Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Petsa: Ika-23 ng Marso, 2023

DETALYADONG BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 10


IKATLONG MARKAHAN
I. LAYUNIN:

a. Naipaliliwanag ang kahulugan at kasaysayan ng Epikong


Sundiata;
b. Napapangatuwiranan ang isang pahayag gamit ang
paninindigan sa katotohanan; at
c. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa tama at mabuting
paninindigan.

II. PAKSANG – ARALIN:

A. Paksa: Mga Basikong Impormasyon ukol sa Epiko at Epikong


Sundiata (Tuklasin)
B. Sanggunian:
a. Modyul para sa Mag – aaral – Filipino 10, pp.: 300 – 302.
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation, Telebisyon, yeso, pisara, at
kagamitang Biswal.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

Tumayo na ang lahat!

(Ipinanood ang
Superbook “The
Salvation Poem” para
sa panalangin)

b. Pagbati

Magandang umaga, 10
– Revelation! Kumusta
kayong lahat? Lahat: Mabuti naman po
kami, Sir!
c. Pagtatala ng pumasok
at lumiban sa klase

Pagkatapos kong
matawag ang inyong
pangalan, sabihin
kung narito kayo.

Aquino! Sir, nandito po!


Barbara! Sir, present po!

Costancio! Nandito po, Sir!

… …

d. Pagbabalik – aral

Tinalakay natin
kahapon ang aralin
tungkol sa salitang
nagsasaad ng opinyon.
Keycee, base sa iyong
pagkaaalala, ano ang
ibig sabihin ng
opinyon? Keycee: Ang opinyon po ay
paraan ng pagbibigay ng
sariling puna, kritiko, at
Maraming salamat, saloobin.
Keycee. Maaari ka
nang bumalik sa iyong
kinauupuan.

Ako’y magbibigay sa
inyo ng ilang isyu na
kinakailangang bigyan
ninyo ng sariling
opinyon. Maliwanag
ba?

Nararapat bang alisin


ang programang Raffy
Tulfo in Action o hindi?
Ipaliwanag.

Sige nga, Aron, ano


ang iyong opinyon sa
isyung ito?

Maraming salamat,
Aron sa napakaganda
mong sagot. Maaari ka
nang umupo.

May sumasalungat ba
sa opinyon ni Aron?
Mukhang
sumasalungat dito si Aron: Sir, madalas po na ang
Avril. Ano naman ang laman po ng programa ay
iyong saloobin dito, tungkol sa pampribadong
Avril? buhay ng mga tao na hindi
naman kailangan ipa-midya
pa. Ang mga usapin pong iyon
ay dapat inaayos nang pribado
at hindi sa national TV.

Mahusay, Avril!
Parehas lang kayo ni
Aron na may punto sa
isyu.

Bigyan nga natin ng


tatlong bagsak ang Avril: Para po sa akin, Sir,
bawat mag-aaral na marami naman pong
sumubok sumagot. natutulungang kapos sa
buhay ang programang ito
Ngayong natapos na kaya mas nararapat pong
tayo sa pagbabalik- huwag tanggalin ang
aral, tayo ay dumako programang ito. Wala naman
na sa susunod na pong nalalabag ang programa
gawain. na karapatang pantao, ibig
pong sabihin, wala pong mali
e. Pagganyak rito.

Ang gawain na ating


isasagawa ay
pinamagatan na “Diba
Teh?!”. Ang bawat
grupo ay pipili ng
lalahok sa gawaing ito.
Ito ay mangyayari sa
pamamagitan ng
tunggalian ng pangkat
isa at pangkat anim,
pangkat dalawa at
pangkat lima, at
pangkat tatlo at
pangkat apat.

Upang mas maging


kapana-panabik ang
gawain, pipili ang
bawat kalahok kung sa
panig ng “Meron” o
“Wala”. Malalaman
lamang ang paksa na
pagdedebatehan
matapos kong
maipakita sa screen
ang inyong paksa.
Maliwanag ba?

Pumunta na rito ang


unang pangkat at ika-
anim na pangkat. Sino
ang pipili ng “Meron”?

Sige, Albert, pumunta


ka na sa “Meron” at
ikaw naman Mia ay sa
“Wala”. Handa na ba
kayo?

Kung kayo ay
magkakaroon ng
supernatural na
kapangyarihan, bakit
ito ang inyong napili?

Unang pangkat mauna


ka, para sa
kapangyarihang
“Shape-shifter”.

Ikaanim na pangkat: Sir, ako


na po!

Oras mo na Mia, para


sa kapangyarihang
“Kayang magpaibig at Albert: Kung ako ay
magmanipula ng magkakaroon ng
damdamin. kapangyarihan, ang aking
magiging kakayahan ay
shape-shifter dahil marami
akong bagay na maaaring
gawin dahil dito. Kaya kong
lituhin ang mga kalaban, kaya
kong maging ispiya, at mas
madali akong makatatakas sa
Maraming salamat sa tuwing pinalilibutan na ako ng
inyong dalawa! Maaari mga kalaban. Di ba Teh?!
na kayong bumalik
mula sa inyong
kinauupuan.

Sunod na round ay ang Mia: Mas pipiliin ko ang


pangkat dalawa at kapangyarihang kayang
pangkat apat. Sino sa magpaibig dahil sa
inyo ang pipili sa pamamagitan nito ay kaya
“Meron”? kong makontrol ang bawat tao
sa mundo at wala akong
Sige, George, pumunta nakikitang kahinaan sa
ka na sa “Meron” at kapangyarihan na ito. Di ba
ikaw naman John ay Teh?!
sa “Wala”.

Handa na ba kayong
dalawa?

Para sa inyong Di ba
Teh?!
Para sa inyong paksa,
“Ano ang mas George: Ako na po, sir!
makapangyarihang
piyesa sa larong chess,
Reyna ba o Hari?”

Para sa “Wala”,
ipaglaban mo ang
Reyna. Magsimula ka
na! George at John: Opo sir,
handa na po!

Maraming salamat,
John! Oras mo na para
ipaglaban ang iyong
panig, George.

John: Ang Reyna ang piyesang


pinakamakapangyarihan sa
larong chess dahil sa laro ay
siya ang pinakakapangyarihan
sa lahat. Kaya nitong gumalaw
nang padayagonal, horizontal,
at pabertikal. Kung nawala
ang piyesang ito ay magiging
Maraming salamat sa malaki ang dehado mo. ‘Di ba
inyong dalawa. Wala Teh?
talagang nagpapatalo
kahit dehado ang isa. George: Ang Hari ang
Maari na kayong pinakamakapangyarihan sa
bumalik sa inyong mga bawat piyesa dahil checkmate
upuan. ka na kung mawawala ito.
Tulad sa reyalidad ng buhay,
At panghuli, pumunta Hari ang nagbibigay ng plano
na sa harap ang at sinusunod ng kaniyang
pangkat tatlo at mga alagad, Hari ang
pangkat apat. pinakamapangyarihan. Di ba
Teh?!
Alam naman na ninyo
ang gagawin, ‘di ba?
Pumili na kayo ng
inyong papanigan.

Pumuwesto na ang
bawat isa. At hintayin
ang inyong paksa.
“Meron” para kay Rey
at “Wala” naman ay
para kay Kyle. Ang Kyle: Sir, ako na lang po sa
paksa ninyo ay “Saan “Wala”.
mas masayang
mabuhay: Sa Pantasya
o sa Reyalidad”.
Reyalidad ay para sa
“Meron”, Rey
magsimula ka na.

Maraming salamat,
Rey! Oras mo na Kyle. Rey: Mas masayang mabuhay
Magsimula ka na. sa reyalidad dahil dito natin
napupulot ang totoong aral sa
buhay. Dito natin
mararanasan ang tunay na
lungkot na mapapalitan din
naman ng tunay na saya.
Hindi ba’t sa reyalidad
idinudugtong ng mga
manunulat ang kanilang mga
akda? Di ba Teh?!

Kyle: Sa pantasya natin


makukuha ang tunay na saya
Napakaganda ng dahil sa totoong mundo ay
palitan ng inyong hindi pantay-pantay ang
argumento Kyle at Rey. kaantasan ng mga tao, may
Maraming salamat sa mga taong naghihirap at may
inyong dalawa. Maaari taong nasa yaman at
na kayong umupo. kaligayahan. Sa pamamagitan
ng pantasya ay makukuha ng
Nagising ba ang inyong mga tao ang kanilang mga
mga diwa nang marinig hinahangad sa buhay,
ang palitan ng makukuha nila ang sayang
argumento ng inyong kailanman ay hindi nila
mga kagrupo? Sana nakuha sa reyalidad.
nasiyahan kayo sa
gawain na ito.

Ano kaya ang


kaugnayan ng gawaing
ito sa araling ating
tatalakayin ngayong
araw? Mukhang may
mga idea nang
nabubuo sa inyong
mga isipan. Halina’t
alamin natin.

B. Paglalahad ng Aralin:

Paano kayo
napapaniwala? Sige
Kaith, paano ka Kaith: Sir, mapapaniwala ako
napapaniwala? kung ang lahat ng kaniyang
mga sinasabi ay totoo.
Maraming salamat,maaari
ka nang umupo.

Paano naman natin


masasabi na ang isang
bagay ay totoo?

Sige nga, Erika. Paano mo


mapatutunayan na ang
isang bagay ay totoo? Erika: Sir, para mapatunayan
ko kung ang isang bagay ay
totoo, kinakailangan na
nakikita natin ito at
Ang ibig mo bang sabihin, nadadama.
dapat ay nagagamit natin
ang ating limang
pandama upang
mapatunayan ito?
Tama ka diyan, Erika.
Salamat sa iyong sagot. Erika: Opo, Sir.

Paano naman natin


mahihimok ang mga tao
upang maniwala na totoo
ang ating mga sinasabi?

Sige nga, Eugene. Paano


mo ako mahihimok na
maniwala sa iyong mga
pahayag?
Eugene: Mapaniniwala kita Sir
sa aking mga sinasabi kung
ako ay magbibigay ng
paliwanag upang maging
Mahusay, Eugene! Sa konkreto ang aking pahayag.
madaling sabi, Magagawa ko po ito sa paraan
mapapaniwala mo ang ng pagbibigay ng ilang
isang tao sa iyong konteksto o pag-aaral na
sinasabi kung ikaw ay magpapatunay na totoo ito.
nagbigay ng paliwanag at
konkretong pahayag.
Maraming salamat! Maari
ka nang umupo.

Ano kaya ang kaugnayan


ng mga ibinigay kong
tanong sa araling ating
tatalakayin?

C. Pagtatalakay

Ang ating aralin ngayong


araw ay tungkol sa
“Kahulugan ng Epiko at
Kasaysayan ng Epikong
Sundiata”

Madalas nating marinig o


nababasa ang salitang
“paninindigan”.

Ano ang inyong ideya


tungkol sa salitang ito?
Subukan mo ngang
sumagot, Ella.
Ella: Para sa akin, Sir, ang
paninindigan po ay isang
paraan ng pagbibigay ng
katuwiran sa isang pahayag
upang masabi na ito ay tama o
Maraming salamat, Ella. totoo.
Ganoon din ba ang iyong
sagot, Mila? Mila: Base sa aking
obserbasyon, ang
paninindigan ay ang
paghihikayat sa mga tao na
maniwala sa saloobing ibinigay
Maraming salamat, Ella. ng mambabasa o manunulat.
Mahusay ang inyong
pagbibigay ng sariling
dipinisyon.

Pakibasa nga ang


kahulugan ng salitang
“Paninindigan”, Roger. Roger: Ang paninindigan ay
isang paraan ng
pagmamatuwid o
pangangatuwiran. Layon ng
naninindigan na mahikayat
ang tagapakinig na tanggapin
ang kawastuhan o
katotohanan ng
pinaniniwalaan sa
pamamagitan ng paglalatag ng
sapat na katibayan o patunay
upang ang panukala ay
maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala. Gayundin sa
paninindigan ay maaaring
gumamit ng iba’t ibang
ekspresiyon upang maipaabot
ang layon o damdamin ng
Maraming salamat, Roger! pagpapahayag.
Subukan mo ngang
ipaliwanag sa amin kung
ano ang pagkakaintindi
mo rito? Ang paninindigan ay
pagbibigay ng konkretong
paliwanag sa saloobin na nais
ipabatid sa mga tao.
Maisasagawa ito sa
pamamagitan ng pagbibigay
ng mga katibayan na totoo ang
Mahusay, Roger! Maaari sinasabi.
ka nang umupo.

Sinasabi nga na ang


paninindigan ay ang
pagbibigay ng patunay sa
mga pananaw na nais
sabihin. Nagawa ninyo ba
ito kanina nang kayo’y
nagdebate?

Ngayon naman ay
dumako na tayo sa
pangunahing paksa, ang
kahulugan ng epiko at
kasaysayan sa epikong
Sundiata.

Pakibasa nga ang


kahulugan ng epiko, Zild. ZIld: Ang epiko ay
maihahambing sa tulay na
nagdurugtong ng nakaraan sa
hinaharap. Ito ay salaysay ng
buhay ng mga naglahong
bayaning kalahati’y tao at
kalahati’y supernatural.
Masasalamin sa epiko ang
mataas na pagpapahalaga ng
lipunan- di lamang nanlilibang
bagkus ay nagsasalaysay ng
kasaysayan, at napapaunawa
Kung naaalala mo pa, ano sa kultura at tradisyon.
ang kaibahan ng epiko sa
mitolohiya? Zild: Sir, sa depenisyon po na
ibinigay mo riyan, sinasabi na
ang epiko ay talaan ng
nangyari noong nagdaang
panahon. Kung ikukumpara
ko po rito ang mitolohiya, ang
mitolohiya po ay pangyayari
na talagang hindi mangyayari
kumpara sa epiko na
Maraming salamat, Zild. nagsisilbing kasaysayan ng
Tama ka sa iyong iilan.
paliwanag.Ibig sabihin,
hindi tulad ng mitolohiya,
ang epiko ay base sa
totoong pangyayari mula
sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan.

Pakibasa ang unang


pangungusap, Dianne.
Dianne: Ang Epikong Sundiata
ay unang naitala sa Guinea
noong 1950 na isinalaysay ni
Djeli Mamoudou Kouyate,
isang griot sa Aprika, sa isang
mahusay na alagad ng
kuwentong-bayan na si D.T
Niane. Ang griot ay isang
katawagan sa mga taong
kabilang sa grupong
manunulat, mananalaysay, at
musikero na nagpapanatili sa
tradisyon ng pagsasalaysay ng
Maraming salamat, kasaysayan ng ilang parte sa
Dianne. Ipagpatuloy mo Kanlurang Aprika.
nga ang pagbabasa rito,
Xyriel.
Xyriel: Isinalin ito ni Djibril
Tamsir Niane buhat sa
Mandigo sa Wikang Prances.
Naging batayan ang kaniyang
salin upang mailipat ito sa
Maraming Salamat, wikang Ingles.
Xyriel!

Ngayon naman, kilalanin


natin pangunahing
tauhan sa epikong
Sundiata.

Pakibasa nga, Ernesto! Si Sundiata Keita o Mari


Diata(Mari Jata ), ang bayani’t
pangunahing-tauhan ng epiko
ay totoong nabuhay. Isa siya
sa labingdalawa magkakapatid
na lalake na tagapagmana ng
trono. Siya’y isang
makapangyarihang pinuno na
tumalo sa estadong Sosso sa
Kanlurang Africa noong 1235.
Itinatag niya ang Imperiyong
Mandingo ng Matandang Mali.
Ang kaniyang pamamayagpag
ay tumagal nang mahigpit 250
Maraming salamat, taon.
Ernesto!

Pakibasa naman ang


kaligiran ng imperyong
Ysabel: Ang Imperyong Mali na
Mali, Ysabel.
kilala rin sa tawag na
Imperyong Manding ay naging
makapangyarihan sa West
Africa noong 1230 hanggang
1600 na siglo. Sa
pamamayagpag nito, ang
imperyo’y higit pang malawak
sa Western Europe
Maraming salamat,
Ysabel.

Ngayong nalaman na
ninyo ang kasaysayan sa
likod ng epikong ito, ano
ang nakita ninyong
epekto ng epiko sa
kasaysayan ng Kanlurang
Aprika?

Subukan mo ngang Grace: Sir, ang nakita ko pong


sagutin ito, Grace! magandang epekto ng epiko sa
kasaysayan ng aprika ay
naging daan ito upang
mapanatili ang datos at
pangyayari upang maibahagi
pa sa susunod na mga
henerasyon. Para pong naging
tulay ang epikong ito upang
idugtong ang nakaraan sa
hinaharap.
Maraming salamat, Grace!
Tama ka! Naging talaan
ng buhay ang epiko
upang maidugtong ang
nakaraan mula sa
hinaharap.
Wala na po, Sir!
May katanungan pa ba
ang lahat?

Ngayong wala na kayong


tanong, dumako na tayo
sa susunod na gawain.

D. Paglalapat

Ang pagsasabi ng
nararapat ay importante
sa paninindigan ng
katotohanan. Kaakibat na
kahalagahan nito ang
ugnayan sa pagitan ng
wika at kaalaman.
Matatawag pa rin bang
paninindigan, ang
paninindigan sa
kasinungalingan? Bakit?
Flores: Sir, ang isang
Subukan mo nga itong paninindigan sa
sagutin, Bb. Flores. kasinungalingan po ay hindi
ko matatawag na isang
paninindigan dahil ang
depenisyon po ng
paninindigan ay ang
panghihikayat sa tao na
maniwala sa tama o
katotohanan. Ang
paninindigan sa
kasinungalingan ay isa lamang
malaking kasinungalingan.

Maraming salamat, Bb.


Flores sa napakahusay
mong sagot.

E. Paglalahat

Ipaliwanag ang
kahalagahan ng Ang kahalagahan po ng
paninindigan. Sige nga, paninindigan ay upang
Jay. mabigyan po natin ng
pagpapatibay ang ating mga
sinasabi upang makumbinsi
po natin ang ating kausap na
maniwala sa atin.

Tunay ngang napaniwala


mo ako sa iyong sinabi.
Maraming salamat sa
pagsagot.

Ipaliwanag kung bakit


sinabi na ang epiko ay
maihahambing sa isang
tulay na nagdurogtong sa
nakaraan tungo sa
kasalukuyan?

Sige nga, Harold! Harold: Tulad nga po sa sinabi


Isalaysay mo nga ang kanina, sa pamamagitan po ng
iyong kasagutan. epiko ay naililista ang mga
pangyayari at datos na
nangyari noong unang
panahon na maaring malaman
ng mga tao sa kasalukuyan
nang dahil po naisulat at
naipasa po ito sa bawat
henerasyon.

Maraming salamat sa
iyong sagot, Harold.
Maaari ka nang umupo.

IV. PAGTATAYA

Upang matiyak kong may natutuhan kayo ngayong araw, subukin


ang gawaing ibibigay ko. Ito ay isang pangkatang grupo pumili
lamang ng tagapagsalita na maglalahad sa harap, gumawa ng
paghahambing sa kaibahan ng Mitolohiya sa Epiko gamit ang
paninindigan.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nabigyan ng matibay na Katuwiran ang paghahambing ---- 15
pts
Kooperasyon ng bawat myembro ----------------------------------5
pts
Kabuuang puntos --------------------------------------------------20
pts

V. KASUNDUAN

Sa isang ½ crosswise na papel, Basahin at unawain: Sundiata:


Epiko ng Sinaunang Mali. llarawan ang mga tauhan.

Inihanda ni: Iwinasto at tinunghayan:

PHILIP LEONARD B. DARUCA ROBERT G. MALLARE


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

You might also like