iba. Ang
mga taong ito ay hindi gaanong nakikisangkot sa mga panlabas na gawain kasama ang iba, at mas
gugustuhin na mag-isa sa kanilang libreng oras.

b. Provide some background information on your topic


Ayon sa artikulo ni Condon at Ruth-Sahd (2013), ang mga introverts ay mas nakikinabang mula sa
mga pagsasanay tulad ng pagsulat ng mga kritika, pagbuo ng mga mapa ng konsepto, at paggawa ng mga
talahanayan ng pagkakatulad/pagkakaiba. Ayon naman kay Leung (2015), ang mga introvert na bata ay
natututo nang maaga na hangarin na sumunod sa extrovert ideal na mas pinapahalagahan ng mga
lipunan—ang archetype (isang napaka tipikal/heneralisadong halimbawa ng isang partikular na tao o
bagay) sa mga bata pag nakikisalamuha sa iba ay ang pagiging palakaibigan nito sa lahat.

c. Write down your thesis statement ( purpose of the research)

Ang layunin ng case study na ito ay kilalanin at unawain ang epekto ng introversion ng isang
estudyante sa pagiging produktibo sa klase ng mga 12-15 anyos na introverted na estudyante sa
International Philippine School in Al-Khobar (IPSA). Ang resulta ng pag-aaral ay ang magiging batayan sa
mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral sa klase. Sa yugtong ito ng
pananaliksik, ang paksa ay karaniwang tutukuyin kung paano mas pinipili ng mga mag-aaral na ito
mag-aral mag-isa, hindi gaano lumalahok sa recitation, at mas gugustuhin sa tahimik at hindi gaanong
nakakaganyak na mga kapaligiran.

( And connect your last sentence to the first RRL/ use a connecting words)
Literature Review

- Find five articles about your topic and list the relevant facts from each one.
1. Sinasabi ng thesis ni Needle (2019) na pagdating sa mga recitation sa klase, maraming mga
introvert ang nahihirapan sa pagsasalita sa publiko at iniiwasan magsalita o magpresenta sa
harap ng klase, dahil sila ay sensitibo sa mga personal na pananalita at madaling mapahiya (Frey,
1924; Zafonte, 2018). Dahil dito, hindi sila gaanong kumpiyansa at naudyukan na lumahok sa
pasalitang pakikilahok at mga aktibidad sa klase. Pinipili ng ilang mananaliksik na tumutok sa
kung paano maaaring makahadlang sa creativity progress ang pagiging introvert ng mga
estudyante. Gayunpaman, ang mga mahiyain na introvert, lalo na sa mga gawaing malikhaing
berbal, ay negatibong nahadlangan (Cheek & Stahl, 1986). Ayon kay Needle (2019) ang
pangunahing ideya tungkol sa paksang ito ay ang pag rekomenda ng mga silid (learning
environment) na hango sa natatanging personalidad ng mga introverted na estudyante para
maging komportable sa paggawa ng mga tungkulin sila. Sa pamamagitan nito, napapaisip sila ng
panibagong panahon kung saan ang paningin at pananaw ng pangkalahatang publiko sa
personalidad, pakikisalamuha, at relatibong produktibidad ay magbabago—kung saan ang
kultura ay magbabago para sa ikabubuti ng lahat, lalo na sa mga introverts. Maiwawaksi ang mga
maling palagay tungkol sa mga proyektong pang pangkat, ang ideal na uri ng personalidad, at ang
mga argumento sa pagbubukas ng mga workspaces na hindi angkop para sa mga introverts.
Ipinaliwanag din ni Needle (2019), na ang mga introvert ay nag-ulat na sila ay hesitant team
leaders at nagpahiwatig ng hindi pagkagusto sa obligatoryong pakikipag-ugnayan sa lipunan,
tulad ng pagtawag sa mga random na oras ng mga propesor o paglalagay sa mga grupo, dahil ito
ay humadlang sa kanilang kakayahang mag-aral at magconcentrate (Zafonte, 2018). Iminungkahi
nito na, kung isasaalang-alang ang kanilang mababang social battery sa lipunan, madali silang
maubos at mapagod mula sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao sa mga proyekto ng
grupo—madalang o hindi sila kailanman nangunguna sa mga talakayan ng grupo, kadalasan ay
mas pinapaboran nila ang pagkakaroon ng mga pag-uusap nang magkapares o maliliit na grupo
lamang. May ebidensya na ang mga tahimik na estudyante ay maaaring makinabang kapag
tinutulungan sila ng mga propesor na mabawasan man lang ang kanilang pag-ilang sa
pampublikong diskurso sa pamamagitan ng pagsasanay.
2. Sa mga pangyayari tulad ng maliit at malaking discussion ng grupo, ayon kay Condon &
Ruth-Sahd (2013), ang mga introvert ay may posibilidad na magsalita nang mas kaunti kaysa sa
mga extrovert; mas gusto nilang makinig sa sinasabi ng mga kaklase at nangangailangan ng
panahon para maghanda ng sarili nilang komento. Kapag binigyan ng gawaing dapat tapusin sa
mga grupo, tulad ng pagkuha ng mga tala o pagsubaybay sa oras—mas mahusay na gumanap
ang mga introvert na estudyante. Gayunpaman, ayon sa artikulo ni Condon at Ruth-Sahd (2013),
mayroong katibayan na ang mga tahimik na estudyante ay maaaring makinabang kapag
tinutulungan sila ng kanilang mga propesor na magsanay ng mga paraan upang mabawasan man
lang ang kanilang pag-ayaw sa pagsasalita sa publiko. Isang pang ideya galing sa artikulo nina
Condon & Ruth-Sahd (2013) ay ang pag-alok sa mga tagapagturo kung paano mas mahusay na
makitungo sa mga introverted na estudyante. Layunin nilang tibayin ang personal na paglaki at
pagkakaiba-iba ng mabisang paraan mag-aaral ng mga bata sa klase. Samakatuwid, itinataguyod
nila ang pagkakaroon ng balanse ng mga aktibidad sa silid-aralan at mga takdang-aralin na
angkop para sa mga introvert at extrovert para sa pinakamahusay na mga resulta ng pag-aaral
mula sa parehong mga mag-aaral, dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga mag-aaral na
magproseso ng bagong kaalaman sa kanilang ginustong istilo.

3. Ayon naman sa pangatlong manunulat, si Green (2018), ay nakatuon sa mga karanasang


pang-akademiko ng mga introvert na estudyante sa isang setting na nagtataguyod ng aktibong
pag-aaral. Ang pag-uugali ng isang introvert sa isang silid-aralan ay naobserbahan, at nabanggit
kung paano nila gustong mag-obserba sa halip na makilahok sa iba, pressured gumanap ng mga
aktibidad ng maayos, pano nais na magkaroon nila ng mas maraming oras upang pag-isipan ang
mga aralin, at ang limitado nilang enerhiyang makipag salamuha sa iba. Sa konklusyon, pinakita
ng pag-aaral na ito na ang mga introvert ay gumagamit ng mga coping methods upang maayos na
makakilos sa kanilang regular na antas ng akademiko dahil ang ALC (Active Learning Classrooms)
ay hindi tumutugma sa kanilang mga katangian ng personalidad.

4. Ang ika-apat na piraso ng panitikan, isang disertasyon ni Dubee (2022), ay tumingin sa posibleng
koneksyon sa pagitan ng introvert na pag-uugali sa bahagi ng mga mag-aaral at kung paano
tinitingnan ng mga guro ang kanilang antas ng pakikipag-ugnayan. Ang mga hindi pagkakatugma
ng uri ng kapaligiran at personalidad ay isinasaalang-alang ang paggamit ng oras, dahil
nararamdaman ng mga introvert na mag-aaral na kailangan ng mas maraming oras upang
magproseso ng bagong impormasyon at magreflect sa mga koneksyon sa pagitan ng mga
konsepto. Sa madaling salita, ayon sa pananaliksik, ang pagpapalit ng mga silid-aralan mula sa
mga passive lecture hall patungo sa mga aktibong kapaligiran sa pag-aaral ay magbabago ng mga
inaasahan tungkol sa posisyon ng guro at partisipasyon ng estudyante.

5. Isa pang ideya, mula sa artikulo ni Croteau et al. (2017), sinuri ang mga pagkakaiba-iba sa mga
uri ng personalidad, ginustong mga estratehiya sa pagtuturo, at mga aktibidad sa pakikilahok sa
silid-aralan. Parehong ipinahihiwatig ng mga extrovert at introvert ang parehong mga kagustuhan
para sa mga aktibidad sa pakikilahok na ginusto sa silid-aralan. Ang resulta ng kanilang mga
natuklasan, "pakikipag-usap sa ibang mga mag-aaral" ay ang tanging kadahilanan na
makabuluhang naiiba sa pagitan ng uri ng personalidad at antas ng kasunduan sa mga aktibidad
sa pakikipag-ugnayan sa silid-aralan.

Explain how the ideas are different or the same.

Ang imbalance sa pinagtatrabahuhan na silid, na pabor sa extroverted ideal, ay isang umuulit na


ideya sa limang literatura. Ayon kay Cain (2012) “Extrovert Ideal—the omnipresent belief that the ideal
self is gregarious, alpha, and comfortable in the spotlight,” na mula pa noong ikalabing siyam na siglo, ay
nanatili sa kultura ng Western—na kalaunan ay nabahagi ang ideya sa kultura ng iba pang mga bansa.
Madalas gumamit ng coping mechanisms para mag-adjust ang mga introverted na estudyante upang
makihalo sa mga extrovert-friendly at extrovert-focused na mga silid-aralan na binubuo rin ng mga
extrovert-friendly na aktibidad at takdang-aralin. Karamihan sa mga literature, halos lahat, ay nakatuon
sa kahalagahan ng paggawa o paglikha ng workspace na sumusuporta sa mga iba’t iba at mabisa na istilo
ng pag-aaral, pati na rin, ang personal growth ng mga mag-aaral na ito na nagtataglay ng iba't ibang uri
ng personalidad. Sa limang literatura, walang kapansin-pansin at makabuluhan na pagkakaiba na
maaaring magkaroon ng epekto sa kasalukuyang pagsisiyasat.
Conclusion

- What is your answer to the question? (Give the facts that support your point.) The most likely
explanation seems to be that

Sa pangkalahatan, ilan lamang na matibay na ebidensya at pag-aaral kung paano maaaring


naapektuhan ng katangiang ito ang akademikong pagganap (academic performance) ng mga introvert na
mag aaral, kahit na matapos ang maingat na pagsusuri ng mga datos sa mga nakaraang pag-aaral. Dahil
dito, ang case study na ito ay naglalayong na magsagawa ng masusing pagsusuri sa pag-uuri at
pag-unawa sa mga salik na nakakatulong at nakakaimpluwensya sa pagiging produktibo ng mga
introverted na mag-aaral sa ika-walong baitang sa mga silid-aralan ng International Philippine School in
Al-Khobar (IPSA), sa pamamagitan ng paggamit ng isang malalim na narrative na pagsusuri sa datos na
nakolekta upang magbigay ng insightful na impormasyon mula sa complexity ng buhay ng mga
estudyanteng ito. Isasagawa ang pagsisiyasat na ito sa pamamagitan ng Google Forms online
questionnaire at maingat na pagmamasid sa gawi ng mga mag-aaral sa mga lektura nila sa klase.

Sa buod, ayon sa impormasyong nakuha mula sa mga kaugnay na literatura, ang pagiging
introvert ng mag-aaral ay tila hindi nakakahadlang, ngunit nililimitahan sila sa pagsasalita sa panahon ng
mga recitations at pagiging mas aktibo sa komunikasyon sa mga proyekto ng grupo kasama ang kanilang
mga kaklase—na may mas negatibo kaysa sa positibong epekto sa kanilang pagiging produktibo sa klase.
Bagaman, ito ay maaaring maiwasan kung ang silid-aralan ay kaaya-aya sa mga introvert
(introvert-friendly) at binibigyang-pansin ng mga instruktor kung paano pinakamahusay na natututo ang
bawat mag-aaral sa klase.

You might also like