Pamana NG Panitikan: Ang Ambag NG Mga Nagwagi NG Gawad Pambansang Alagad Ni Balagtas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pamana ng Panitikan: Ang Ambag

Ng mga Nagwagi ng Gawad Pambansang


Alagad ni Balagtas

Ang pinakahuling Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas sa taong ito ay ginanap sa

Escaler Hall ng Ateneo nito lamang nagdaang Abril 29 kasabay ng pambansang kongreso ng

Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, ang pinakamalaking organisasyon ng mga manunulat sa

Pilipinas. Iginagawad ito ng umpil sa mga indibidwal na may natatanging kontribusyon sa wika

at panitikan at mayroon na ring silang gawad para sa mga natatanging guro ng panitikan, ang

Gawad Paz Marquez Benitez, at ang Gawad Pedro Bukaneg na nakalaan naman para sa mga

grupo at organisasyon na may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng panitikan.

Ang mga indibidwal na ginagawaran ng Pambansang Alagad ni Balagtas ay yaong mga

naglaan ng buhay sa produksyon at pagpapalaganap ng kanilang sining. Kaya ang Gawad

Balagtas ay lifetime achievement award para sa body of work ng pinararangalang indibidwal.

Ang mga ganitong pagkilala ay nakapagbibigay galak at gana sa indibidwal para higit pang

magpatuloy sa paglikha dahil ang gawad rin ay nagsisilbi niyang marka sa panitikang filipino.

Sa taong ito ang mga ginawaran ay sina Gina Apostol para sa katha sa Ingles, Vicente

Bandillo para sa tula sa Cebuano, Clodualdo del Mundo para sa dulang pampelikula, DM Reyes

para sa tula sa ingles, Romeo Roullo para sa tula sa Hiligaynon, Howie Severino para sa

dokyumentaryo, Nicanor Tiongson para sa kritisismong pampanitikan. Sina Julieta Mallari

naman at Arti Sta. Rita ang ginawaran ng Gawad Paz Marquez at Gawad Pedro Bukaneg.
Ang maganda sa Gawad Balagtas ay ang pagkilala nito hindi lamang sa mga nagsusulat

sa wikang tagalog kundi maging sa iba pang mga wika sa Filipinas. Bukod sa mga nanalo

ngayong taon sa wikang hiligaynon at cebuano, nakapagbigay na rin ang Gawad sa mga

manunulat ng wikang ilokano at kapampangan. Mapapansin rin na hindi lamang manlilikha ng

panitikang nakasulat sa pahina ang binibigyan ng gawad kundi maging ng dramang

pangtelebisyon at pelikula at maging ang dokyumentaryo na kung tutuusin ay mas malapit na

sa journalismo kesa panitikan bagaman malaki at magandang bagay rin naman ang pagkilala

lalo sa nanalo ngayong taon na si Howie Severino na kilalang kilala sa larangan ng

pagdodokumentaryo.

Siguro, kung ang tao ay humaharap sa mga personal na krisis gaya halimbawa ng

identity crisis at quarter life crisis, ganoon rin ang mga artista at manlilikha. Hindi miminsan

nilang naitatanong sa sarili kung may kabuluhan ba o may kabuluhan pa ba ang ginagawa nilang

sining at napakainam na sagot ang matatagpuan at ipinagkakaloob ng UMPIL sa paggawad nila

ng pambansang alagad ni Balagtas sa mga artistang mayroon nang substantial body of work at

hindi na marapat pang pagduduhan ang kakayanan at kabuluhan ng kaniyang sariling sining.

Sa malaon at madali ang Gawad Balagtas ay nagtutulay rin sa mas nakababatang

henerasyon lalo ngayon na sa tulong ng social media, teknolohiya at internet ay mas

naipapalapit na sa mga audience ang manlilikha at sining. Paniguradong may mahahagip ang

Gawad Balagtas na bata at bagong dugo na mangangahas sumuong sa larangan ng sining at

kung nagtatampisaw na mahihikayat pa silang languyin ang karagatan ng panitikan para

magproduce ng mga bago at napapanahong sining na nakaugnay sa mga tradisyong kinikilala sa

pamamagitan ng parangal na ito.


Napakabuti na may ganitong parangal. Nagkakaroon ng bagay na ilulook forward ang

mga kabataang artista. Nakokompliment ng Gawad Balagtas ang mga paunang patimpalak at

palihan para sa mga bagong manunulat at ang mga palihan din na para naman sa mga

midcareer na manunulat. Mahalaga ang ganito na may tatanawing pagkilala ang mga

manunulat sa alin mang yugto nila ng pagsulat. Siguradong ang mga manunulat na nagkakamit

ng mga parangal sa alin mang yugto ng kanilang buhay ay napapaypayan ang apoy ng kanilang

panulat at nabibigyan sila ng lumalagablab na desire na sumulat pa nang sumulat. Kaya

mahalaga ang Gawad Balagtas dahil karaniwang nasa katanghaliang gulang na ang mga

nagagawaran at sa panahong iyon ng buhay kung hindi nila itinuon ang panahon sa sining ay

abala sila sa ekonomiya at pagpapalaki ng mga anak at pagpoprovide para sa pamilya, kaya ang

award na ito ay nakakahikayat at nagpapanumbalik ng sigla sa paglikha nila ng sining.

Higit sa ano pa mang kadahilanan na makakamit ng gagantimpalaan gaya ng salapi at

credentials at pampakapal ng resume o pagkilalang may napatunayan, sigro ang pinakamalalim

na kalakip ng gantimpalang ito ay ang pagiging dangal ng lahi. Dahil ang pagkilala ay isinunod

kay Balagtas na kinikilalang mahusay na makata at dangal ng lahi. Si Balagtas ay gumamit ng

wikang tagalog sa kaniyang mga akda sa panahong predominantly kastila ang ginagamit sa

panulat. Sa kanya rin isinunod ang Balagtasan, ang anyo ng panitikang nagpapakita ng husay ng

mga kalahok sa pagtula at pagtatalastasan. Sa anyong ito naipapamalas ang husay at talino sa

pangangatwiran at masining na pagkatha. Dahil sa kadakilaang ipinamalas ni Balagtas, siya ay

dangal ng ating lahi at ang mga ginagawaran ng UMPIL ay ang mga taong sumusunod sa yapak

ni Balagtas at kung gayon ay marapat ring kilalaning dangal ng ating lahi. Napakahalaga nito lalo

na at sa kasalukuyang panahon ay napakabilis ng pagdagsa ng mga dayuhang kontent na


umaagaw sa atensyon ng maraming pilipino. Mahalaga para higit na maipalapit sa

mamamayang pilipino ang sarili nating mga akda at manlilikha at maipagmalaki nating mayroon

din tayong mga dakilang manlilikha.

Sa Huli at huli, ang gawad pambansang alagad ni Balagtas ay paanyaya. Paanyayang

bumalik sa ating kasaysayan at matuto sa naging buhay ng ipinagmamalaki nating makatang si

Francisco Baltazar. Paanyaya rin ito na magpatuloy. Isang balidasyon sa mga huhaharap sa krisis

at pagkwestyon sa kabuluhan, kahalagahan at kakayahang lumikha ng sining. Ang Gawad

Balagtas ay pagkilala sa buhay na inaalay para sa kontribusyon at husay sa sining at sa mga

kaugnay pa nitong usapin dahil ang mga manunulat ay hindi lamang naman nagsusulat para

lamang sa sining. Mayroon rin silang mga adhikaing isinusulong sa pamamagitan ng kanilang

sining. Sa ganito ay umaalpas ang Gawad Balagtas sa pagkilala lamang sa sining ng indibidwal,

kinikilala rin nito ang kontribusyon ng mga ginantimpalaan sa larangan at kaisipang kanilang

itinataguyod.

You might also like