Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

DIOCESAN YOUTH COMMISSION

PRAYER WITH TAIZE SONGS

MGA PAMBUNGAD NA MGA AWIT

I will Praise My God in the evening

I will sing to Him all my days

For Yahweh is my strength and Glory

Yahweh truly is my song

----------------------------+++----------------------------

Bless the Lord my Soul

And Bless God’s Holy Name

Bless the Lord my soul

Who leads me into life

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Sa ating pagbabahagi at pagiging bahagi patuloy tayong tinatawag ng Panginoon sa iba’t ibang paraan
upang tuklasin, linangin at palalimin ang mga talento at kakayahan na tinataglay natin. Sa paraang ito,
nakatutugon tayo sa panawagan ng Diyos sa tulong ng bawat isa, nang bawat kabataan na ating
nakakasalamuha at napagbabahaginan ng mga bagay na natatangi sa atin. Ang pagbabahagi ng panahon
upang tumugon sa panawagan bilang mga lingkod ng Panginoon.

Sa ating pagbabahagi at pagiging bahagi patuloy nating binabalikan ang mga pangyayari sa ating buhay,
na nagbigay nang aral sa atin. Mas pinatitibay tayo ng panahon na nagsisilbing paraan upang manatili at
magpatuloy.

Sa kabila man ng ating mga kahinaan patuloy tayong kumikilos upang mas mapalago at mas dumami pa
ang makakilala sa Diyos at sa sangnilikha. Ang pagkilos na mas pinipili na maging sentro ay ang Diyos sa
pananalangin, makita at masilayan ang ganda ng mundo, ng bawat nilikha. Patuloy tayong hinahamon
ng ating mga nararanasan, ng pandemyang ating kinakaharap, bagamat marami na ang nawala sa atin,
marami na ang nabago sa paraan ng ating buhay, naging daan ito upang muli tayong lumapit o mas
mapalapit sa Diyos. Muling bumalik sa payak na pamumuhay, naranasang makalanghap at makaramdam
ng sariwang hangin at magkaroon ng koneksyon sa bawat isa, lalo't higit sa Diyos sa paghingi natin ng
kanyang walang hanggang pagkalinga.

Sa sandaling ito, tayo’y natitipon bilang mga lingkod ng Panginoon, ang pagbabahagi at pagiging bahagi
natin sa bawat isa ang siyang nagpapatibay at nagpapalago sa ating kakayahan bilang mga kabataan.
Nagpapatibay ng relasyon sa ating kapwa, sa sangnilikha at sa Diyos na ating sentro at halimbawa ng
pagbabahagi.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Ama naming maykapal, pinupuri Ka nami’t pinasasalamatan sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob mo sa


bawat isa sa amin, sa biyaya ng panahon upang sambahin at pasalamatan ka. Sa biyaya ng bawat isa, sa
biyaya ng pagiging bahagi at tagapagbahagi. Sinabi Mo saBanal na Kasulatan na kung may isa o higit
pang natitipon sa Iyongpangalan, ikaw ay naroroon. Panginoon, sa mga sandaling ito na pinili mo kami
upang tumugon sa Iyo bilang mga lingkod hindi lang isa o dalawa ang nakikiisa at naka sentro sa Iyong
banal na pangalan, at naniniwala kami na ikaw ay kasama namin sa mga sandaling ito.Panginoong Hesus
naming tagapagligtas, sa pagharap naminsa mga pagsubok ng buhay, sa oras ng aming pangamba at
pagaalinlangan, lalo’t higit sa mga sandaling ito na kami ay humaharap sahamon ng pandemya, iligtas
Mo po kami sa anumang kapahamakan lalo’thigit sa kapahamakan na dulot ng aming pagkakasala. Sa
mga sandali pongito, kasabay naming ipinapanalangin ang lahat ng aming mga kapatid na hindi naming
kasama sa gawaing ito. Panginoon, pakinggan Mo po ang hibik ng aming mga puso, hibik ng
pagdadalamhati, hibik ng pagkatakot, hibik ng pag-aalinlangan at ang hibik ng pagnanais na ampunin sa
Iyong kandungan.

Ohh… Sambahin Ka Kristo Hesus

----------------------------+++----------------------------

The Lord is my light, my light and salvation

In God I trust

“Pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Gayun nga ang
ginawa ng mga alagad. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Muli siyang nagpasalamat sa Diyos, at iniutos
niyang ibigay din iyon sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog.”

VENERATION OF THE CROSS

Nada te turbe, nada te espante

Quien a Dios tiene, nada le falta

Nada te turbe, nada te espante


Solo Dios basta

----------------------------+++----------------------------

Stay With Me, remain here with me

Watch and Pray, Watch and Pray

----------------------------+++----------------------------

Jesus remember me

When you come into your kingdom

Jesus remember me

When you come into your kingdom

----------------------------+++----------------------------

Jesus Your Light is shining within us

Let not my doubts and my darkness speak to me

Jesus Your light is shining within us

Let my heart always welcome your love.

----------------------------+++----------------------------

Oh Kristo Aming Ligaya

Oh Kristo aming Pag-asa

PANALANGIN NG BAYAN

Bilang iisang sambayanan, sama sama nating itaas ang ating mga panalangin sa Diyos;

sa bawat panalangin ang atin pong itutugon,

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Ang Simbahan sa pamumuno ng ating Santo Papa Francisco, Obispo Mel Rey at mga

Obispo, at mga Kaparian, nawa'y patuloy na maging sandigan ng mga

mananampalataya sa mga hamon at tagumpay. Manalangin tayo sa Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,


When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Ang mga pari at madre, mga seminarista naway matuloy na mag-alab ang kanilang

katapatan sa kani-kanilang bokasyon. Manalangin tayo sa Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Ang ating Pamahalaan at mga namumuno sa sambayanan naway patuloy silang

ingatan, gabayan at manatili ang kanilang katapatan sa mamamayan lalo’t higit ngayon papalapit na
halalan. Manalangin Tayo sa Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Para sa ating mga Frontliners, na humaharap sa di nakikitang virus, nawa'y malooban

sila ng katatagan upang higit magampanan ang kanilang gawain. Manalangin tayo sa

Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Para sa lahat ng Kabataan, nawa’y manatili sa kanila ang kasiglahan bilang kinabukasan ng Simbahan.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Para sa ating nararanasang pandemya, nawa ay matapos na ang pagkalat nito na

nakaaapekto sa lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Para sa lahat ng mga natitipon ngayon sa gawaing ito,

nawa'y pagkalooban tayo ng Banal na Espirito ng Biyaya na ating

kinakailangan ayon sa ating kalalagayan sa buhay. Manatili nawa tayong bukas upang magbahagi at
patuloy na tumugon sa gawaing paglilingkod. Manalangin tayo sa Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Sa gitna ng katahimikan, ating itaas sa Diyos ang ating mga pansariling intensyon at

Hangarin (katahimikan) Manalangin tayo sa Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Para sa mga may sakit at nararamdaman, pisikal o emosyonal naway matagpuan nila

ang kagalingan at mapuspos ng pagpapala ang kanilang buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.
Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Para sa mga kaluluwa ng mga yumao na sa mundong ito, nawa'y makamit nila ang

kapayapaan at buhay na walang hanggan kasama ang mga banal. Manalangin tayo sa Panginoon.

Oh Lord hear prayer, Oh Lord hear prayer,

When I call answer me, Oh Lord hear my prayer,

Oh Lord hear my Prayer come and Listen to me

Bilang magkakapatid kay Kristo, lakas loob nating awitin ang Panalanging itinuro sa atin

ng Ama;

Ama Namin sumasalangit ka…

CONCLUDING PRAYER

ORATIO IMPERATA

Panalangin Laban sa Paglaganap ng COVID-19

Diyos Ama namin, lumalapit kami sa iyo para sa aming kahilingan na kami

ay iyong proteksyunan laban sa Covid 19 Virus na kumitil na ng maraming

buhay

at nakaapekto na sa sangkatauhan.

Nanalangin kami para sa Iyong biyaya para sa mga taong inatasan na pagaralan ang kalikasan at ang
sanhi ng virus na ito, gayundin upang mapahinto

ang patuloy nitong paglaganap. Gabayan Mo po ang mga inatasang

mangalaga sa kalusugan na kanila nawang magampanan ang kanilang

tungkulin nang buong husay at may malasakit. Gabayan Mo po ang mga


kawani ng pamahalaan at ang mga nasa pribadong institusyon sa kanilang

paghahanap ng lunas upang masugpo ang epidemyang ito.

Ipinapanalangin namin ang lahat ng mga naapektuhan. Nawa ay hilumin Mo

po ang kanilang karamdaman.

Ipagkaloob Mo po nawa sa amin ang iyong biyaya upang kami ay patuloy na

makagawa ng kabutihan para sa lahat at makatulong sa lahat ng mga

nangangailangan.

Ipinapanalangin po namin ito, sa pamamagitan ng aming Panginoong

Jesukristong Iyong anak, na nabubuhay at naghahari kasama ng Espiritu

Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa mga may sakit, ipanalangin Mo kami!

San Raphael Arkanghel, ipanalangin Mo kami!

San Roque, ipanalangin Mo kami!

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin Mo kami!

San Pedro Calungsod, ipanalangin Mo kami!

Magnificat, Magnificat, Magnificat anima mea Dominum.

Magnificat, Magnificat, Magnificat anima mea.

----------------------------+++----------------------------

Sa Diyos Magpapasalamat

Sa Kanya’y magagalak,

Masdan S’ya at Huwag mangamba

Siya’y Kapiling Siya’y Ama

Siya’y kapiling Siya’y Ama

Maraming Salamat po!

You might also like