sakripisyo na ibinibigay nila sa mga studyante upang sila ay makapaturo. Hindi man natin alam kung ano ang pinagdadaanan nila o kung ano man ang sakripisyo nila bilang guro, ay dapat natin silang irespeto at ituring na pangalawang magulang sa eskwelahan. 2. Ang kalakasan ng isang guro ay may kakayahan itong makapagturo at maari nitong mabago ang isang bata o tao. Ang kahinaan naman nito ay upang makapagturo ang mga guro ay nagsasakripisyo sila sa mga bagay, lalo na sa oras. Ang oras ay importante lalo na kung ang pinaguusapan ay an gating pamilya at kaibigan, ng dahil sa pagtuturo, ang mga guro ay isinasakripisyo ang oras nila sa pamilya upang may maituro sa mga studyante. 3. Para saakin ang mungkahi na ipinaparating ng pelikula ay dapat nating pahalagahan ang ating mga guro. Sila ay ang nagsisilbi bilang ikalawang magulang natin sa paaralan. Ang mga guro natin ay hindi lamang sa paaralan o sa mga grado natin nagaalala, minsan ay nagaalala rin sila sa kung ano na ang nangyayari sa ating buhay. Dahil dito ay dapat matutunan natin pahalagahan at mahalin n gating mga guro na parang ating mga magulang 4. Ang aking mensahe sa kanila ay sana marami pang pelikula ang maipalabas na ganito ang tema, upang mamulat ang lahat lalo na sa mga estudyante ang kahalagahan ng ating mga guro.