Bionote Sample

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Gng. Alma M.

Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in


Elementary and Secondary Education, magna cum laude, at ng Master
of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine
Normal University. Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng
dalawampu’t limang taon at nakapaglingkod bilang homeroom
chairman, koordineytor ng Filipino at Sibika/HekaSi, at Assistant
Principal for Academics sa St. Paul College, Pasig. Nakadalo na rin siya
sa iba’t ibang kumperensiyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng
Amerika, Singapore, China ( Macau) at Thailand. Ang mga
makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga kumperensiyang ito ay
nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at
kasanayan sa pagiging trainer - facilitator ng mga seminar-workshop na
pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of
Schools, Colleges, and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya
sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at journal na
pangguro. Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang
katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging simpleng
maybahay at ina ng tatlong supling na siya niyang inspirasyon sa
pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang
Pilipino.

You might also like