Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

JOHN M. HYLAND INSTITUTE OF LEARNING, INC.

Sudtonggan Road Basak, Lapu-Lapu City, Cebu,6015


Contact Number: 0943 366 0105 (032)326 2624
Email: jmhschool@yahoo.com

FIRST PRELIM EXAMINATION IN FILIPINO 10

Pangalan: _________________________________________________ Petsa: _____________________


Baitang at Seksyon: _________________________________________ Iskor: _____________________
Guro: Binibining Evan Bacus Dungog

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag o katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang
TITIK ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos?


a. Pangngalan c. Pandiwa
b. Pang-uri d. Pang-ugnay
2. Anong uri ng akdang pampanitikan na kung saan ang kuwento ay hango sa Bibliya?
a. Mitolohiya c. Pabula
b. Parabula d. Sanaysay
3. Anong uri ng akdang pampanitikan na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay ang mga
Diyos at Diyosa?
a. Mitolohiya c. Pabula
b. Parabula d. Sanaysay
4. Ano ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
a. Pang-ugnay c. Pangatnig
b. Pang-angkop d. Pangngalan
5. Ano ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan?
a. Pang-ugnay c. Pangatnig
b. Pang-angkop d. Pangngalan
6. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw _________________maiwasan masira ang mga
ngipin.
a. Ngunit c. Upang
b. Dahil d. Subalit
7. Tumatahol ang mga aso _________________may taong kumakatok sa pinto.
a. Kapag c. Ngunit
b. Hanggang d. Dahil
8. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo _______________inaaksaya mo lang ang perang
bigay nila sa iyo.
a. Kasi c. Hanggang
b. Dahil d. Samantalang
9. Tatawag muli si Kimmy ___________________makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.
a. Kasi c. Bago
b. Para d. dahil
10. Tumigil ang pag-iyak si Aaliyah ____________________ bumalik ang kanyang ina.
a. Nang c. Bagama’t
b. Subalit d. Para

Basahin ang kuwento at sagutin ang bilang 11-18.


Ang Alibughang Anak

May isang pamilyang may-kaya sa buhay. Ang mag-asawa sa pamilyang ito ay nag karoon ng dalawang lalaking
anak.Simula’t sapul, ang ama ay nagbibigay na ng tulong sakanyang mga anak. Sila rin ay magkasama sa matagal
napanahon. Pero, isang araw, nag pasiya ang bunsong anak na kukunin na raw lamang niya ang mana ay napag-
isipang mag-isa nalamang. Binigay ito ng kanyang ama at nagsimula nang umalisang kanyang bunsong
anak.Ngunit, pagkalipas ng panahon, ginastos lamang ng bunsonganak ang kanyang manang pera. Bukod rito,
nabaon pa siya sa utang. Dahil rito, naghirap ang bunsong anak. Matapos ito,bumalik naman ang bunsong anak sa
kanyang ama at siya’y tinanggap.Nung nalaman ito ng kanyang nakakatandan kapatid lumabasito ng galit sa
kanyang ama. Hindi niya matanggap ang kanyang desisyon. Ngunit, nalaman niya na ginawa lamang itong
kanyang ama para malaman niya ang tunay na halaga ngisang pamilya.Pagkatapos nito, nag bago ang kanyang
saloobin sa nakababatang kapatid at pinatawad niya ito.

11. Ano ang pamagat ng parabola?


a. Ang Alibughang Anak c. Ang Aliboghang Anak
b. Ang Alibughong Anak d. Ang Aliboghong Anak
12. Sino ang nanghingi ng kanyang mana sa ama?
a. Panganay c. Pangatlong anak
b. Pangalawang anak d. Bunso
13. Ano ang ginawa ng bunsong anak matapos hingin ang kanyang mana sa kanyang ama?
a. Nanatili sa kanilang bahay c. Bumili ng bagong bahay
b. Ginastos ang pera sa pagbibigay aliw sa sarili d. Inipon sa bangko
14. Ano ang ginawa ng bunsong anak matapos maubos ang kanyang mana?
a. Nanglimos sa Kalye c. Nagnakaw sa mga tao
b. Umuwi at humingi ng tawad sa ama d. Umiyak magdamag
15. Kung ikaw ang ama sa parabola, ibibigay mo din baa ng mana ng iyong anak paghingi at alam
mo mauubos lang ito sa mga walang kabuluhang bagay?
a. Oo, dahil kahit anong mangyari may ama naman siyang handang tanggapin siya ulit.
b. Oo, dahil pera niya iyon at matanda na siya
c. Hindi, dahil inubos niya ang pera niya.
d. Hindi bagkus papagalitan ko pa siya kasi hinihingi niya ang mana niya kahit buhay pa
ako.
16. Bakit nagalit ang panganay na anak sa kanyang ama sa pagtanggap ng nakakabatang kapatid?
a. Dahil pinaghandaan ng kanyang ama ang kanyang bunsong kapatid noong umuwi sa
kanila.
b. Dahil pinatawad agad ng ama ang kanyang bunsong kapatid.
c. Dahil binihisan ng maayos ng kanyang ama ang bunsong kapatid sa kabila ng nanyari.
d. Lahat ng nabanggit
17. Ano ang aral sa pabulang nabasa?
a. Maging mapagpatawad sa mga nagkamali atn agsisi.
b. Ang mga humiwalay sa Diyos ay maaaringtanggapin nya muli kung magpapakita ng
taospusong pagsisisi at pagsisikap na makabalik.
c. Kapag bumalik na ang alibughang anak,tanggapin natin sila gaya ng pagtanggap sakanila
ng Diyos.
d. Lahat ng nabanggit
18. Nasira ang bahay ng dahil sa matinding unos.Anong gamit ng pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
19. Umalis siya sa bahay ampunan. Anong gamit ng pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
20. Lalong sumidhi ang galit ni Tristan kay Kiven. Anong gamit ng pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
21. Hindi nakuntento si Mike sa ginawa niyang pang-aabuso kay Kristel. Anong gamit ng pandiwa
ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
22. Umasa ang lalaki sa pangako ni Michella. Anong gamit ng pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
23. Nalumbay si Joy sa balitang pumanaw na ang kanyang alagang pusa. Anong gamit ng pandiwa
ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
24. Labis na nagdusa ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan. Anong gamit ng pandiwa ang
may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
25. Ginamit ni Kenneth ang lahat ng kanyang lakas upang maisalba ang kanyang kasintahan sa tiyak
na panganib. Anong gamit ng pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
26. Sumigla ang paligid sa tuwing ikaw ay nakangiti. Anong gamit ng pandiwa ang may
salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
27. Nabalisa si Aling Marta matapos malaman naaksidente ang kanyang asawa. Anong gamit ng
pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
28. Naglakbay si Francis patungong Cebu. Anong gamit ng pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
29. Binigyan ni Symone ng pagkain si Princess. Anong gamit ng pandiwa ang may salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit
30. Umiyak si Sam nang malamang bumagsak siya sa pagsusulit. Anong gamit ng pandiwa ang may
salungguhit?
a. Aksyon c. Karanasan
b. Pangyayari d. Wala sa nabanggit

II. Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Magaling umawit si Joey at mahusay magtugtog ng gitara si Dean.

2. Tawagan mo ako sa opisina kung may dumating na sulat mula kay Ernesto.

3. Si Tita Mia o si Ate Lisa ang sasama sa aming klase sa lakbay-aral.

4. Wala akong tiwala kay Raul dahil madalas siyang magsinungaling sa akin.

5. Uminom na ako ng gamot kaninang umaga ngunit masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon.

6. Dadalhin ko ang itim na maleta at ang pulang bag sa eroplano.

7. Nakaluto na ako ng pinakbet dati pero nakalimutan ko na ang ibang sangkap.

8. Salamat sa regalo mo subalit sa Disyembre pa ang kaarawan ko.

9. Manonood ka ba ng balita sa telebisyon o pakikinggan mo na lang ang balita sa radyo?

10. Magbaon ka ng payong dahil baka umulan mamayang hapon.

11. Napakalakas ng tunog ng kidlat kaya napasigaw ang magkakapatid.

12. Ipapakita ko kina Tatay at Nanay ang marka ko sa pagsusulit para makita nila na nagsisikap ako

sa pag-aaral.

13. Naghuhugas ng mga bote at tsupon si Martha habang natutulog nang mahimbing ang kanyang

sanggol.

14. Inihain ng mga sundalong Pilipino ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang Pilipinas sa mga

bagong mananakop.

15. Si Janice ang nahirang na maging kalahok sa paligsahan sapagka’t siya ang pinakamagaling na

manunulat sa ating klase.

16. Dapat sabihin ko sa kanya ang katotohanan ngunit ayaw kong magalit siya sa akin.

17. Si Janice ang kakanta dahil siya ang pinakamagaling na mang-aawit sa klase natin.

18. Hindi niya makuha ang tamang sagot bagama’t nakinig siya sa sinabi ng guro.

19. Gusto nilang maglaro sa palaruan pero pinagbawalan silang lumabas ng bahay.

20. Sumali sa paligsahan si Danilo kahit sinabi nila na wala siyang pag-asang manalo.
“You are braver than you believe, stronger than you seem and smarter than you think.”
– A.A. Milne, British author of Winnie-the-Pooh, 1882-1956

You might also like