DEMO - Q1 - LP With Pictures 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Name: PAULINE R.

BATARINA Position: TEACHER III


Grade/Section: GRADE IV- DAPDAP Subject: MAPEH- HEALTH IV
Observer: BRYAN L. BORGONIA Date: October 9 , 2023
Oras: 5:50 - 6:30 a.m

Pakitang-Turo sa MAPEH - HEALTH IV


S.Y. 2023-2024
I. LAYUNIN

A. Natutukoy ang mga impormasyonng nakikita sa food label

B. Nabibigyang halaga ang date marking at advisory statements sa food labels

C. Napapakita ng kakayahang bigyang pakahulugan ang mga impormasyong nakikita sa food


label

II. PAKSA

“Basahin Bago Kainin at Inumin”

A. Sanggunian: Quarter 1 Week 2-3


MELC BASED (H4N-Ib-23)

B. Kagamitan: Canva Presentation, Tarp papel, lapis at papel


D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa ating kalusugan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Balik-Aral

Mga impormasyong makikita sa food label gaya ng Nutrition Facts

B. Pag-usapan Natin
1. Basahin ang talata
2. Ano ang nangyari sa tinapay?
3. Ano ang dapat tignan bago bumili ng tinapay o mantikilya?
4. Paano natin makikita kung ang pagkain ay may ganitong impormasyon?
C. Pag-aralan Natin
Kagamitan: lata ng sardinas at may malinaw na naka limbag ng expiration date, pagkaing
may BEST BEFORE DATE, supot ng tinapay na may FOOD STORAGE at mga
larawan ng mga pagkain na may ADVISORY STATEMENTS.
1. Ipakita ang lata ng sardinas.
2. Tanong:
A. Paano mo malalaman kung ang pagkain o inumin ay sira o panis na?
B. Sa anong bahagi ng pakete mo ito makikita?
C. Ano ang tawag dito?
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng EXPIRATION DATE at ADVISORY STATEMENT.
4. Ilabas ang isang pakete ng mga pagkain. Ipahanap sa isang mag-aaral ang
EXPIRATION DATE ng pagkain.

D. Pagsikapan Natin
1. Halina’t Sagutin: Suriin ang mga pakete ng pagkain, Sagutin ang tanong sa bawat
larawan.

Kailan mag sisimula mapanis o masira ang inumin?

Hanggang kailan mananatiling sariwa ang kalidad ng inumin?

Anong sangkap ng inumin na maaring magdulot ng reaksyon sa inyong katawan?


Bakit mahalagang malaman ang Expiry at Best Before Dates?
Bakit mahalagang basahin ang mga babala sa pakete ng pagkain o inumin?

E. Pagyamanin Natin
Tayo’y Magpangkat!
Bumuo ng grupong may 3-4 na miyembro.
Panuto:
Ang bawat grupo ay may sampung (10) minuto lamang upang mag-usap at gumuhit.
May (1) minuto lamang ang taga-ulat upang magbahagi sa klase ng kanilang ginuhit
na larawan at ang pagpapaliwanag kung paano ito kakainin o gagamitin at ang tamang
paraan ng storage.
Pagnilayan Natin
Mahalagang malaman ang DATE MARKINGS na nakasaad sa pakete pagkain o inumin.
Ang EXPIRATION DATE ay nagsasabi ng petsa kung kailan hindi na maaring kainin ang
laman ng pakete dahil maaaring sira o panis na ang ilang sangkap nito.

F. Pagtataya: Pangkatin ang mga pagkain ayon sa tamang taguan nito. Isulat sa kwaderno ang
pagtatala.

Ligo Sardines CDO Tocino


Argentina Cornedbeff Chicken Nuggets
Hotdog Lucky Me Pancit Canton
Yakult Bear Brand Powdered Milk
Nestcafe 3 in 1 coffee UFC Ketchup

KABINET REFRIGERATOR

IV. Takda:
Sumulat ng limang (5) pangungusap kung paano pananatilihing malinis at ligtas ang pagkain.
1. ____________________________________________________________________.
2. ____________________________________________________________________.
3. ____________________________________________________________________.
4. ____________________________________________________________________.
5. ____________________________________________________________________.

Prepared by:
PAULINE R. BATARINA
Teacher III

Checked by:
EDRALIN F. FERNANDEZ
Master Teacher I
Master Teacher In-Charge

Observed by:
BRYAN L. BORGONIA
Master Teacher II

Approved by:

WILMA C. OBRAS
Principal IV

You might also like