Gawain 1-Pananaliksik - Manalo, Johndel Garcia

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Manalo, Johndel Garcia FILIPINO 2

BSME October 17, 2023


Gawain 1: Pananaliksik
CHED Memorandum Order No. 3 Series of 2013.

Ang CHED Memorandum Order No. ay nagsasaad ng pag-alis ng subjek na


Filipino sa kolehiyo at ang hindi paggamit ng wikang Filipino bilang paraan ng
pagtuturo. Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo ako ay hindi sang-ayon sa
memorandum na ito sapagkat ang wikang Filipino ay ang ating pambansang wika
kaya hindi dapat ito alisin at patuloy parin ituro sa kolehiyo. Bilang isang mag aaral sa
kolehiyo nakikita ko na malaki ang maitutulong ng ating pambansang wika sa aming
pag aaral dahil dito e mas mapapadali ang aming mga lektsur at mga talakayin sa
bawat asignatura. Nagpapakita din ito ng pagmamahal sa sarili nating wika

Ang wikang Filipino sa unibersidad ay kumakatawan sa ating


pagpapahalaga na ang buhay natin bilang isang bansa para hubugin ang
mga kaisipan ng mga kabataan at mga matatanda na nasa kapangyarihan sa
sistema ng edukasyon. Tila nakaligtaan ng memorandum na ito na wika ang
kailangan ng mga tao upang lubos na makilala ang kanilang sarili at pagkakakilanlan
nang hindi tuluyang madala sa mabilis na agos ng globalisasyon. Paano natin
makikilala at mamahalin ang sariling kultura kung mismong Filipino hindi
natin pinag-aaralan. Ang kultura ay siyang nagpapaandar sa wika, at wika ang
nagpapatakbo sa bayan. Huwag itong tanggalin bagkus ito ay dapat linagin

At bilang isang mamayan ng ating bansang Pilipinas huwag natin ikahiya ang ating
sariling atin bagkus itoy ating ipagyabang na mayroon tayong nagagamit at mayroon tayong
pagkikilanlan. Patuloy natin itong palawakin at gamitin sa iba’t-ibang aspeto ng ating
pamumuhay.

You might also like