Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PILOSOPIYA NG EDUKASYON

Ang pilosopiya ng edukasyon ay maaaring tumukoy sa larangang pang-akademya ng nilapat na pilosopiya


kaya sa isa sa anumang mga pilosopiyang pang-edukasyon na nagtataguyod ng isang partikular na uri o
pananaw sa edukasyon, at/o isang nagsusuri sa kahulugan, mga layunin, at kahulugan ng edukasyon. Bilang
isang larangang akademiko, ang pilosopiya ng edukasyon ay ang pampilosopiyang pag-aaral ng edukasyon at
mga suliranin nito. Ang pangunahing paksa nito ay ang edukasyon mismo, at ang mga kaparaanan ay ang ng sa
pilosopiya. Ang pilosopiya ng edukasyon ay maaaring ang pilosopiya ng proseso ng edukasyon o ang
pilosopiya ng disiplina ng edukasyon. Iyon ay maaaring bahagi ng disiplina, sa diwa ng pagiging nakatuon sa
mga layunin, mga anyo, mga paraan, o mga resulta ng proseso ng pagbibigay ng edukasyon o pagtanggap ng
edukasyon; o maaari rin itong metadisiplinaryo sa diwa ng pagiging nakatuon sa mga diwa o konsepto, mga
layunin, at mga metodo ng disiplina. [2] Bilang ganyan, ito kapwa bahagi ng larangan ng edukasyon at gayundin
ng nilapat na pilosopiya, na humahango magmula sa mga larangan
ng metapisika, epistemolohiya, aksiyolohiya, at mga pagharap na pilosopikal (espekulatibo preskriptibo, at/o
analitiko upang harapin ang mga katanungang nasa loob ng at hinggil sa pedagohiya patakaran ng edukasyon,
at kurikulum , pati na bilang isang proseso ng teorya ng pagkatuto., bilang ilang mga halimbawa
lamang. Halimbawa, maaari nitong pag-aralan ang kung ano ang bumubuo sa pagpapalaki o pinagkalakhan ng
bata na itinuro ng mga magulang niya at ang edukasyon, mga pagpapahalaga at mga pamantayan ng kaasalan
na nalantad sa pamamagitan ng pagpapalaki sa bata at mga gawaing pang-edukasyon, ang mga hangganan at
lehimitasyon ng edukasyon bilang isang disiplinang akademiko, at ang ugnayan sa pagitan ng teoriyang
edukasyonal at pagsasagawa nito. Sa halip na itinuturo sa mga kagawaran ng pilosopiya, ang pilosopiya ng
edukasyon ay pangkaraniwang "nakabahay" o nasa loob ng mga kagawaran (departamento) o mga dalubhasaan
(kolehiyo) ng edukasyon, kahalintulad ng sa kung paano pangkalahatang itinuturo ang pilosopiya ng batas sa
mga paaralan ng batas.[1] Ang maramihang mga paraan ng pagsasa-isip ng edukasyon na sinamahan ng
maramihang mga larangan at mga pagharap ng pilosopiya ay nakakagawa sa pilosopiya ng edukasyon hindi
lamang bilang isang napaka samu't saring larangan, subalit isa rin na hindi madali o hindi maginhawang
bigyan ng kahulugan. Bagaman may salabatan, ang pilosopiya ng edukasyon ay hindi dapat ikalito mula
sa teoriya ng edukasyon (teoriyang pang-edukasyon), na hindi binigyang kahulugan sa pamamagitan ng
paglalapat ng pilosopiya sa mga tanong na nasa loob ng edukasyon. Ang pilosopiya ng edukasyon ay hindi rin
nararapat na maikalito mula sa pagtuturo ng pilosopiya (edukasyon ng pilosopiya), ang gawain ng pagtuturo at
pagkatuto sa paksa ng pilosopiya. Ang pilosopiyang edukasyonal ay isang teoriyang normatibo ng edukasyon
na nagsasama-sama ng pedagohiya, kurikulum, teoriya ng pagkatuto, at ng layunin ng edukasyon, at nakalatag
sa partikular na mga sapantaha o pagpapalagay na metapisikal, epistemolohikal, at aksiyolohikal.

TATLONG ARTIKULO TUNGKOL SA WIKA

Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay
nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-
abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang
kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito
ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.Ang Pilipinas
ay may iba't ibang wika dahil sa iba't ibang bayan at tribu dito sa bansa na mayroong sariling lokal na lingwahe
na ginagamit. Ang Tagalog, Filipino, at Pilipino ay iiba. Bawat isa ay may ibang kahulogan. Ang Wikang
Tagalog] na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at
sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindi de jure ("sa batas") na batayan na siyang
pambansang Wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipinas .(Ang tagalog ang isa sa wikang
ginagamit ng ating mga kababayan at isa sa madalas ginamit dahil sa malaking lawak nang lugar na gumagit
nito. Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang
isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987.At ang Pilipino ay hindi isang wika ngunit ito ay tayo, tayong mga
sambayanang pilipino na gumagamit sa wikang filipino at mga taong naka tira sa bansang Pilinas, Ang Wikang
Opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa,
mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa,
bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng
gobyerno. Itinalaga ang Tagalog bilang wikang opisyal sa unang saligang batas ng Pilipinas, ang Konstitusyon
ng Biak-na-Bato (Artikulo VIII: Opisyal na Wika) ng 1897. [11] Noong 1935, itinalaga ng saligang batas ng
Pilipinas ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika, subalit iniatas ang pagpapaunlad at pagaangkin ng
isang karaniwang wikang pambansang batay sa isa sa mga buhay na mga katutubong wika. Pagkaraan ng pag-
aaral at talakayan, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa (o National Language Institutesa Ingles; isang
komiteng binubuo ng pitong mga kasaping kumakatawan sa iba't ibang mga rehiyon ng Pilipinas) ang Tagalog
bilang batayan ng pagpapaunlad at pagaangkin ng isang wikang pambansa ng Pilipinas Ang pambansang
wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng
isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga
ng pamahalaan ng isang bansa. Gayumpaman, hindi nag-iisa ang Filipino, bilang opisyal na wika ng Pilipinas,
ang saligang batas ng 1987 ay nagtakda ng Ingles, bilang isa rin sa opisyal na wika, kung pahihintulutan ng
batas. Ang wikang panturo ay isang wika na ginagamit sa eskwelahan sa pagturo sa mga estudyante.
May 3 antas ng wikang panturo, Una ay ang lokal na dayalekto sa lugar, pangalawa ang tagalog, at pangatlo
ang taglog at ingles.

PANGALAWANG ARTIKULO TUNGKOL SA WIKA

Umusbong ang wika sa pangangailangan ng mga komunidad na


magkaintindihan. Mula sa mga arbitraryong simbolo, naging saksi ang
kasaysayan sa paglago nito at pagkakaroon ng malaking kapangyarihang
magbabago sa lipunan. Lumapit ang mga prayle sa mga katutubo gamit ang
wika ng huli at itinuro ang pananampalatayang Katoliko bago tuluyang sakupin
ang mga ito—ipinagkait sa Pilipino ang tunay na edukasyong nararapat nilang
matamasa. Sa kabilang banda, sa pananakop ng mga Amerikano ay ipinalaganap
ang Ingles upang itanim ang kanilang kultura at pahinain ang makabayang diwa
ng mga Pilipino. Wika ang nagbuklod sa mga Katipunero mula sa iba’t ibang
rehiyon upang magrebolusyon laban sa Kastila. Gayundin, iginiit ang
pagkakaroon ng pambansang wika sa gitna ng okupasyon ng Amerikano—
patunay na ang wika ay instrumento sa paglaban. Bukod sa barya-baryang pag-
alala sa pambansang wika isang buwan kada taon, sa ilalim ng CHED
Memorandum Order (CMO) 20, tatanggalin na ang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo. Ginawa na rin nitong opsyonal ang paggamit sa wika bilang midyum
ng pagtuturo. Maraming paaralan na ang gumagawa ng hakbangin upang
pahinain ang wikang Filipino—mula sa pagmumulta sa mga estudyanteng
gumagamit nito hanggang sa pagsulong sa Ingles bilang wika ng pag-unlad.
Pinatibay pa ito ng midya: Ang seryosong balita mula sa mga dyaryo ay
nakalathala sa Ingles, habang ang Filipino ay iniuugnay sa tabloid. Ang
midyang siyang nagkukumpas sa pampublikong opinyon at inaasahang
tagapagtaguyod ng sariling wika ay nag-iisip at sumusulat sa Ingles. Mas
binibigyang halaga sa mga espasyo ang dayuhang lenggwahe kaya naman
puspusan ang pamimilipit ng dila ng mga estudyanteng magsalita sa wikang
hindi nila lubos na maintindihan, at hindi magpapaunlad ng sariling interes ng
bansa. Malaki ang gampanin ng edukasyon sa pagpapanatili ng lagay ng lipunan
o sa pagbabago nito, kaya ang mga pamantasan ang unang pinatatamaan ng mga
palisiyang mapanupil. Sa loob ng mga unibersidad gaya ng UP, binubuksan ang
malaya at malalimang talakayan ng mga radikal na ideya, at kasabay nito ang
pagiging sensitibo sa mga pangyayari sa labas ng silid-aralan. Sa kamalayang
ito nag-uugat ang matapang na pagkilos ng mga kabataan para sa malawakang
pagbabago. Sa pagpasa ng CMO 20, pinipigilan ng CHED ang pagbuo sa
kamalayan na ang paglinang sa wikang Filipino ay hakbang tungo sa ganap na
liberasyon ng bansa. Pinanatiling atrasado ang sariling wika upang mangimi sa
nananatiling dominanteng kultura ng Ingles, ng kanluran.
PANGATLONG ARTIKULO TUNGKOL SA WIKA

Madalas na katwiran sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo ang duplikasyon ng


pag-aaral nito mula elementarya at hayskul. Mas bigyan daw ng pansin ang
Ingles dahil ito ang magbibigay ng mas maraming oportunidad sa pag-unlad.
Sumagot ang Tanggol Wika, alyansa ng mga propesor at mga organisasyong
pangwika at pangkultura: Hindi pag-uulit, kundi pagpapalalim sa Filipino ang
ginagawa sa kolehiyo. Higit ito sa pagiging asignatura o sa pagkakaroon nito ng
lantay na gramatika, kundi tumutungo ito sa praktikal na paggamit ng wika sa
iba’t ibang pag-aaral na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan “Ang
kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran sapagkat ito’y
daluyan ng kasaysayan ng Pilipinas, salamin ng identidad ng Filipino, at susi ng
kaalamang bayan,” ayon kay David Michael San Juan, tagapanguna ng Tanggol
Wika, sa kanyang papel tungkol sa mahabang laban ng paglinang ng Filipino sa
edukasyon. Ang pagkawala ng pag-aaral sa pambansang wika ay pagpapalabo
sa hubog ng identidad bilang Pilipino—iyong pamumuhay na inuuna ang interes
ng sariling bansa. Sa patuloy na paglinang lubos na nagagamit ang wika bilang
instrumento sa pagkakaroon ng malayang bansa. At sa pamantasan nangyayari
ang proseso ng pagpapayaman nito; mula sa kalsada o pamilihan, tungo sa
pagpapalalim at pag-angkop nito sa panahon. Nagagawa ito sa pamamagitan ng
produksyon ng mga orihinal na akdang Filipino—mula sa malikhaing pagsulat
hanggang sa mga akademikong papel. Hindi lang nito tinatampok ang wika,
nagiging daluyan din ito upang maisakonteksto ang mga pag-aaral base sa
lipunang Pilipino. Habang ang Filipino ay nagpapayaman ng diskurso ng
ordinaryong mamamayan at ng “pagbabagong panlipunan,” ginagamit ang
dominanteng Ingles sa diskurso ng “pagpapanatili sa sistemang
pinakikinabangan at pinangingibabawan lamang ng iilang dinastiya at
korporasyon,” ani San Juan. Hindi maitatanggi na ang paggamit ng Ingles ay
nagbubunga ng panga-outcast, na madalas humahantong sa eksploytasyon sa
mamamayang walang sapat na kaalaman sa lenggwahe. Halimbawa nito ang
patuloy na panlilinlang sa mga manggagawa o magsasaka dahil sa mga
kontratang hindi nila lubos na maintindihan. Napipilitan silang iwan sa iilan ang
diskurso at pagdedesisyon ukol sa mga bagay na makakaapekto sa araw-araw
nilang pamumuhay. Ngunit magagawa nilang lumaban sa pagkakataong
naintindihan na nila ang isyu gamit ang sariling wika. Kung ang edukasyon ay
gagamitin upang makapagsilbi sa mamamayan, inilalapit ng mga pag-aaral sa
sariling wika ang kaalaman sa masa. Nagkakaroon ng kabuluhan ang mga suri
dahil nakalapat ito sa kasalukuyang lagay ng lipunang Pilipino.

IV = TALAAN NG NILALAMAN

I= PAHINANG PAMAGAT
II= PERSONAL NA PANALANGIN
III= PILISOPOYA NG EDUKASYON
V = PERSONAL NA IMPORMASYON
VI= TATLONG ARTIKULO PATUNGKOL SA WIKA
VII= KABUUANG REPLEKSYON

VIII = LAGOM NG MGA TINALAGAY NA PAKSA.

MODULE 1
PAMAGAT = KAHUGULAN , KATANGIAN, KAHALAGAHAN AT
TEORYA NG WIKA
MODULE 2
PAMAGAT = ANTAS AT KASAYSAYAN NG WIKA
MODULE 3
PAMAGAT = TUNGKOL SA WIKA
MODULE 4
PAMAGAT = MGA YUGTO SA PAGKATUTO NG WIKA
MODULE 5
PAMAGAT= LINGUASPHERE AT LOGOSPHERE
MODULE 6
PAMAGAT = SALIK SA MATAGUMPAY NA PAGKATUTO NG WIKA

You might also like