Detalyadong Banghay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

hjj Detalyadong Banghay-aralin sa Araling Panlipunan

Ika-7 na Baitang

I. Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay;
inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang pilosopiya ng relihiyong Hinduismo;
b. Naitatala ang mga diyos, paniniwala, kultura at tradisyon ng mga
Hinduismo;
c. Napapahalagahan ang mga katuruan ng Hinduismo.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Relihiyong Umusbong sa Asya: Hinduismo
Sanggunian:Paglinang sa kasaysayan 7: Araling Asyano pahina 150-151
Kagamitan: cartolina, pentelpen, manila paper, scotch tape, glue, mga
larawan

III. Pamamaraan
Mga Gawain ng Tagapagdaloy Mga Gawain ng mga mag-aaral
1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
Hinihiling ko na pumarito sa harapan si G. Eugene Magsitayo ang lahat at ilagay ang
upang mamuno ng ating panalangin. presensya sa ating panginoon…sa
ngalan ng Ama…Amen
B. Pagbati
Magandang hapon sa lahat! Magandang hapon din po Ma’am/Sir.
Bago kayo umupo, ayusin niyo muna ang inyong
mga upuan.
Kamusta naman kayo ngayon? Mabuti naman po kami.

C. Pagtala ng lumiban sa klase


Sino ang lumiban sa klaseng ito? Wala po Ma’am/Sir. Kompleto po
kami lahat.

Palakpakan ang inyong mga sarili at ipagpatuloy


niyo lang iyan.

D. Pamantayan sa loob ng klase


Bago tayo tumungo sa ating talakayan, sino sa inyo -Making ng Mabuti sa guro at magtala
ang makakapagbigay ng pamantayan sa ating ng mga mahahalagang impormasyon.
klase? Sige nga Gino! -Iwasan ang paggamit ng cellphone
Bb. Janice sa loob ng klase at irespeto ang
bawat isa.
-Kung may nais sabihin o gustong
Ano pa? G. Raymond sumagot, itaas lamang ang kamay
upang mabigyang-pansin.

Okay, salamat sa inyo. Nawa’y nakatatak iyon sa


inyong puso’t isipan.
E. Pagbabalik-aral Ang ating huling tinalakay ay tungkol
Bago tayo tumungo sa ating bagong leksyon, sino sa sa Kahalagahan ng ugnayan ng tao
inyo ang nakakaalala ng huling tinalakay natin? Irish at kapaligiran.

Tama! Bakit nga ba mahalaga ang ugnayan ng tao Mahalaga ito dahil mas napapanatili
at kapaligiran? Bb. Kaye natin ang kaayusan at
pagkakaunawaan ng bawat tao na
siyang magiging dahilan upang
magkaroon ng matiwasay na
kapaligiran at pamumuhay.

Mahusay Bb. Kaye! May mga katanungan pa ba Wala na po.


kayo?

F. Pagbasa ng layunin
(Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin para a. Naipapaliwanag ang pilosopiya
lubos nilang maintindihan) ng relihiyong Hinduismo;
b. Naitatala ang mga diyos,
paniniwala, kultura at tradisyon
ng mga Hinduismo;
c. Napapahalagahan ang mga
katuruan ng Hinduismo.
2. Panlinang na Gawain

A. Pagganyak
(Magpapakita ng mga larawan mula sa iba’t-ibang (Tukuyin ng mga mag-aaral kung alin
relihiyon) ang napabilang sa relihiyong
Hinduismo)

B. Paglalahad ng aralin
Sa hapong ito, ating tatalakayin ang hinggil sa isa sa
mga relihiyong umusbong sa Asya: Hinduismo.

C. Gawain
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Pumili ng
isang representative ang bawat grupo upang
bubunot ng inyong gagawin. May 5 minuto lamang
kayo upang paghandaan/gawin iyan at 2 minuto
naman para sa inyong presentasyon.
 Magtala ng mga diyos at paniniwala ng mga Hinduismo.
 Magtala ng mga tradisyon at kultura ng Hinduismo.
Pamantayan:

Batayan 20 15 10
Nilalaman Naibigay ang May Hindi angkop
lahat ng kakulangan ang mga
impormasyon sa mga naibigay na
g hinihingi impormasyo impormasyon
tungkol sa ng hinihingi. tungkol sa
paksa. paksa
Kooperasyon Naipamalas Mayroong Hindi
ang iilang hindi nagtutulunga
pagkakaisa nakipag-isa n sa
sa paggawa sa paggawa paggawa ng
ng gawain. ng gawain. gawain.
Presentasyon Buong husay Maayos ang Maraming
na presentasyo kulang sa
naipresenta n ngun it presentasyon
ang mayroon ng kanilang
pangkatang lamang gawain.
Gawain. kunting
problema.
Kabuuan 40 puntos

D. Pagsusuri
Ano ang masasabi niyo/reflection niyo base sa Masasabi ko pong ang relihiyong
inyong ginawa kanina? Rosemarie Hinduismo ay maraming kinikilalang
diyos mula sa iba’t-ibang likha ng
kalikasan. Ginagalang ng Hinduismo
ang indibidwal na pagsamba,
mayroon silang mga altar,mga santo.
Nagpupunta sila sa mga banal na
lugar. Sila ay naniniwala sa
pagmamahal, pag-galang at
pagrespeto sa lahat ng mga bagay na
may buhay, espiritu o kaluluwa.

Magaling! Sa inyong palagay, dapat ba maging Opo, ang bawat isa sa atin ay may
malaya ang tao sa pagpili ng kanyang relihiyon? Joel kalayaang pumili ng relihiyon.

Tama! Ano naman ang naging epekto ng Hinduismo Ang naging epekto ng Hinduismo sa
sa pananampalataya ng India? Jenelyn pananampalataya ng India ay
makikita na sa mga kultura at
tradisyon ng India. Magandang
halimbawa nito ang relehiyon, kung
Mahusay! saan Hinduismo ang naging laganap
na relihiyon sa India.

E. Paglalahat
(Tatalakayin ang tungkol sa relihiyong Hinduismo)
(Babasahin ang leksyon na
nakapaskil sa pisara).
Ano Ang Hinduismo? Gino
Ang Hinduismo ay itinuturing na
pinakamatandang organisadong
relihiyon sa India.

Ano ang Vedas? Michael Ang vedas po ang tawag sa banal na


kasulatan ng mga Hinduismo.
Sinu-sino ang tatlong pangunahing diyos ng
Hinduismo? Markloyd Ang tatlong pangunahing diyos ng
Hinduismo ay sina Brahma (diyos na
tagapaglikha), Vishnu (diyos na
tagapanatili) at Shiva (diyos na
tagasira).
Anu-ano ang pangunahing paniniwala ng mga
Hinduismo? Duran Ang mga Hinduismo ay naniniwala sa
Kaste, Dharma, Karma,
Reinkarnasyon, Moksha, at Nirvana.

Paano natin mapahahalagahan ang mga katuruan


ng Hinduismo? Irish Mapahahalagahan natin ito sa
pamamagitan ng paggalang sa
paniniwala nila sa kabila ng
pagkakaiba natin. Ang paggalang sa
ibang relihiyon ay kinkikitaan ng isang
Wow! Ang gagaling naman ng mga estudyante mabuting pagkatao.
namin.
Palakpakan ang mga sarili.

F. Paglalapat
1. Bilang isang estudyante na may sariling relihiyon, Bilang isang estudyante na may
paano mo maipapakita na pinapahalagahan mo sariling relihiyon, maipapakita ko ang
rin ang ibang relihiyon katulad ng Hinduismo? aking pagpapahalaga sa ibang
Eugene relihiyon sa pamamagitan ng pag-
unawa at paggalang rito.
Magaling!

2. Bakit kailangan nating pag-aralan ang iba’t-ibang Kailangan nating pag-aralan ang
relihiyon tulad ng Hinduismo? Langie iba’t-ibang relihiyon tulad na lamang
ng relihiyong Hinduismo upang
mamulat tayo sa mga aral at
paniniwala nila at magkaron tayo ng
kaisipan kung paano makikibaka sa
Tama yun, Langie. ibat ibang klaseng kultura at relihiyon.

3. Ipagpalagay natin na ikaw ay tagasunod ng


relihiyong ating tinalakay, paano mo isasabuhay Maisaasabuhay ko po ang mga
ang mga mahahalagang aral o paniniwala ng mahahalagang aral o paniniwala ng
iyong relihiyon? Michael relihiyong Hinduismo sa
pamamagitan ng pagsasapuso’t
isipan sa mga ito at pagsunod o
paggawa sa lahat ng paniniwala,
kultura at tradisyon ng relihiyong ito
upang makaiwas sa daan tungo sa
Magaling! Palakpakan ang inyong mga sarili. maling landas.
May mga katanungan pa ba kayo o nais na
linawin?
Wala na po.
IV. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng isang kapat ¼ na papel at piliin sa Hanay B ang
kasagutan para sa Hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

__1. Ang Kalayaan sa reinkarnasyon a. Reinkarnasyon


__2. Pinakamatandang organisadong relihiyon b. Shiva
__3. Diyos na tagasira c. Brahma
__4. Pundasyon ng hinduismo d. Hinduismo
__5. Atman o spiriting di-namamatay e. Karma
__6. Lugar o estado na may ganap na kapayapaan f. Vedas
__7. Kabuuang kilos ng tao mula ng siya ay ipanganak g. Moksha
__8. Nakatakdang gawain ng Hindu na dapat gampanan h. Dharma
__9. Diyos na tagapanatili i. Nirvana
__10. Diyos na tagapaglikha j. Vishnu
k. Rig Veda

V. Takdang Aralin
Isulat sa kalahating papel (yellow pad) ang pagkakaiba ng reinkarnasyon ng
Hinduismo at reinkarnasyon ng Budismo. Ito ay ipapasa bukas,
Disyembre ,2022. Binubuo ito ng 20 puntos.

Inihanda nina:

AZIZZA TON S. KUSIN

NOVEN SORIANO

FRANCIS RAPHAEL BACANTO

You might also like