Pag Unlad NG Wika Cory Aquino-Kasalukuyan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1986

Proklamasyon Bilang 19
Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang
Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na
nagbunsod sa bagong pamahalaan.

1987
Konstitusyon ng Pilipinas 1987, Artikulo XIV Seksyon 6-7
Sek. 6: Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinlang. ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika
Sek. 7: Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.
Sek. 8: Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Sek. 9: Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod
ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili.

Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino


Ipinalabas ni Kalihim Quisumbing na nagpapakilala sa “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino” na binuo ng LWP. Ayon sa dokumento, ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik na ganito
ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z.

Kautusan Bilang 52 (1987)


Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga
paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.

1988
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 335
Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/kawanihan/opisina/ehensiya at instrumentaliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na
transaksyon, komunikasyon at korespondensiya.

1989
Kautusang Pangkagawaran Bilang 84

Pag uutos sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 33 na
pagtatagubilin sa lahat ng departamento at ahensya na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon at komunikasyon.

1990
Kautusang Pangkagawaran Bilang 21
Pagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa
bayan natin.

1991
Batas Republika Bilang 7104
Kilala sa tawag na Batas na Komisyon sa Wikang Filipino (Commission on the Filipino Language Act),
nilalayon ng batas na ito ang pagpakilala at pagpapanatili ng ating wikang Filipino.

1992
Resolusyon Bilang 92-1
Ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba
pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

1996
Memorandum Bilang 59
Pinalabas ng CHED and Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa
Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa
Filipino 1, 2, at 3.

1997
Proklamasyon Bilang 1041
Proklamasyon Blg. 1041 nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang buwan ng
wikang pambansa.

2001
2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon
ng Wikang Filipino ng 2001 Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
(Kautusang Pangkagawaran blg. 45). Walang naganap na pagbabago sa mga alpabeto ngunit may mga
tuntuning binago hinggil sa paggamit ng walong dagdag na letra.

2006
Kautusang Pangkagawaran Bilang 42
Nagkaroon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 42 napansamantalang nagppatigil sa implementasyon ng
2001 Revesyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino dahil sa naganap na kalituhan
hinggil dito. Nagtakda ng pansamalantalang paggamit at pagsangguni sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa
Ispeling habang ang KWF ay nagsasagawa ng mga koultasyon at pag-aaral hinggil dito.

2008
Pinal na Burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa
Ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa na ang pinagbatayan ay
1987 Patnubay sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling upang matapos na ang pagkalito sa maluwa na
paggamit ng walong dagdag na letra ng 2001 Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.

2009
Ordinansa blg.74
Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o Multilingual Language Education (MLE).
(Nauna rito, may inilahad na bersyon ang ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang Kapulungan na
House Bill No. 3719-An Act Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program and for other
Purposes sa pamamagitan ni Hon. Magtanggol T. Gunigunido.)
2013
Kautusang pangkagawaran Blg.34
Agosto 14, 2013 - Inilabas ang Kautusang Pangkagawaran Blg.34 (DO 34, s. 2013) kung saan sumailalim
ang KWF sa masusing pag-aaral ng mga nagdaang ortograpiyang Filipino, na naging daan upang mabuo
ang Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino na may pamagat na Ortograpiyang Pambansa.

2014
Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
Alinsunod sa ipinatupad ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 20,
Series of 2013 na pag-aalis ng asignaturang Filipino, Panitikan, at Philippine Government and
Constitution sa kolehiyo, itinatag ang Ang Tanggol Wika o Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang
Filipino noong 2014 sa DLSU kung saan ang mahigit 300 katao ay nagkakaisa sa pagtutol sa naturang
batas.

2017
House Bill 5091
Tahasang pinaslang ang wikang Filipino bilang wikang panturo ng House Bill 5091 o “AN ACT TO
STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN
THE EDUCATIONAL SYSTEM”, matapos ihain ang patakaran nitong pangwika kung saan 70% ng
wikang Ingles ang 30% wikang Filipino ang salitang gagamitin sa talakayan sa klase.

2018
RA 11106
RA 11106: Ang Batas ng Filipino Sign Language Seksyon 2. Pahayag ng Polisiya.— Ang Estado ay
dapat, alinsunod sa Konbensiyon ng Nagkakapantay na Karapatan para sa mga Taong may Kapansanan
ng United Nations, magtaguyod, magprotekta, at tiyakin ang buong at pantay na pagpapamalas ng lahat
ng karapatan ng tao at pangunahing kalayaan ng mga taong may kapansanan.

2019
Ugnayan Ng Unesco (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) sa Pambansang
wika Ng pilipinas

Sa konteksto ng Pambansang Wika ng Pilipinas, ang UNESCO ay maaaring makipagtulungan sa mga


proyektong nagtataguyod ng multilingualismo, pangangalaga sa wika, at pagpapayaman sa kultura. Ito ay
maaaring isagawa sa pamamagitan ng mga proyektong pang-edukasyon, pagsasaliksik, at iba pang mga
aktibidad na nagtataguyod ng pag-unlad at pangangalaga sa wika at kultura ng isang bansa.

(Batay sa kwf)
Ilan sa mga itinuturing nang patay ay: Inagta Isarog sa Naga, Camarines Sur; Ayta Tayabas sa Quezon;
Katabaga sa Bondoc Peninsula, Quezon; Agta Sorsogon sa Prieto Diaz, Sorsogon; at ang Agta Villa
Viciosa sa Abra.

May ilang katutubong wika rin kakaunti na lamang ang gumagamit tulad ng: Arta sa Quirino; Inata sa
Negros Occidental; Alta Kabulowan sa Nueva Ecija; Alta sa Aurora; at ang Inagta Iraya sa Buhi,
Camarines Sur.

(Batay sa UNESCO)

Critically Endangered:
Ayta Abellen
Ayta Mag-Indi
Katabaga

Severely Endangered:
Ambala Ayta
Isarog Agta
Yagwoia

Definitely Endangered:
Arta
Central Cagayan Agta
Dupaninan Agta

Bakit ba namamatay/ nawawala ang Isang wika

→Mangyayari ito kung hindi na ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito ng linggwistikang
komunidad na dating gumagamit nito.

→ Maaari ring mamatay ang wika kapag marami nang tao ang nandayuhan sa isang lugar at napalitan ng
ng mga salita dala nila ang mga dating salita sa lugar.

2023
Pag tanggal sa MTB Subject
Sa likod ng plataporma ng Talaytayan ang pagpapatuloy ng Cordillera Advocates for Real Education sa
pagkilos para tanggalin na ang MTB-MLE sa kasalukuyang kurikulum ng DepEd sapagkat, taliwas sa
pinatutunayan ng IMLCF, ay nakasisira lamang ito umano sa pag-aaral ng mga siyentipikong sabjek.

Ibinatay nila ang kanilang posisyon sa resulta ng 2019 Trends in International Mathematics and Science
International Student Assessment Test kung saan muling nangulelat ang Filipinas sa ranking ng mga
karatig-bansa sa pagbasa, matematika, at agham at teknolohiya.

Wala pang malinaw na pag aaral na mas ikagaganda ng kalidad ng pag aaral ang pag tanggal sa MTB
MLE. Ngunit sabi ng Antonio D. Igcalinos, Pangulo ng 170 + Talaytayan na hindi makatutulong sa bata
ang sapilitang pagturo ng Ingles at Tagalog. Sinabi rin nila na mas mainam na palakasin ang MTB MLE
kaysa tanggalin ito

Ayon naman kay Jonathan Geronimo guro sa Filipino sa UST at miyembro ng Tanggol wika masyadong
nakaasa ang kurikulum sa Ingles kaya’t hindi umuusad ang sistema ng edukasyon sa bansa

Linguistic Society of the Philippines na mas madaling matuto ang mga bata kung ituturo ang mga
konsepto gamit ang mother tongue o una nilang wika.

You might also like