Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IMPLASYON DULOT AY SULIRANIN

Sa mga gurong naririto ngayon, magandang umaga po.Ganun din sa


aking mga kamag-aral magandang umaga.Hiling kung sana ako’y
inyong pakinggan sa aking pagbabahagi ng kaalaman,opinyon at idea
ukol sa tapiko o isyung aking tatalakayin.
Isa sa mga pangunahing iniintindi ng karaniwang Pilipino ay ang presyo
ng bilihin.Suliraning kinakaharap ng madaming bansa.Walang humpay
ang pagtaas ng presyo ng mga ito sa nakalipas na taon,buwan o
araw.Ayon sa Philippine Statistics Authority,ang patuloy na pagtaas ng
presyo nang bilihin ay hindi na normal o masyado na itong mataas
kumpara sa mga nakalipas na taon.S’yang nagiging dahilan ng suliraning
hindi na kayang iprovide ang pangangailangan sa pang araw-araw.Kay
daming nagugutom,sapagkat sa panahon ngayon kahit may trabaho hindi
na ito sapat na pambili ng pangangailangan.

Kung noon problema lang natin ang pambili ng kagustuhan natin dahil ang
badyet ay para lamang sa pangangailangan, ngayon pati pambili ng
pangangailangan ay problema narin natin.Bilang mag-aaral,wala pang trabaho
at sariling kinikita lahat ng kailangan ay karaniwang naka-asa sa
magulang.Ramdam ko ang implasyon,minsan nga nagpabili lang ako ng bagay
na kailangan ko pag-uwi ng mama ko sabi ba naman “apaka mahal na pala
niyan” ganun. Lahat tayo’y apektado sa pagtaas ng implasyon, kahit mayaman,
may kaya at lalong lalo na ang mga nasa laylayan ay apektado rito.Pare pareho
lang tayong dumadaing at nababahala sa pagtaas ng presyo ng bilihin..Hindi
natin yan maikakaila kase pag punta mo sa palengke hingi ng tawad dito’doon
tas sasabihang ang mura mura lang niyan “dati”.Dati kase iba na
ngayon,implasyon ay pahirap na sa atin.Ngunit di din natin masisisi ang mga
tindero at tindera sapagkat tulad din natin silang may pangangailangan(maliban
nalang sa mga taong sobra naman kung magtaas ng presyo).Sabi nga nang
matatanda noon limang piso lang makakabili ka na ng tinapay na
nakakabusog,ngayon san abot limang piso natin? CANDY?.Hindi maikakaila
ang pagbabago nagtataas nagbababa.Madaming mas naghihirap dahil dito.Ayon
sa poverty rate ng ating bansa sa kasalukuyan ay may 30% porsiyento ng
111(isang daan at labing isang milyong) kabuuang populasyon ng pilipinas na
ang nakakaranas o kabilang dito.Mas tumaas ito dahil narin sa patuloy na
pagtaas ng mga bilihin at kakulangan sa trabaho o tulad nga ng sabi ko kahit
may trabaho hindi sapat ang sweldo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga
bilihin. Tulad ng bigas,asukal,mantika,gasulina,gasol o
tanke,sibuyas,itlog,karne at iba pa.

May mga nakikinabang,ngunit mas madami ang naghihirap.Nababawasan ang


kakayahan nating komunsumo o bumili ng madaming produkto o sapat sa ating
pangangailangan.Gampanin ng bawat isa sa atin ang solusyon sa
implasyon,maging negosyante,manggagawa,kabilang sa pamahalaan,o mag
aaral man.Sa pamamagitan ng tamang pagdedesisyon, at pagcontrol sa ating kita/salapi ay
makakamit natin ang pagbawas sa paglaganap ng Implasyon sa ekonomiya. Bilang mag-aaral
o kahit sino man hindi dapat tayo nagpapadala sa ating mga kagustuhan.Sa simpleng
matalinong paggamit ng pera o tinatawag na Tight Money Policy ay mahalagang tulong
upang kahit papaano ay mabawasan ang epekto nito.May mga batas o patakaran ng
pinatutupad ang pamahalaan ukol sa implasyon, bilang mamayan tungkulin nating alamin ito
sapagkat ito’y para sa atin at sundin kung nais nating masulusyonan ang problemang
ito.Maging matalinong mamimili at matalinong humawak ng pera,laging unahin ang
pangangailangan kaysa kagustuhan,maging disiplinado.LAGING TANDAAN SIMPLENG
GAWA O KILOS AY MAHALAGA.Hirap at lugmok dahil sa implasyon,bumangon wag
magreklamo at manisi ng iba at lalong wag isa lahat sa pamahalaan.Ang bawat isa ay may
kakayahan,gaano man kahirap laging tandaan ‘walang mahirap sa taong may pangarap na
baguhin ang sitwasyon ng bayan’’pag gusto may paraan,ngunit kung puro reklamo wala kang
mababago jan’.
Nawa’y wag kalimutang IMPLASYON AY DI MAIIWASAN.GAWING
MAKABULUHAN ANG PAGGASTA at MAG-IPON.

Muli maramang salamat po sa pagkakataon at pakikinig nin’yo sa akin.


ARIGA THANKS

You might also like