Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Uri ng Pambalana

1. Pangngalang Tahas o Kongkreto


- ay mga ngalan ng mga bagay na nakikita, naririnig, nalalasahan, nahahawakan o nahihipo, o
naaamoy.

- ang limang pandama ay paningin (sense of sight), pandinig (sense of hearing), pang-amoy (sense of
smell), panlasa (sense of taste), at pansalat (sense of touch).

Halimbawa:
selpon puno pagkain
lapis tsinelas musika
apoy drayber sabon

2. Pangngalang Basal o Di-kongkreto


- ay mga ngalan na tumutukoy sa mga bagay na walang pisikal na katangian at hindi natin nagagamit
ang alinman sa ating limang pandama para sa mga ito.

- ito ang kabaligtaran o kasalungat ng pangngalang tahas.

Halimbawa:
1. Mga ideya o konsepto: kalayaan, katarungan, dangal, kultura, prinsipyo
2. Mga damdamin: galit, galak, kaba, takot
3. Mga proseso: halalan, kaunlaran, edukasyon, komunikasyon
4. Mga karanasan: paghihirap, paglalakbay, pagtatrabaho
5. Mga katangian: kagandahan, kabutihan, katatagan, kakayahan, bigat
6. Mga yugto o bahagi ng buhay: pagbubuntis, panganganak, pagkabata, kamatayan

3. Pangngalang Lansakan
- ay mga ngalan na tumutukoy sa isang grupo o kabuuang tawag nito.

Halimbawa:
angkan grupo madla
batalyon tumpok dosena
kumpol tribo tropa

Pangngalan Ayon sa Kasarian

1. Panlalaki
- pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw)

2. Pambabae
- madre, reyna, nanay, ate, inahin (babaeng manok), libay (usang babae)

3. Di Tiyak
- tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki (bata, kaibigan, kalaro, kapatid, kamag-anak, guro,
mag-aaral)

4. Walang Kasarian
- tumutukoy sa bagay na walang buhay (aklat, baso, damit, halaman, relo, sasakyan, mesa)

You might also like