Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 42

QUARTER 4

MODULE 1
ELEMENTARY SCIENCE

Department of Education • Republic of the Philippines


Science– Grade3
Alternative Delivery Mode
Quarter 4– Module 1-8 : Kapaligiran , Panahon at Kalawakan
First Edition, 2021

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:
Assistant Secretary:

Development Team of the Module


Authors: Dr. Raquel M. Austero, Maria Virginia T. Dequito, Roneil P. Edu,
Erlinda L. Añonuevo, Shiela R. Dela Cerna, Helen T. Sanidad,
Fe M. Manigao, Wennie G. Norella, Jenilyn R. Dacoycoy

Editor: Maria Virginia T. Dequito

Content Evaluator : Dr. Raquel M. Austero

Illustrators : Maria Virginia T. Dequito, Roneil P. Edu, Helen T. Sanidad,


Erlinda L. Añonuevo, Shiela R. Dela Cerna, Fe M. Manigao
, Wennie G. Norella, Jenilyn R. Dacoycoy

Layout Artist: Maria Virginia T. Dequito, Roneil P. Edu, Helen T. Sanidad,


Erlinda L. Añonuevo, Shiela R. Dela Cerna, Fe M. Manigao
Wennie G. Norella, Jenilyn R. Dacoycoy

Management Team: Dr. Jennifer C. Tubello

Printed in the Philippines by Schools Division Las Piñas

Department of Education – Las Piñas, Elementary Science Department

Office Address: Gabaldon Bldg. Brgy. Elias Aldana


Padre Diego Cera Avenue, Las Piñas City
Telefax: (02) 8-8359030 (02) 8- 822-3840
E-mail Address: Laspinas.city@deped.gov.ph

Department of Education • Republic of the Philippines


3

Science 3
Quarter 4
Module 1
Week 1 to Week 6
Kapaligiran, Panahon
at Kalawakan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at
action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education • Republic of the Philippines


Pambungad na Mensahe
Para sa mga Magulang:

Ang modyul na ito ay nilikha para sa inyong mga anak upang


makatulong sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at
kasanayan sa Agham. Ang nilalaman at tinatalakay ng modyul na
ito ay tungkol sa kanilang aralin para sa Ikaapat na Kwarter.
Inaasahan namin na kayo ay magiging gabay at katuwang ng
inyong mga anak sa paglalakbay sa kanilang mga aralin tungo sa
kanilang pagkatuto.
Maraming salamat po!

Para sa mga Mag- aaral:

Ang modyul na ito ay nilikha para sa iyo upang makatulong


sa pagpapalawak ng iyong kaalaman at kasanayan sa Agham.
Ang nilalaman at tinatalakay ng modyul na ito ay tungkol sa
Ikaapat na Kuwarter . Ito ay hango sa Most Essential Learning
Competency (MELC) ng K – 12 Kurikulum para sa ikatlong baitang
sa Ikaapat na Kuwarter. Ang modyul na ito ay magagamit mo at
makatutulong sa iyo upang mapag-aralan mo ang mga aralin at
mga gawain na nakapaloob dito.
Masisiyahan ka na pag- aralan at tapusin ang mga gawaing
nakapaloob dito. Pakiusap lamang namin na ingatan mo ito at
huwag sisirain upang magamit pa ng ibang mga susunod na mag-
aaral. Maaari kang gumamit ng papel o kwaderno sa pagsagot sa
iba’t ibang pagsasanay sa modyul na ito.
Maligayang pag- aaral!

Mga May Akda


Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda at dinisenyo upang


mapalawak at matiyak ang iyong kaalaman tungkol sa kapaligiran
panahon at kalawakan. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
gagabay at tutulong sa iyo upang matapos ang inilaang aralin
para sa iyo .

Ang modyul na ito ay nahahati sa anim na aralin:

• Aralin 1 – Kapaligiran at Anyong Lupa


• Aralin 2 – Anyong Tubig at Kahalagahan ng mga Ito
• Aralin 3 – Iba’t ibang Uri ng Panahon
• Aralin 4 – Panahon na Nararanasan sa Iba’t Ibang Lugar
• Aralin 5 – Mga Gawain at Paraan ng Pag-iingat mula sa Iba’t
Ibang Uri ng Panahon
• Aralin 6 – Mga Bagay na Makikita sa Kalawakan

Pagkatapos mong mabasa at mapag-aralan ang modyul na


ito, inaasahan na matutunan mo ang mga sumusunod na layunin:

1. nailalarawan ang mga bagay sa kapaligiran


2. nailalarawan ang mga anyong lupa at kahalagahan
ng mga ito
3. nailalarawan ang mga anyong tubig at mga bagay
na nakukuha mula dito
4. naiuugnay ang kahalagahan ng anyong tubig sa mga
tao at sa mga bagay na may buhay
5. nailalarawan ang pagbabago ng panahon
6. natutukoy ang iba’t ibang uri ng panahon
7. naihahambing ang panahon na nararanasan sa iba’t
ibang lugar sa ating bansa
8. nasasabi na nagbabago ang panahon sa iba’t ibang
lugar
9. nasasabi at naisasagawa ang mga paraan ng pag-
iingat sa kaligtasan sa iba't ibang uri ng panahon
10 . nailalarawan ang mga likas na bagay na nakikita sa
kalangitan tuwing araw o gabi

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay anyong lupa na madalas tirahan ng maraming tao.


A. kapatagan C. bundok
B. burol

2. Alin sa mga sumusunod ang anyong tubig?


A. lawa C. talampas
B. bulkan

3.Saan nabubuhay ang mga isda, hipon at alimango?


A. sa palengke C. sa tubig
B. sa hangin
4. Ito ay ang kalagayan ng atmospera sa loob ng isang araw.
A. Bagyo C. Panahon
B. Temperatura

5. Bakit gumagamit ang mga tao ng payong kapag maaraw?


A. malakas ang ihip ng hangin
B. ang init ng araw ay nakakasunog ng balat
C. may babala ng bagyo
Week
Kapaligiran
1
Pagmasdan mo ang ating paligid. Ano-ano ang iyong
nakikita?Lahat ng nasa ating kapaligiran ay nakatutulong upang
tayo ay mabuhay at makagawa ng mga gawain sa araw-araw.
May mga likas at hindi likas na bagay ang bumubuo sa ating
kapaligiran. Alam mo ba kung ano-ano ang mga ito?

Balikan

Panuto: Iguhit ang (puso) kung tamang kaisipan ang isinasaad


ng mga pangungusap at X kung hindi. Ilagay ang sagot sa iyong
sagutang papel.

____1. Ang electricity ay maaaring nagmumula sa mga


baterya at power stations.
____2. Ang light o liwanag ay nagmumula sa vibration ng
mga bagay.
____3. Ang araw ang pangunahing pinagmumulan ng init at
liwanag.
____4. Ang energy ay ang kakayahan na pagalawin o
paandarin ang iba’t ibang bagay.
____5. Kailangan natin ng tunog upang makakita.

Tuklasin
Gawain 1A : Hulaan Mo
Panuto: Hulaan ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat
ang bawat letra ng iyong sagot sa loob ng kahon at sagutin ang
mga tanong sa ibaba.
Ito ay tirahan ng sangkatauhan, mga
1. hayop at maging halaman.
2. Hindi man natin nakikita ngunit ating
nararamdaman at dahilan upang
tayo ay makahinga.
3. Mainam na inumin at nagbibigay
buhay sa atin.
4. Iba- iba man ang anyo at hugis nito,
dito nakatirik ang ating tirahan at
tinatapakan ng ating mga paa.
5. Mga nilalang na mababangis at maaamo,
maaaring nasa gubat , katubigan o
sa iyong tahanan at inaalagaan mo.
Karaniwang mga berdeng may
6. buhay, pagkain at malinis na
hangin sa atin ay nagbibigay.

1. Ano-ano ang iyong mga isinagot sa bawat bilang?


_____________________________________________________
2. Masasabi mo ba na ang iyong mga kasagutan mula sa bilang
1 hanggang 5 ay mga likas na bagay? ___________________
3. Paano mo nasabi na ang mga ito ay likas na bagay?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang nakikita mo sa iyong kapaligiran na hindi likas
na bagay? Sumulat ng tatlong kasagutan. __________________
___________________________________________________________

Suriin

1.Ang mundo o ang Earth ay ang ating tirahan. Bahagi ng mundo


ang ating kapaligiran. Dito nagmumula lahat ng ating
pangangailangan upang tayo ay mabuhay.
2.May mga likas at hindi likas na bagay sa ating kapaligiran.
3.Ang mga hayop, halaman, hangin, iba’t ibang anyong tubig at
anyong lupa ay ang mga likas na bagay na bumubuo sa ating
mundo at sa ating kapaligiran.
4. Ang mga hindi likas na bagay sa ating paligid ay mga likha ng
tao tulad ng ating mga tirahan, laruan mga kagamitan, kasuotan,
maging mga gaggets at iba pa.
5.Ang mundo ay nababalutan ng layer ng hangin na tinatawag na
atmosphere. Ang atmosphere ang ating panangga sa ultra violet
rays na nagmumula sa araw. Ang hangin ay kailangan ng mga
living things upang patuloy na mabuhay.
6.Mayroon ding mga hayop at halaman sa ating kapaligiran na
pinagkukunan ng ating mga pagkain at iba pang mga
pangangailangan.
7.Ang tubig ay makikita natin sa ating paligid. Ito ang may
malaking bahagi sa ating mundo. Halos 75 % o ¾ ng ating mundo
ay mga anyong tubig.

8.Ang natitirang 25 % o ¼ ng mundo ay binubuo naman ng iba’t


ibang anyong lupa tulad ng:
A.Kapatagan (plain) Mababa, malawak at patag na lupain na
maaring taniman.Halimbawa : Kapatagan ng Gitnang Luzon

B.Bundok (mountain) Ito ang pinakamataas na anyong lupa.


Halimbawa: Mt. Apo, Mt. Makiling

C.Bulkan (volcano) Ito ay mataas na anyong lupa. Ito ay


maaaring magbuga ng apoy o mainit na putik at maaring
sumabog. Halimbawa: Bulkang Mayon, Bulkang Taal

D.Burol (hill) Mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa


sa bundok.Halimbawa: Chocolate Hills (Bohol)
E.Lambak (valley) Mababang lupain o patag na lupa sa pagitan
ng bundok o burol .Halimbawa: Lambak ng Cagayan,

F.Talampas (plateau)Mataas na angyong lupa na ang itaas na


bahagi ay patag. Halimbawa : Tagaytay , Baguio City

G.Pulo (island) Maliit na anyong lupa na napapaligiran ng tubig.


Halimbawa: Boracay, Camiguin, Siquijor

9. Ang mga anyong lupa ay mahalaga sa mga bagay na may


buhay tulad ng tao, hayop at halaman dahil :
A. Ang mga anyong lupa ay napagtatamnan ng iba’t ibang
halaman na pinagkukunan ng pagkain at kasangkapan.
Nakatutulong din ang mga puno at halaman sa pagpigil ng
pagbaha dulot ng malakas na ulan at pagdausdos ng mga lupa.
B. Dito maaaring manirahan ang mga tao gayundin ang
mga hayop. Dito rin nagpapatayo ng mga gusali, pabrika,
kalsada at maging mga tulay bilang daanan ng mga tao
patungo sa ibang lugar.
C. Ang matataas na anyong lupa ay nagsisilbing
pangharang sa malalakas na hangin mula sa bagyo.
D. Ang iba’t ibang anyong lupa din ang pinagmumulan ng
mga buhangin at graba na ginagamit sa paggawa ng mga
bahay o gusali. Ang buhangin ay ginagamit ding materyales sa
paggawa ng salamin.
E. Nagmumula din sa mga anyong lupa ang mga metal at
iba’t ibang mineral tulad ng ginto, pilak at mga mamahaling
bato.
F. Ito ay nagbibigay pangkabuhayan sa mga tao.
10. Dapat nating pahalagahan ang mga anyong lupa sa
pamamagitan ng pag-aalaga at wastong paggamit sa mga ito.

Pagyamanin
Gawain 2 : Isulat Mo!
Panuto: Tukuyin ang anyong lupa na inilalarawan sa mga
sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ito sa patlang.

burol lambak bundok talampas bulkan kapatagan

______________1. Ito ay mataas na anyong lupa na maaring


sumabog at maglabas ng mainit na bato at lava.
______________2. Ito ay malawak at patag na anyong lupa.
______________3. Mataas na anyong lupa ngunit patag sa ibabaw.
______________4. Mataas na anyong lupa ngunit mas mababa sa
bundok.
______________5. Patag na lupa sa pagitan ng mga bundok o
burol.

Isaisip
1. Ang mundo o ang Earth ang ating tirahan.Ang ating
kapaligiran ay bahagi ng mundo.
2. Binubuo ng iba’t ibang anyong lupa ang ating kapaligiran.
Mahalaga ang mga ito sa tao at iba pang may buhay.
3. Ang mga hayop, halaman, hangin, iba’t ibang anyong
tubig at anyong lupa ay ang mga likas na bagay na
bumubuo sa ating mundo at sa ating kapaligiran.
4. May iba’t ibang anyong lupa sa ating kapaligiran. Ito ay ang
mga bundok, bulkan, burol, talampas, lambak, kapatagan,
at pulo .
5. Ang mga hindi likas na bagay sa ating paligid ay tulad ng
ating mga tirahan, laruan mga kagamitan, kasuotan,
maging mga gaggets at iba pa.
6. Mahalaga ang kapaligiran at ang iba’t ibang anyong lupa
kaya’t dapat nating ingatan ang mga ito.

Isagawa
Panuto: Pag-aralan ang dalawang anyong lupa. Isulat ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian ng bundok at
bulkan.

bundok bulkan

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1.Ito ang bumabalot sa mundo na ating panangga sa ultra


violet rays.
A. oxygen B.carbon dioxide C. atmosphere
2. Pinagmumulan ang mga ito ng ating pagkain.
A. mga halaman at prutas C.mga hayop at insekto
B. mga hayop at halaman
3. Ito ay patag at malawak na anyong lupa, maaaring gawing
taniman at tirahan ng mga tao at hayop.
A. kapatagan B. lambak C. talampas
4. Ito ay mataas na anyong lupa na patag sa ibabaw karaniwang
tirahan ng mga tao, iba’t ibang halaman at hayop.
A. bulkan B. bundok C. talampas
5. Alin sa mga nabanggit ang hindi maaaring gawin sa lupa.
A. pook tirahan ng mga tao at hayop.
B. taniman ng iba’t ibang uri ng halaman .
C. daanan ng mga barko o bangka .

Mga Karagdagang Gawain

Panuto: Gumamit ng short bond paper para sa gawaing ito.


Gumuhit isang poster na nagpapakita ng pangangalaga sa
anyong lupa. Kulayan ang mga ito at sumulat ng isang
pangungusap tungkol dito.

Week
Iba’t-ibang Anyong Tubig
2
Nakasakay na ba kayo ng barko o ng bangka? Saan
dumadaan ang mga ito? Ang mga mangingisda, saan kumukuha
ng kanilang kabuhayan?
Halina’t ating kilalanin ang iba’t-ibang anyong tubig sa ating
kapaligiran at ang mga bagay na makikita dito.
Balikan
Panuto: Isulat ang (tsek) kung tamang kaisipan ang isinasaad
ng mga pangungusap at (ekis) kung hindi. Ilagay ang sagot sa
iyong sagutang papel.
____1. Ang lupa ay isa sa pangunahing pangangailangan ng tao
upang mabuhay.
____2. Lahat ng bagay dito sa mundo ay nabubuhay at makikita
sa kalupaan lamang
____3. Ang hangin, tubig at lupa ay ang bumubuo sa ating
kapaligiran.
____4. Ang mga puno sa kapaligiran ay nagbibigay ng malinis at
sariwang hangin.
____5. Gawing tambakan ng basura ang bakanteng lote sa
inyong lugar.

Tuklasin
Gawain 1A: Hulaan Mo
Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang
tamang salita na inilalarawan sa bawat pangungusap at sagutin
ang mga tanong sa ibaba.
1. (a l w a) __________ Anyong tubig na mas malaki kaysa sapa
at napapaligiran ng lupa
2. (g o l i) __________Ito ay tubig tabang na dumadaloy mula
sa bundok patungong dagat o karagatan.
3. (k o o l )__________ Anyong tubig na nagsisilbing daungan ng
mga sasakyang pandagat .
4. (g a r t a n k a a) __________Ito ang pinakamalawak at
pinakamalalim na anyong tubig.
5. (o t n a l) ____________Anyong tubig na bumabagsak mula sa
isang mataas na anyong lupa patungo sa mababang
bahagi ng isang pook.

1. Ano-ano ang iyong mga isinagot sa bawat bilang?


_____________________________________________________
2. Tungkol saan ang iyong mga sagot?
______________________________________________________
3. Base sa mga pangungusap sa itaas, ano ang
pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig?
______________________________________________________
4. Magkapareho ba ang lawa at ilog? ___________________
5. Ano ang pagkakaiba ng lawa sa ilog? _________________
___________________________________________________________

Suriin
1.Ang tubig ay ang pinakamayamang likas na bagay sa ating
kapaligiran. Ito ang pinagkukunan ng pangangailangan ng mga
tao, hayop at halaman upang mabuhay.
2. Ang tubig ay makikita natin sa ating paligid. Ito ang may
malaking bahagi sa ating mundo. Halos 75 % o ¾ ng ating mundo
ay mga anyong tubig. Ang iba’t ibang anyong tubig ay:
A.Lawa (lake) Anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Matabang
ang tubig nito. Halimbawa: Lawa ng Taal, Lawa ng Laguna

Ang lawa ay tubig -tabang kung saan nakatira ang mga isda
gaya ng tilapia, kanduli(catfish), hito, karpa, bangus, at ayungin.
B.Talon (waterfalls) Ang talon ay bumabagsak na tubig mula sa
isang mataas na anyong lupa patungo sa mababang bahagi ng
isang pook.
Halimbawa: Talon ng Pagsanjan, Talon ng Maria Cristina

C.Dagat (sea) Malawak na anyong tubig na mas maliit sa


karagatan. Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa
karagatan.Halimbawa: Dagat Pilipinas, Dagat Celebes
D.Karagatan (ocean) Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim
na anyong tubig. Maalat ang tubig nito.
Halimbawa: Karagatang Pasipiko, Karagatang Indian

E.Ilog (river) Mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos


patungo sa dagat. Halimbawa: Ilog Pasig, Ilog Zapote

F.Look (bay) Nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat.


Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa dagat o
karagatan.Halimbawa: Look ng Maynila, Look ng Subic

G. Spring (bukal) Anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.


Halimbawa: Tagub Hot Spring,Hidden Valley Spring (Laguna)

B.Kahalagahan ng mga Anyong Tubig sa Tao at Iba pang Bagay


na May Buhay
Nahahati sa dalawa ang anyong tubig: Tubig-Tabang(fresh
water) at Tubig-Alat( salty water).
A.Halimbawa ng tubig-tabang: ilog, sapa, batis, talon, bukal at
lawa
B.Halimbawa ng tubig-alat : dagat at karagatan
1.Ang mga anyong tubig ay nagsisilbing tirahan ng ibat-ibang uri
ng isda at ibang organismo tulad ng shellfish, mga korales, perlas
at mga halamang nabubuhay sa tubig.
2. Nagsisilbing daanan ng mga barko ,bangkang pangingisda at
cargo vessels ang dagat at karagatan patungo sa ibang lugar.
Nagiging daungan naman ng mga ito ang look at mga pantalan.
3.Nagiging pook pasyalan at languyan ng mga tao ang mga
dagat, ilog, talon, bukal at lawa lalo na sa panahon ng tag-init.
4.Pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mangigisda ang
karagatan at dagat.
5.Pinagkukunan din ng supply ng kuryente o “Hydroelectric Power
Plant” ang mga talon o bukal.
6.Ang ilan sa mga ilog ay daluyan ng tubig para sa agrikultura o
“water irrigation”.
7. Ang underground water o “balon” ay ang pinakamalinis na
tubig na ginagawang inumin ng mga tao.
8. Ang tubig ay ginagamit sa pagluluto, paghuhugas o paglilinis
ng mga kagamitan sa bahay, pampaligo, paglalaba at inumin
ng mga tao at hayop.
C.Kahalagahan ng Malinis na Kapaligiran sa Tao at sa Iba pang
bagay na may buhay
1. Ang malinis na kapaligiran ay nakatutulong upang magkaroon
ng malinaw na kaisipan ang mga tao.
2. Ito ay naglalayo sa mga tao na dapuan ng sakit o anumang
karamdaman.
3. Ang mga tao ay nakalalanghap ng sariwa at malinis na hangin
4. Ang mga bata’t matatanda na naninirahan sa pamayanan ay
malulusog , masasaya at namumuhay ng payapa.
5. Ang mga pananim ay naaalagaan nang mabuti kung kaya’t
sagana ang ani at walang taggutom.
7. Ang mga hayop ay malulusog , hindi nagkakasakit at may
sariwang damo na nakakain.
D.Mga Paraan sa Pagpapahalaga at Pangangalaga sa
Kapaligiran
1. Panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran.
2. Itapon ang basura sa tamang tapunan nito.
3. Iwasan ang pagputol ng mga punongkahoy na walang
pahintulot galing sa pamahalaan.
4. Taniman ng mga halaman ang bakanteng lote.
5. Iwasan ang sobrang paggamit ng kuryente o “electricity”.
6. Mag “reduce, reuse at recycle” ng mga patapong kagamitan
sa bahay.

Pagyamanin

Gawain 2: Tukuyin Mo!


Panuto: Kilalanin ang mga anyong tubig na nasa Hanay
A sa pamamagitan ng paghahanap ng mga pangalan
nito sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A B
A. karagatan
1. Nagsisilbing daungan ng
mga barko B. talon
2. Anyong tubig na napaliligiran
ng lupa C. ilog
3. Mahaba ,makipot at umaagos
patungong dagat D. dagat
4. Bumabagsak na tubig mula
sa mataas na lugar E. lawa
5. Tubig alat na mas maliit sa
karagatan F. look

Isaisip
1.Ang mga anyong tubig sa ating kapaligiran ay ang karagatan,
dagat,ilog, lawa, talon at look .
2.Iba’t-ibang uri ng mga isda ang karamihang makikita sa mga
anyong tubig. Ito ang nagsisilbing tirahan nila. Samantalang ang
mga tao naman ay ito ang pinagkukunan ng pagkain , inumin
hanapbuhay at maging suplay ng kuryente.
3. Ang malinis at maayos na kapaligiran ay nakatutulong upang
ang mga tao ay makaiwas sa mga sakit o anumang
karamdaman.
4. Pahalagahan natin ang mga anyong tubig para sa ating
kapakanan.

Isagawa

Panuto: Gumuhit ng tig-isang larawan sa bawat kahon ng mga


bagay na makikita sa anyong-tubig. Kulayan at lagyan ito ng
pangalan.

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1.Ang anyong tubig na ito ay maalat at mas maliit lang kaysa
karagatan.
A. ilog B. dagat C. lawa
2.Ito ang pinakamalaking bahagi ng ating mundo.
A.mga anyong lupa C. mga anyong tubig
B. mga kabahayan
3. Anyong tubig na napapalibutan ng lupa.
A. lawa B. talon C. karagatan
4. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng anyong tubig ?
A. Pinagkukunan ng pagkain ng mga tao.
B. Daanan ng mga kotse, bus , trak at tren.
C. Nagsisilbing tirahan ng mga tao at lahat ng hayop.
5.Ano ang dapat gagawin upang makatipid sa paggamit ng
tubig?
A.Hayaang nakabukas ang gripo habang nagsisipilyo.
B. Isara nang mabuti ang gripo pagkatapos gamitin.
C. Ipagwalang bahala ang mga butas sa tubo ng tubig.

Mga Karagdagang Gawain


Panuto: Gumamit ng isang short bond paper para sa gawaing ito.
Gumuhit ng larawan ng isang anyong tubig ayon sa katangian ng
nito na iyong napag – aralan. Kulayan ito at sumulat ng isang
kahalagahan nito sa tao at sa ibang bagay na may buhay.

Week
Uri ng Panahon
3
Nakapanood o nakapakinig ka na ba ng mga ulat ng
panahon? Ano kaya ang magiging panahon natin bukas ? Pare-
pareho ba ang panahon na ating nararanasan araw-araw ?
Alamin natin ngayon sa ating aralin ang tungkol sa panahon at
ang iba’t ibang uri nito.

Balikan

Panuto:Bilugan sa loob ng kahon ang mga anyong tubig


at ikahon naman ang mga anyong lupa.

bulkan look karagatan talampas ilog

talon burol bundok lawa lambak


Tuklasin
Gawain 1: Hanap Panahon
Layunin: Nailalarawan ang panahon sa araw-araw.
Hanapin sa loob ng puzzle ang iba’t ibang ng uri panahon

Suriin
Ang panahon (weather) ay ang kalagayan ng
atmospera ng isang lugar sa isang partikular na oras.Inilalarawan
nito ang kondisyon ng himpapawid na nakaaapekto sa mga
gawain ng mga tao. Ito ay maaaring magbago anumang oras.
Maaaring mailarawan ang panahon (weather) sa
pamamagitan ng pagmamasid at pagtatala ng temperatura,
ulan, hangin at ulap .
Ang meteorologist ay ang taong bihasa sa pag-aaral ng
klima at panahon at siyang naghahatid impormasyon tungkol sa
lagay ng panahon.
Mga Uri ng Panahon:
1. Maaraw- Ang panahon ay maaraw kung mataas ang sikat ng
araw at mainit ang temperatura.
2. Maulap – ang panahon ay maulap kung ang kalangitan ay
puno ng pulo- pulong ulap at bahagyang natatakpan ng mga ito
ang araw.
3. Mahangin – ang panahon ay mahangin kung may kalakasan
ang ihip ng hangin.
4. Maulan – ang panahon ay maulan kapag ang kalangitan ay
makulimlim at pumapatak ang ulan.
5. Bumabagyong panahon – kapag madilim ang kalangitan , may
malakas na pagkulog at pagkidlat, malakas ang ihip ng hangin at
malakas ang buhos ng ulan.

Pagyamanin

Gawain 2
Panuto: Gumuhit ng ulan sa patlang kung tama ang
ipinapahayag tungkol sa panahon, at araw naman kung
hindi.
_____1. Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera
sa isang araw.
_____2. Ang panahon sa ating komunidad ay hindi nagbabago.
_____3. Ang panahon ang inaasahang pangkalahatang
kalagayan ng himpapawid na naglalarawan ng karaniwang
nararanasan sa bawat taon.
_____4. Ang panahon ay ay pabago- bago sa loob ng maikling
oras o minuto.
_____5. Ang meteriologist ay bihasa sa pag-aaral ng klima at
panahon.

Isaisip

Ang panahon (weather) ay ang kalagayan ng atmospera


ng isang lugar sa isang partikular na oras. Ito ay maaaring
magbago sa loob ng isang araw.
Ang limang uri ng panahon ay maaraw, maulap, maulan,
mahangin at bumabagyo.

Isagawa

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panahon ang ipinapakita ng


mga sumusunod na larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay tamang paglalarawan sa panahon
maliban sa isa, alin ito?
A. Ito ay nagbabago sa bawat oras.
B. Ito ay kalagayan ng atmospera sa loob ng isang araw.
C. Ito ay hindi nagbabago sa loob ng mahabang panahon.
2. Ito ay uri ng panahon kung saan maari tayong lumangoy at
magtampisaw sa dagat.
A. maulan B. maaraw C. bumabagyo
3. Narinig ni Emma sa radio na magkakaroon ng malakas na
pag- ulan sa kanilang lugar. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magdala ng payong o kapote sa pagpasok sa paaralan.
B. Magsuot ng puting sapatos papasok sa paaralan.
C. Huwag pansinin ang balita at pumasok agad sa paaralan.
4. Napagkasunduan nina Mike at Glenn na magpalipad ng
saranggola. Sa anong uri ng panahon ito nararapat gawin?
A. maulan B. mahangin C. maaraw
5. Bakit mahalaga ang kaalaman tungkol sa pagbabago ng
panahon?
A. Upang maiplano natin kung ano ang mga dapat nating
gawin.
B. Upang maging handa sa mga maaring mangyari sa
pagbabago ng panahon
C. Lahat ng nabanggit ay tama.

Mga Karagdagang Gawain

Panuto: Manood o making ng balita tungkol sa panahon. Itala


ang impormasyon na makukuha sa inyong kwaderno at iulat ito
sa klase. Sundan ang format sa ibaba.
Petsa: ______________________________________
Impormasyon:
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Week Iba’t- ibang Panahon


4 sa ating Bansa

Naranasan mo na ba ang panahon na sobrang init at biglang


umulan? O kaya ay umuulan sa inyong lugar pero pagpunta mo sa
ibang lugar ay hindi naman umuulan? Bakit kaya ito nangyayari?
Balikan
Panuto : Tukuyin ang uri ng panahon na ipinapakita ng larawan na
nasa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa ibaba.
A. maaraw C. maulap
B. mahangin D. maulan E. bumabagyo

1.______ 4.____

3._____

2.______ 5.___

Tuklasin

Panuto: Tingnan ang ulat panahon. Sagutan ang sumusunod na


mga tanong sa ibaba.
Ulat Panahon ngayong Febrero 09, 2022

Batanes , Cagayan pati Maulap na may kalat-kalat


Babuyan Islands na pagbuhos ng ulan ,
pagkulog at pagkidlat.
Caraga, Northern Mindanao, Maulap na may kalat-kalat
Davao Region, Leyte, Southern na pagbuhos ng ulan
Leyte, Bohol pagkulog at pagkidlat.

Ilocos provinces, Apayao, Abra, bahagyang maulap na may


at Kalinga hiwa-hiwalay na pag-ulan
Metro Manila and iba pang Bahagyang maulap
lugar sa bansa hanggang sa maulap na
papawirin na may hiwa-
hiwalay na pag-ulan o
pagkulog at pagkidlat.
Temperature 31.2oC 1:50 PM
23.4oC 5:50 A.M
https://www.pagasa.dost.gov.ph/information/weather-terminologies
1. Ano ang ulat panahon sa mga sumusunod na mga lugar?
A. Batanes_________________________________________________
B. Ilocos ___________________________________________________
C. Metro Manila ____________________________________________
D. Bohol ___________________________________________________

2.Ayon sa ulat, pare-pareho ba ang panahon sa buong Pilipinas ?


_____________________________________________________________________________

Suriin
Ang panahon ay pansamantalang lagay ng atmospera sa
isang lugar na maaring magbago ang bawat oras.
Ipinapakita nito ang kalagayan ng isang lugar na maaraw,
maulap, mahangin, maulan at bumabagyo.
Ang panahon sa isang bansa ay magkakaiba. Ito ay
nakadepende ng temperatura, ulan, hangin at ulap .
Ang Philippine Atmospheric Geophysical and
Astronomical Services Administration (PAG-ASA) ang ahensya
ng pamahalaan na namamahala , nag-aaral at nagbibigay
ng sapat, napapanahong impormasyon na may kaugnayan
sa lagay ng panahon.
Ang temperatura ay sukat ng kainitan o kalamigan ng
isang bagay. Gumagamit tayo ng thermometer o
termometro upang masukat ang antas ng init o lamig.
Sinusukat ang temperatura sa pamamagitan ng degree
Celsius(⁰C) na nasa kaliwa at degree Fahrenheit(⁰ F) na
nakasulat sa kanang bahagi ng thermometer.
Tumataas ang temperatura kapag mainit ang panahon
at bumababa naman kapag malamig ang panahon. Ang
sikat ng araw at hangin ay isang sanhi ng pagbabago ng
temperatura.
Ang anemometer ay ang instrument na ginagamit upang
masukat ang ihip at bilis ng hangin.
Pagyamanin

Gawain 2 –Pag-aralan Mo!


Pag-aralan ang talaan. Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.

1. Anong uri ng panahon ang naranasan noong Lunes?


A. maulan B. maulap C. mahangin
2. Kailan bumuhos ang ulan?
A. Hunyo 13, Linggo B. Hunyo 16, Miyerkules C. Hunyo 18, Biyernes
3. Ano ang temperatura noong Hunyo 13?
A. 36 ⁰C B. 30 ⁰C C. 24 ⁰C
4. Kailan nagkaroon ng pinakamababang temperatura?
A. Linggo B. Lunes C. Miyerkules
5. Kailan naman nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?
A. Biyernes B. Sabado C. Miyerkules

Isaisip

1. Ang panahon sa isang bansa ay magkakaiba. Ito ay


nakadepende sa temperatura, ulan, hangin at ulap .
2. Ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical
Services Administration (PAG-ASA)ang nagbibigay sa atin ng
ulat panahon.
3. Gumagamit sila ng iba’t ibang instrumento tulad ng
thermometer at anemometer upang maging tiyak ang mga
ulat panahon na kanilang ibibigay.

Isagawa
Panuto: Makinig o manuod ng ulat panahon sa darating na
Linggo. Isulat mo ang iba’t ibang panahon na matutukoy sa iba’t
ibang lugar sa ating bansa. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na lugar sa Pilipinas ang palaging
malamig ang temperatura?
A. Las Piñas B. Baguio C . Cavite

2. Masarap magswimming sa Boracay tuwing____.


A. tag-araw B. tag-ulan C. bumabagyo

3. Madalas makaranas ng pagbaha ang mga lugar na mababa


katulad ng Maynila tuwing____.
A. maaraw B. mahangin C.bumabagyo

4. Ito ay ginagamit upang masukat ang init o lamig ng isang


lugar.
A. wind vane B. thermometer C. telescope

5. Ang panahon ay _____________ dahil ito ay nakadepende sa


temperature, ulap, hangin at buhos ng ulan.
A. pare-pareho B. pabago-bago C. pataas o pababa
Mga Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit at kulayan ang bawat simbolo ng iba’t ibang uri ng


panahon. Gawin ito sa malinis na papel.

Week Mga Gawain at Pangangalaga

5 sa Sarili Mula sa Iba’t Ibang Uri


ng Panahon
Lahat tayo ay naaapektuhan ng panahon. Ang panahon ay
nakatutulong upang makapagplano sa mga iba’t ibang gawain.
Ngunit paano mo nga ba mapapangalagaan ang iyong sarili sa
iba’t ibang uri ng panahon?

Balikan

Panuto: Isulat ang T kung tamang konsepto ang isinasaad ng mga


pangungusap at M kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

____1. Ang panahon ay pabago-bago sa bawat oras.


____2. Ang PAG-ASA ay nagbibigay ng babala kung may
paparating na bagyo.
____3. Ang thermometer ang sumusukat sa bilis ng hangin
____4. Pare-pareho ang panahon sa buong mundo.
____5. Tumataas ang temperatura kung mainit ang panahon.
Tuklasin

Gawain 1 – Basahin Mo!


Panuto: Basahin ang comic strip at sagutan ang mga tanong sa
ibaba.

1. Ligtas ba sa pamilya ni Marion ang maglakbay?


___________________________________________________________
2. Kung ikaw si Marion, ano ang sasabihin mo sa iyong nanay?
___________________________________________________________
3. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung hindi nanood si
Marion ng ulat panahon sa telebisyon?
___________________________________________________________
4. Bakit mahalagang suriin ang ulat panahon bago ka
magplano ng anumang bagay para sa susunod na araw?
___________________________________________________________

Suriin

Marami sa iyong mga aktibidad o gawain ay nakadepende


sa panahon. Ang mga panlabas na damit na iyong isinusuot ay
nakadepende sa lagay ng panahon.
Sa panahon na may bagyo, ang mga eroplano at sasakyang
pandagat ay hindi pinapayagang lumipad at maglayag.
Kinakansela o ipinagpapaliban ang mga biyahe sa mga lugar
kung saan 31ah an ang bagyo.
Sa panahon ng tag-ulan, ang mga tao ay nag-iimbak ng
tubig-ulan para magamit sa mga araw na tagtuyot. Ang mga dam
ay nag-iimbak ng tubig para magamit ng mga tao. Tumataas ang
lebel ng tubig sa ilalim ng lupa tuwing tag-ulan at inihahanda ng
mga magsasaka ang kanilang mga bukirin para sa kanilang mga
pananim. Nagtatanim sila ng mga punla sa panahong ito.
Sa maaraw na panahon ,maraming pamilya ang pumupunta
sa beach o nagpipiknik sa labas at ang iba naman ay naglalakbay
sa panahong ito.
Mga Paraan Kung Paano Mapangangalagaan ang Sarili sa
Maaraw na Panahon
1. Magsuot ng maninipis at light-colored na damit. Piliin ang
mga koton na tela at magsuot ng sandals.
2. Gumamit ng payong o sombrero kapag lumabas ng bahay.
3. Magsuot ng sunglasses at sun block lotion upang maiwasan
ang sobrang liwanag at init ng araw.
4. Iwasan ang pagbibilad sa araw mula 10:00 ng umaga
hanggang 4:00 ng hapon. Iwasan ang mga akibidad o
gawain sa labas sa ganitong oras. Ang sinag ng ultraviolet
rays ng araw ay maaring sunugin ang iyong balat at
humantong sa pagkawala ng tubig ng iyong katawan.
5. Laging maghanda ng isang boteng tubig tuwing lalabas ng
bahay.
6. Piliin ang mga nakakapreskong o malalamig na pagkain.
Mga Paraan Kung Paano Mapangangalagaan ang Sarili sa
Maulan na Panahon
1. Magsuot ng makapal at dark-colored na damit upang
makaramdam ng init sa malamig at maulan na panahon
tulad ng dyaket, kapote, at long-sleeved shirt .
2. Gumamit ng payong, kapote, at bota kapag lalabas ng
bahay.
3. Iwasang maglaro sa labas ng bahay dahil maaari kang
magkasakit.
4. Kumain ng pagkain na nagbibigay ng enerhiya o pagkain na
mainit tulad ng sopas, lugaw, mainit na tsokolate, at iba pang
maiinit na pagkain.

Mga Paraan Kung Paano Mapangangalagaan ang Sarili sa


Tuwing may Bagyo
1. Manatili sa loob ng bahay. Magsuot ng wastong damit upang
maprotektahan ang iyong sarili.
2. Makinig sa mga tagubilin ng iyong mga magulang. Sundin
ang mga tagubilin sa panahon ng isang paglikas.
3. Manatiling kalmado. Huwag mag-panic.
4. Mag-imbak ng sapat na pagkain , inumin, gamut at baterya
para sa flashlight at radio.
5. Huwag subukang lumabas kapag malakas ang hangin at
may baha.
6. Patayin o i-switch off ang kuryente kapag may malakas na
hangin at may 32ah ana sa loob ng bahay.

Pagyamanin

Gawain 2 – Pag-aralan Mo!


Panuto: Pag-aralan ang mga larawan at punan ang talahanayan
sa ibaba.

A B C

D E F
Pangalan Uri ng panahon Paano mapangangalagaan
ng bagay ang sarili gamit ang mga nasa
larawan
A
B
C
D
E
F

Isaisip

1. May iba’t ibang paraan upang mapangalagaan ang ating


sarili mula sa pabago-bagong panahon.
2. Magsuot ng mga kasuotan at kumain ng mga pagkain na
naaayon sa panahon.
3. Makinig sa radio o manood ng telebisyon upang malaman
ang ulat panahon.
4. Unahin ang kaligtasan ng pamilya lalo na sa panahon ng
kalamidad.

Isagawa

Panuto: Pumili ng isang uri ng panahon at pagkatapos ay iguhit


kung paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili mula sa
ganitong uri ng panahon. Kulayan at lagyan ng pamagat.
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Narinig mo sa radyo na may paparating na bagyo ngayong
hapon, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Matulog ng buong araw.
B. Ilabas ang bisikleta at maglaro.
C. Manatili sa loob ng bahay at makinig sa balita.
2. Anong uri ng panahon maaaring magsuot ng maninipis at
light-colored na damit?
A. maulan B. maaraw C. Bumabagyo
3. Umuulan sa labas ngunit kailangan mong sunduin ang iyong
kapatid. Ano ang dadalhin mo?
A. sapatos B. tsinelas C. payong

4. Bakit kinakailangang magpayong o magsuot ng sombrero


kapag lumabas ng bahay tuwing maaraw na panahon?
A. upang payagan ka makalabas ng bahay
B. upang maprotektahan ang sarili sa sikat ng araw.
C. upang hindi makilala ng mga kapit-bahay

5. Nakatanggap ka ng mensahe galing sa iyong kaibigan at


niyayaya ka niya na maglaro sa labas kahit malakas ang ulan.
Ano ang gagawin mo?
B. Tatakas para samahan ang kaibigan
C. Isama ang iba pang kaibigan
D. Pigilan ang kaibigan na maglaro sa labas

Mga Karagdagang Gawain


Panuto: Sumulat ng mga gawain na maaari mong gawin tuwing :
Maaraw Maulan
1.____________________ 1. ____________________
2.____________________ 2. ____________________
3.____________________ 3.____________________

Week
Mga Bagay sa Kalangitan
6
Nasubukan mo na bang obserbahan ang kalangitan kung
ano ang iyong maaaring makita tuwing araw o gabi? Naisip mo
na rin ba kung bakit may mga bagay na makikita lamang kung
araw at mayroon namang makikita lang kung gabi?

Balikan
Panuto: Isulat ang T kung ang konsepto ay nagsasabi ng tamang
paraan upang mapangalagaan ang sarili mula sa mga epekto ng
mga uri ng panahon, M naman kung mali ang konsepto.
_____1. Mag imbak ng pagkain kung narinig na sa radyo na may
paparating na bagyo.
_____2. Magsuot ng maninipis na damit sa bahay sa maaraw o
mainit na panahon.
_____3. Magsuot ng dyaket o kapote kapag pumasok sa paaralan
tuwing maaraw na panahon.
_____4. Sundin ang mga tagubilin ng mga magulang tuwing may
bagyo.
_____5. Magbisikleta sa labas kasama ang mga kaibigan tuwing
tag-ulan.

Tuklasin

Gawain 1: Sa Pula, Sa Berde


Pamamaraan: Kulayan ng pula ang larawan kung ito ay
natural na bagay at berde naman kung ito ay di natural
na bagay na makikita sa kalangitan.

1. ibon 2. eroplano

3. buwan

4.satellite 5. Ulap

Suriin
Maaari tayong makakita sa kalangitan o sa kalawakan ng
mga natural na bagay. Ang natural na bagay ay ang mga bagay
na likha ng Diyos gaya ng araw, buwan, bituin, ulap, mga planeta
at mga ibong lumilipad. Samantala, ang mga di natural na bagay
ay ang mga bagay na likha ng tao gaya ng eroplano, helicopter
mga lumilipad na saranggola, lobo at iba pa.
Masisilayan ang ganda ng bituin tuwing sasapit ang gabi at
nawawala naman ang araw. Ang araw ay mas makikita kapag
umaga, tanghali at hapon. Nagkakaroon naman ng araw at gabi
dahil sa tinatawag na rotation. Ang rotation ay ang pag-ikot ng
mundo sa araw. May mga bahagi ng mundo na natatamaan ng
sikat ng araw kung kaya’t maaraw sa mga bahaging iyon ng
mundo at ang bahagi naman na hindi natatamaan ng sikat ng
araw ay nakararanas ng gabi.
May mga gawain na ginagawa tuwing araw at may mga
gawain din naman na maaari nating gawin tuwing gabi. Katulad
ng paglalaro ng bola at pagpapalipad ng saranggola, ito ay
madalas ginagawa tuwing araw, maaari din tayong mamasyal at
mag-aral samantalang tuwing gabi masarap magbilang nang
mga bituin sa langit kasama ang mag-anak at tayo ay mahimbing
ding natutulog. May mga gawain din nman na maaaring gawin
pareho, tulad ng panonood ng telebisyon , pagdarasal at iba pa.

Pagyamanin

Gawain 2: Iguhit Mo
Panuto: Iguhit ang kung ang larawan ay maaaring
gawin sa araw. Iguhit ang kung ang larawan ay maaaring
gawin sa gabi. Iguhit naman ang kung ang gawain ay
maaaring gawin pareho.

1. 2.

3.

4. 5.
Isaisip

1. Makikita sa kalangitan ang mga natural at di natural na


bagay tulad ng buwan, araw, ibon, eroplano, helicopter,
saranggola, lobo, at iba pa.
2. Nagkakaroon ng gabi at araw dahil sa rotation o sa pag-ikot
ng mundo sa araw .
3. May mga gawain na maaaring gawin sa araw tulad ng
paglalaro at pag-aaral. May mga awain na maaaring gawin
sa gabi tulad ng pagtulog. Mayroon din naming mga gawain
na maaaring gawin sa araw at gabi tulad ng pagsisipilyo at
pagdarasal.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang maaari


mong gawin sa araw at gabi. Gawin ito sa isang buong papel.

________________________________ ______________________________
_________________________________ _______________________________
_________________________________ _______________________________
_________________________________ _______________________________
_______

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Pagkatapos kumain ikaw ay magsisipilyo, ang pagsisipilyo ay


maaaring gawin sa ________________.
A. gabi B. araw C. araw at gabi

2. Ang eroplano at saranggola ay ilan lamang sa mga __________


na bagay na makikita sa kalangitan.
A. natural B. di natural C. likas
3. Ang _____ay maaaring makita sa gabi.
A. araw B. buwan C. bahaghari
4. Ano ang maaari ninyong gawin pagkagising?
A. magdasal B. magsayaw C. maglaro
5. May mga natural na bagay na maaaring makita sa umaga na
hindi natin maaaring makita sa gabi.
A. tama B. mali C. siguro

Mga Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang poster o ng photo collage ng mga


gawain na maaaring gawin sa araw at gabi. Gawin ito sa bond
paper.

Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Arthur DC, et al., 2019. Science 3.5218-A Que Grande St. Ugong,
Valenzuela
City: BLOOMBOOKS, Inc.

Arthur DC, et al., 2019. Teacher’s Guide.5218-A Que Grande St.


Ugong,
Valenzuela City: BLOOMBOOKS, Inc.

Science 3 ADM 4th Quarter SY 2020-2021

You might also like