Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION

Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte

Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

INTRODUCTION

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang

maiksing salaysay tungkol sa isang mahalang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag
iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa ayon kay Edgar A. Rosario ang tinaguriang ‘’ama
ng maikling kwento tagalog’’ na aktwal na naganap o maaaring maganap.
Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng
may akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nagiiwan ng isang
kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan
lamang at iilan lamang ang mga tauhan.
https://www.coursehero.com/file/50545776/introduksyon-finaldocx/

SAQ 1
Ano ang Maikling Kwento base sa iyong pagkakaunawa?

_________________________________________________________________________________________

OBJECTIVES

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 natutukoy ang kahulugan ng pagbasa;

 nauunawaan ang katuturan ng Maikling Kwento;

 nabibigyang pansin ang mga bahagi ng Maikling Kwento;

 nakapagsasalaysay ng Maikling Kwentong nabasa.

1|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

REVIEW OF
PREREQUISITE

Ano ang pakahulugan sa iyo ng pagbasa?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Ano ang madalas na napupulot o nakukuha ng mga mamababasa sa Maikling Kwento?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

CONCEPT MAP

BAHAGI NG MAIKLING KWENTO

PANIMIL
GITNA WAKAS
A

2|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

PAGBASA
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pagbasa-kahulugan-kahalagahan-paraan-proseso/

Ang pagbasa ay sistematikong proseso ng pagkilala at pag-unawa sa mga nakalimbag na titik o simbolo.
Sa gawaing ito, ang mensaheng nais iparating ng manunulat ay inuunawa at binibigyan ng interpretasyon
ng mga mambabasa. Sa pagbasa, kumukuha tayo ng impormasyon at ng kahulugan mula sa mga
sagisag na nakikita ng ating mga mata.
Ang pagbasa ay nagiging tulay upang magkaroon ng komunikasyon ang awtor sa kanyang mga
mambabasa at maibigay ang kanyang nais ipahiwatig.
Ayon sa Webster Dictionary, ang pagbasa ay gawain ng isang taong bumabasa ng aklat at iba pang mga
sulatin. Ito ay kinakailangan ng pag-unawa sa binabasang aklat o mga sulatin, maging sa nakasulat sa
mga bagay.
Ayon naman kay Frank Smith, awtor ng Reading Without Non Sense
(1997), ang pagbabasa ay ang pagtatanong sa nakasulat na teksto, at ang pag-unawa sa teksto ang
magsisilbing sagot sa iyong mga tanong.

Kahalagahan ng Pagbasa
Mahalagang matutunan ang kasayahan ng pagbasa. Makakatulong ito upang mahubog ang ating
kaalaman at makakuha ng makabagong impormasyon. Ang ilan pa sa kahalagahan ng pagbasa ay ang
sumusunod:
1. Nagdadagdag ng kaalaman – Sa pagbabasa, nakakakuha tayo ng bagong kaalaman. Dagdag pa,
nakakatuklas tayo ng mga impormasyon na hindi pa natin alam.
2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan – Napapaunlad din ng pagbabasa ang
ating likas na kaalaman. Nakakatulong ito upang mapalago ang ating bokabularyo, bunga nito, mas
gagaling pa tayo sa iba pang kasanayan tulad ng pagsasalita at pagsulat.
3. Nakararating sa mga pook na hindi pa narating – Naniniwala ka ba na sa pamamagitan ng pagbasa
ay maari kang makapaglakbay sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan? Sa tulong ng pagbasa,
napagagana nito ang ating malawak imahinasyon at tila ba nailalagay natin ang ating sarili sa lugar kung
saan nais tayong dalhin ng may akda.
4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan – Sa tulong ng pagbasa, nalalaman natin ang tama at mali.
Natututo tayong maging mapanuri at nalalaman natin ang mga dapat ipaglaban.
5. Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon – Katulad din ng pagkuha natin ng kaalaman, tayo
ay nakakakuha ng mahahalagang impormasyon sa pagbabasa. Ang halimbawa ng mga impormasyong
ito ay impormasyon tungkol sa nangyayari sa paligid at mga impormasyon tungkol sa akademiko.
6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin – Hindi lang impormasyon ang pwede nating
makuha sa gawaing ito. Maari din itong maghatid sa atin ng aliw sa tuwing tayo ay nalulungkot at may
mabigat na nararamdaman. May mga babasahin din na nagbibigay ng hakbang upang makatulong sa
pagresolba ng mga problema.
7. Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig.

Ang Dalawang Paraan ng Pagbasa

Ang dalawang paraan ng pagbabasa ay ang tahimik at malakas na pagbasa.
1. Tahimik na pagbasa – ito ay paraan ng pagbasa kung saan mata lamang at isipan ang ginamit. Sa
paraang ito, hindi kinakailangang bumuka ang bibig. Maituturing itong pansariling pagbabasa at ang
layunin nito na maunawaang mabuti ang binabasa.
2. Malakas na pagbasa – Isinasaalang-alang naman sa paraang ito ang mga tagapakinig. Ginagamitan ito
ng bibig para mabigkas ang binabasa.

Proseso ng Pagbasa
Nagbigay si William S. Gary (Ama ng Pagbasa) ng apat na proseso ng pagbasa. Ito ay ang sumusunod:
Ang pagkilala sa akda (Persepsyon)
Ang pag-unawa sa binasa (Komprehensyon)

3|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang pag-uugnay ng kaisipan mula sa binasa (Asimilasyon)
Pagbibigay ng reaksyon sa binasa

SAQ 2

Ano ang kahalagahan ng pagbasa?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Ano ang Maikling Kwento?

https://scribddown.com/download/284929383/maikling-kwento

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito
ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring hango ito
sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na
hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
Kalikasan at Kasaysayan ng Maikling Kwento
https://scribddown.com/download/284929383/maikling-kwento

 Anumang salaysay, nakalimbag man o hindi. (U.P. Diksyunaryong Filipino, 2001)

 Maikling salaysay ang maikling kwento.
 Deogracias Rosario, kinilalang “Ama ng Maikling Kwento”.

Ang Maikling Kuwento at ang Tradisyong Oral sa Panitikan

Tatlong paniniwala sa kalikasan ng tradisyonal na maikling kwento (Edgar Allan Poe)
1. Maikli lamang ito at nababasa sa isang upuan.
2. May binubuong banghay ukol sa isang protagonista o pangunahing tauhan
3. May nilalayon upang makalikha ng isang kakintalan.

Kwentong Bayan o Sinaunang Salaysay

 Nasa anyo ng oral o pasalitang pamamaraan

Panitikang-bayan
 Anyo ng pagsasalaysay na sinaunang anyo ng sining.
a. Alamat

4|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

b. Mito
c. Pabula
d. Epiko
e. Kwentong bayan
Bago pa man naging matatag ang maikling kuwento, may pagtatangka na para mabigyanghugis ang
nasabing-anyo.
1. Exemplum o ejemplo (R.C. Lucero, 1994)
2. Cuadro
3. Dagli (1902) o pasingaw (Teodoro Agoncillo, 1965)
4. Pinadalagan o binirisbis (Bisaya)
5. Instantea o Rafaga ( manunulat sa Wikang kastila)
Dagli - Ayon kay Patricia Melendrez-Cruz, ang unang anyo ng maikling kwentong Tagalog, lumitaw sa
unang dekada ng pananakop ng Amerika sa mga makabayang pahayagan.

Ang Maikling Kuwento Bilang Pamanang Kolonyal

https://scribddown.com/download/284929383/maikling-kwento
Ang modernong maikling kwento ang “pinakabuso sa mga anyong pampanitikan sa bansa.
Ayon kay Rolando Tolentino (2000), ipinakilala ang anyong ito sa pampublikong edukasyong itinaguyod
noong panahon ng Amerikano.

Dalawang Modelo ng Pagsulat ng Maikling Kuwento (Rolando Tolentino)

1. Guy de Maupassant, paglalagay ng pihit (twist) sa resolusyon ng kuwento at ang paraan ng
pagsalaysay na eksternal na aksyon.
2. James Joyce, paglikha ng tahimik na yugto ng pagkamulat sa wakas ng kuwento.
Ambag ni E. M. Forsters, ang konsepto ng tauhan batay sa pag-unlad nito sa kuwento.
1. Flat character ( estereotipo at pasibong tauhan)
2. Round Character ( dinamiko at aktibong tauhan)
3. Kwentong may katutubong kulay, naglalahad sa mga katangian, kakintalan at pagtangi sa isang isang
tiyak na lokalidad at sa mga mamamayan nito.
Ambag naman nina Nathaniel Hawthorne, Herman Melville, at Henry James ang pagdidiin sa mga bagay
na subhetibo at pangangapa sa mga haka imbes sa kilos o aksiyon sa banghay.
Kay Ernest Hemingway, ang mga detalye ng realidad na may kahalagahan at kaangkupang pisikal.
Kay George Eliot, ang matukoy ang kasangkapang foreshadowing o pahiwatig.
Si Emile Zola, ang lunan ay nararapat humulma sa kilos, gawi at pag-iisip ng mga tauhan.
Gustave Faubert, nakabatay sa lunan ang kabuuang daloy ng kuwento.
“Dapat ikahiya ang bumabatis ba luha sa panitikan”
“Senyal ito ng di-madisiplinang simbuyo nng damdamin” ( Valery at T.S. Eliot)
Ambag ni O. Henry , ang pinakagamiting nakagugulat na paksa.
May sinusundang pormula ng didaktisismo, sentimentalismo, at melodrama ang maikling kwentong
nalalathala sa komersyal na magasin.

Mga Uri ng Maikling kwento

https://scribddown.com/download/284929383/maikling-kwento
• Batay sa layunin ng pagkakasulat ng kwento
• Batay sa mga bilang ng mga salita
• Batay sa pamamaraan ng pagkakasulat
• Batay sa tiyak na mambabasa ng mga kuwento
1. Batay sa layunin ng pagkakasulat ng kwento
 Pampanitikang Kuwento (Literary Fiction) -kwentong isinulat alang-alang sa kasiningan.
MGA KATANGIAN NG PAMPANITIKANG KUWENTO:
1.Orihinal na ideya
2. Mainam na pagkakasulat

5|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

3. Inobasyon sa wika
4. May natatangiang estilo sa pagkukuwento
5. Pagtalakay sa mga napapanahong usapin
6. Paglalaro sa anyo o tradisyonal na banghay
7. Walang pangingimi at pangahas sa pagpili ng paksa
8. May katimpian ng emosyon sa loob ng teksto
9. Paggamit ng sariwang simbolo at talinghaga
10. Bumabaklas sa pormula o gasgas na banghay

PAMPANITIKANG KUWENTO na nalathala sa mga pahayagan at publikasyong pang-unibersidad:

1. Literary Apprentice ( U.P. Writer’s Club)
2. Philippine Collegian (Unibersidad ng Pilipinas)
3. Quezonian ( Manuel L. Quezon University)
4. The Dawn ( University of the East)
5. Varsitarian (Unibersidad ng Santo Tomas)
6. Malate (De La Salle University)
7. Heights ( Ateneo de Manila University)

2. Batay sa layunin ng pagkakasulat ng kwento

 Komersyal na Kuwento (Commercial Fiction) -kwentong nilikha alang-alang sa negosyo o komersyo -
baduy, basura at bakya
LATHALAIN O MAGASIN NA NAGTATAGLAY NG KOMERSYAL NA KUWENTO:
1. Bulaklak
2. Ilang-ilang
3. Liwayway
4. Bannawag (Iloko)
5. Hiligaynon ( Ilonggo)
6. Bisaya (Sebuwano)
Ayon ka Soledad Reyes, maituturing na komersiyal na kuwento ang mga komiks, nobelang romansa,
erotiko, pornograpiko, kababalaghan o pantasya at katatakutan.
Anyo ng Komersyal na kuwento:
1. Kababalaghan
2. Misteryo
3. Krimen
4. Thriller
5. Kathang siyensya
6. Romansa
7. Kathang pambabae o chick lit

3. Batay sa mga bilang ng mga salita

 Flash Fiction (sudden fiction, micro fiction, short short fiction at post card fiction)
 1000-2000 salita
 200-1000 salita
 75-100 salita (Flash what? A Quick look at Flash fiction, Jason Gurley)

Kwentong paspasan o maikling-maikling kwento - Magkintal ng gulat o takot sa mambabasa sa

mabilis na paraan (Merriam Webster’s Reader’s Handbook, 1997. Sa wikang ingles nagtatampok ng flash
fiction ang pinamagatang “Fast Food Fiction”
- Payo ni G. W. Thomas, sa kanyang artikulong “The Quick, Sharp Stroke: Writing Micro Fiction,” dapat
iwasan ang labis na paglalarawan. Dagdag ni Thomas, gumamit ng pandiwa at limitahan lamang ang
paggamit ng pang-uri.
Karaniwang Maikling Kwento

6|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 2000-7500 salita lamang
 10, 000 salita
 30, 000 salita
 10- 25 pahina sa Carlos Palanca
 mababasa ito sa isang upuan lamang Philosophy of Composition, edgar Allan Poe.
 7500-17 500 salita sa nobleta
 17, 500-60,000 salita sa nobela
 60, 000 salita
 80,000- 100,000 salita

4.Batay sa pamamaraan ng pagkakasulat

 Natukoy ni Teodoro A. Agoncillo (1965) ang batay sa pamamaraan o teknik na pinili ng kuwentista.
1. kuwentong pangkatutubong kulay
2. kuwentong makabanghay
3. kuwentong makakaisipan
4. kuwentong makakapaligiran
5. kuwentong makatauhan

5. Batay sa tiyak na mambabasa ng mga kuwento

Ayon kay Maria Elena Paterno, ang mga kwentong pambata, ang katangi-tanging anyo na
binibigyang-depinisyon ng mambabasa. Ang mga nakasulat o nakalimbag na maikling kwento ay para sa
may-edad na.
Dalawang Sangay ng kuwentong Pambata
1. Maikling kathang pambata
2. Kwentong pangkabataan

SAQ 3

Bakit mahalagang pag-aralan ang Maikling Kwento?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Bahagi ng Maikling Kwento

https://scribddown.com/download/284929383/maikling-kwento
1. Simula
 Tauhan - sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa.
 Tagpuan - lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan
naganap ang kuwento.
 Suliranin - kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2.Gitna

7|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
 Ang tunggalian - kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa
mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.
 Kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. - Pinakamahalagang bahagi ng kwento - Dito
nagaganap ang pinakamatinding problema.
3.Wakas
 Kakalasan - nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari
sa kasukdulan.
 Katapusan - kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo
o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento
para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring
kahinatnan ng kuwento.
Pagsulat ng Panimula at Wakas
https://scribddown.com/download/284929383/maikling-kwento
1. Sa Isang Tanong
 Tiyakin na ang sagot ay magiging isang sorpresa sa mamababasa. Ang mga sagot ay nasa katawan ng
katha, ang wakas ang magbibigay ng buod na kasagutan.
Halimbawa:
Panimula: Bakit ba ang alaala ng isang dyaket ay nagbibigay ng matinding kalungkutan sa akin?
Wakas: Hindi ba malungkot isipin na ang yakap na pinangulilahan ko sa aking ina, sa gulang na limang
taong gulang ay ipinadama lamang noon, ng dyaket na suot ko?
2. Isang Sipi
 Nagbibigay agad ng tinig sa isang katha. Ingatan lamang na mawala ka sa daloy ng pagkukuwento. Maari
ka ring gumamit ng sipi sa iyong wakas.
Halimbawa:
Panimula:
“Maaring makita mo ang iyong mommy ngayon, kaya magmadali ka, pupunta tayo sa Makati, para maibili
siya ng isang damit bago tayo magtungo sa sanitarium. Iuuwi na natin siya. Baka maisuot niya iyon sa
Linggo ng Pagkabuhay”
Wakas:
“Hindi natin siya masusundo ngayon at kahit na rin sa Linggo ng Pagkabuhay; at sa lahat ng mga araw
na wala siya, ako ang titingin sa inyo, huwag kayong mag-alal.”
3. Anekdota
 Isa itong maikling salaysay, na naghaharap, sa anyong microcosm, kung ano pa ang mangyayari sa
kabuuan ng kuwento. Iuugnay ang wakas sa panimulang ito sa pamamagitan ng pagtutuloy sa anekdota
o sa pag-ulit kaya nito.
Halimbawa
Panimula:
Nang ako’y may limang taong gulang pa lamang may bago akong dyaket na ayaw kong iwalay sa akin.
Hindi ko malaman kung bakit. Binili iyon ng aking ama para sa akin noong 1947.
Wakas:
Sa paglukob ng gabi sa aming tahanan noong 1947 suot-suot ko na naman ang dyaket na iyon,
dinadama wari ang pagyakap-yakap sa akin na laging ginagawa ng aking ina, noong hindi pa iyon
nagkakasakit.
4. Aksyon
 Hinahatak ng ganitong panimula ang mambabasa sa tensyon o momentum ng iyong akda. Kung
gagamitin ang aksyon sa wakas, maiiwan mo ang iyong mambabasa, pagkatapos, na waring nadarama
pang buhay ang mga pangyayaring binasa sa katha.

8|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Halimbawa
Panimula:
Bahagyang yumuko ang aking ama upang isuot sa akin ang kabibiling dyaket, humahaplos ang maiinit
niyang palad sa dakong balikat upang lumapat iyon, humahaplos hanggang sa aking mga bisig.
Wakas: Tulad din ng panimula
Mga Elemento ng Maikling Kwento
https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga
tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
 Tao laban sa tao
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Kasukdulan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas
Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang
panahon kung kailan naganap ang kwento.
9. Paksang Diwa
Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay
Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

Mga Uri ng Maikling Kwento

May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kwento ng Tauhan- Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay- Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan- Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan- Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan- Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari- Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari
na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko- Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan.

9|Page
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

8. Kwento ng Pakikipagsapalaran- Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng
pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan- Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig- Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Katangian ng Maikling Kwento

Ang Maikling Kwento ay may sariling katangian na ikinaiiba sa mga kasamahang anyo ng
panitikan at dito’y kabilang ang mga sumusunod:
1. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay,
2. Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin, at kakaunti ang iba pang mga tauhan,
3. Isang mahalagang tagpo o kakauntian nito,
4. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinusundan ng wakas at,
5. May iisang kakintalan.
Kahalagahan ng Maikling Kwento
Ang Maikling Kwento ay marami ring pakinabang. Ilan na rito ay ang mga sumusunod:
1. Ang mga taong nagmamadali ay makakabasa nito sa isang upuan lamang dahil nangangailangan lamang
ito ng kaunting panahon para matapos,
2. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa isang tao pagkatapos magbasa,
3. Nagpapasigla sa isang tao na magbasa pa ng ibang kuwento, at
4. Nagiging isang paraan ito upang maibalik ang hilig ng isang tao sa pagbabasa.

SAQ 4

Sa mga Bahagi ng Maikling Kwento alin sa iyong palagay ang pinakamahalaga?Bakit?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

SUMMARY

PAGBASA

Ang pagbasa ay sistematikong proseso ng pagkilala at pag-unawa sa mga nakalimbag na titik o simbolo.
Kahalagahan ng Pagbasa
1. Nagdadagdag ng kaalaman

10 | P a g e
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang
talasalitaan
3. Nakararating sa mga pook na hindi pa narating
4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
5. Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon
6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin
7. Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang iba’t ibang
antas ng buhay at anyo ng daigdig.
Ang Dalawang Paraan ng Pagbasa
1. Tahimik na pagbasa – ito ay paraan ng pagbasa kung saan mata lamang at isipan ang ginamit.
2. Malakas na pagbasa – ito ay ginagamitanng bibig sa pagbasa at isinasaalang-alang nito ang
tagapakinig.
Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
1. Simula- karaniwang makikita sa panimula ang tauhan, tagpuan at suliranin.
2. Gitna- ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan.
3. Wakas- ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
1. Panimula- dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa at dito rin pinapakilala ang iba sa mga
tauhan.
2. Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
3. Suliranin- ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
5. Kasukdulan- sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan- ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas- ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan- dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan sa kwento at kasama din ditto ang panahon kung
kalian naganap ang kwento.
9. Paksang Diwa- ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan- ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay- ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
Mga Uri ng Maikling Kwento
1. Kwento ng Tauhan- inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan- inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan- dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan- ito ay naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari- dito binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko- ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng
pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan- ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.

11 | P a g e
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

10. Kwento ng Pag-ibig- ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Katangian ng Maikling Kwento
1. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay,
2. Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin, at kakaunti ang iba pang mga tauhan,
3. Isang mahalagang tagpo o kakauntian nito,
4. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinusundan ng wakas at,
5. May iisang kakintalan.
Kahalagahan ng Maikling Kwento
1. Ang mga taong nagmamadali ay makakabasa nito sa isang upuan lamang dahil nangangailangan lamang
ito ng kaunting panahon para matapos,
2. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa isang tao pagkatapos magbasa,
3. Nagpapasigla sa isang tao na magbasa pa ng ibang kuwento, at
4. Nagiging isang paraan ito upang maibalik ang hilig ng isang tao sa pagbabasa.

ANSWER TO REVIEW OF
PREREQUISITE

Ang mga kasagutan sa mga katanungan ay walang espisipikong sagot, ito ay nakabatay sa lawak ng
pagkakaunawa ng mag-aaral sa tinalakay na aralin.

CONCEPT INVENTORY

Pangkalahatang Panuto

Ang inventory na ito ay hinawa upang matukoy ng guro kung naunawaan ng mga mag-aaral ang mga
konsepto na inilahad sa modyul. Ang bawat tala sa ibaba ay binubuo ng 1-2 salita na nanggaling sa
modyul na pinag-aralan.

Ang inventory na ito ay hindi pagsusubok. Walang tama o mali.

Siguraduhin lamang na naunawaan ang panuto bago magsimula.

Basahin ng mabuti ang bawat aytem. Isulat sa sagutang papel kung gaano mo naunawaan ang bawat
konsepto gamit ang bilang 1-5.

____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isulat sa sagutang papel:

5- Kung sa palagay mo ay naunawaan mong mabuti ang konsepto at kaya mo itong ipaliwanag sa iba.

4- Kung sa palagay mo ay naintindihan mo ang konsepto ngunit hindi mo maipaliwanag ng maayos sa

iba.

12 | P a g e
OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION
Vinzons Avenue, Daet, Camarines Norte
Tel, Number 154-721-3254

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

3- Kung sa palagay mo ay hindi mo gaanong naunawaan ang konsepto.

2- Kung sa palagay mo ay hindi ka sigurado sa kahulugan ng konsepto.

1-Kung sa palagay mo ay wala kang naunawaan sa konsepto.

Yunit 1. Concept Inventory

Pangalan:__________________

Pangalan ng Paaralan:_______________

Tirahan:___________________

Maikling Kwento Elemento ng Maikling Kwento

dd

Bahagi ng Maikling Kwento Pagsulat ng Panimula at Wakas

Pagbasa

MGA TANONG SA PAG-

AARAL

1. Ano ang magandang dulot sa mga mambabasa ng pagbasa?

2. Sa pagsulat ng Maikling Kwento ano ang unang dapat isaalang-alang ng may akda?
3. Gumawa ng sariling likha ng Maikling Kwento na pumapaksa sa pamilya gamitin ang mga bahagi
ng Maikling Kwento.

REFFERENCES

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pagbasa-kahulugan-kahalagahan-paraan-proseso/
https://www.coursehero.com/file/50545776/introduksyon-finaldocx/
https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
https://scribddown.com/download/284929383/maikling-kwento

13 | P a g e

You might also like