Posisyong Papel Tungkol Sa Death Penalty

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Posisyong Papel Tungkol sa Death Penalty

I.
Ang death penalty ay isang uri ng capital punishment na ang ibig
sabihin ay ang pagpataw ng parusang kamatayan sa taong napatunayang
guilty o may sala sa nangyaring krimen. Ito ay isang malupit at hindi
makataong parusa. Ang amnestiya naman ay kabaliktaran ng parusang
kamatayan sa lahat ng aspeto, maging sa kung sino man ang akusado, ano
ang nagawang krimen, at kung inosente man o may sala. Isinasaad sa
amnestiya na ang death penalty ay nilalabag ang karapatang pantao,
lalo na ang buhay at ang karapatang mabuhay nang malaya sa pasakit at
kalupitan.
Mahalagang pag-usapan ang death penalty dahil ito ay magbibigay
kamalayan sa maraming tao kung dapat ba itong ibalik sa Pilipinas o
hindi. Ang pag-uusap sa bagay na ito ay magmumulat sa mga malalabag na
karapatang pantao. Kasama na rito ang pagiging edukado ng mga tao sa
kawalan ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa ating bansa.
Hindi ako sang-ayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan dito sa
Pilipinas dahil ito ay malupit at ito rin ay paglabag sa karapatang
pantao.
Ayon sa The Pinoy Site, drugs, gun-for-hire killings, murder,
rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of terrorism at
malversation of public funds- ito ang mga lumalalang krimen sa lipunan
natin. Ito rin ang mga problemang ipapamana natin sa ating mga anak.
Subalit para sa lahat ng krimen na ito ay may isang kandidatong
solusyon. Ito ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.
Ayon naman sa isang hari sa Babylonya noong unang panahon, “An
Eye for an Eye”. Dapat lamang daw na patawan ng parusang kamatayan ang
mga taong nakagawa ng mabibigat na kasalanan tulad ng panggagahasa,
pagpatay ng kapwa tao, treason o pagtaksil sa bayan, at pagbenta ng
ilegal na droga.
Ngunit bakit nga ba kailangang ibalik ang death penalty sa
Pilipinas? Ito ay dahil kailangan ng pamahalaan na maging mahigpit
laban sa krimen. Maraming Pilipino ang sang-ayon na ang paggawa ng
krimen ay masama at dapat itong ipagbawal. Ang pagbalik ng parusang
kamatay ay isa raw praktikal na solusyon upang mapababa ang bilang ng
krimen sa bansa.
Walang epekto ang death penalty sa pagbaba ng krimeng homicide sa
ibang bansa tulad ng Japan. Indikasyon ito na sa halip na ipatupad ang
death penalty ay tukuyin muna ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng
krimen.
Maraming masamang dulot ang death penalty sa bansa at sa
mamamayan nito. Isa na rito ay hindi na maibabalik pa ang buhay ng
inosenteng tao kapag ito ay naihatol na sa kanya. Isang halimbawa nito
ay ang kaso ni Willingham noong 2004 sa Texas. Hinatulan siya ng
parusang kamatayan dahil sa pagsunog ng sariling bahay na nagresulta
sa kamatayan ng kanyang tatlong anak. Ngunit napatunayang hindi siya
ang salarin matapos ang kanyang pagkamatay, at dahil sa kaso na ito ay
napatunayang maaaring may inosenteng tao ang madamay lalo na sa ating
bansa na ang hatol na ibinibigay sa mga kriminal ay hindi patas.
Malinaw na ang death penalty ay hindi sagot sa patuloy na pagtaas
ng krimen sa bansa. Ang magandang dulot nito ay walang katibayan at
ang magagandang epekto ay hindi malinaw. Sa halip na ibalik ito at
muling ilathala sa ating konstitusyon, dapat na pagtuunan ng pansin ng
gobyerno ang mga dahilan kung bakit ginagawa ang krimen.
Ang parusang kamatayan ay hindi solusyon at hindi kailanman
magiging solusyon sa usaping krimen sa bansa. Tandaang ang buhay ng
tao ay higit pa sa kanyang kasalanan, hindi likas sa tao ang pagiging
masama. Sa halip na iudyok sila sa kapahamakan at kamatayan, sa oras
na sila ay namamali ng landas, piliin nating tulungan sila na
makabalik sa kanilang mabuting paroroonan. Ang dapat na puksain ay ang
krimen at mga dahilan nito, at hindi ang mga kriminal.

You might also like