Unang Edisyon, 2020

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Araling Panlipunan- Ikalimang Baitang

Unang Markahan – Modyul 1: Mga Katangian ng Pilipinas bilang isang Bansang Archipelago
Unang Edisyon, 2020
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Katangian ng Pilipinas Bilang Isang
Archipelagpo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Violeta T. Goto


Editor/Validator: Lucy R. Laurio
Tagasuring Teknikal: Jeffrey D. Matinez
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng
Modyul para sa araling Ang Katangian ng Pilipinas Bilang Isang Archipelago !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 Modyul ukol sa Ang


Katangian ng Pilipinas Bilang Isang Archipelago !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang natutukoy ang katangian ng

Pilipinas bilang ay isang archipelago.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang mundo ay may pitong kontinente. Saang kontinente napapaloob ang Pilipinas?
A. Africa B. Asya C. Australia D. Europa
2. Ano ang kilalang pinakamagamdang bulkan sa ating bansa?
A. Bulkang Taal C. Bulkang Mayon
B. Bulkang Bulusan D. Bulkang Pinatubo
3. Saang direksyon sa Asya makikita ang Pilipinas?
A. Timog Silangan C. Hilagang Silangan
B. Timog Kanluran D. Hilagang Kanluran
4. Ang Pilipinas ay binubuo ng malalaki at maliliit na pulo.Ano ang pinakamalaking
pulo sa bansa?

A. Visayas B. Luzon C. Mindanao D. Palawan


5. Saang sa mga pulo sa ating bansa makikita ang Pasig?
A. Samar B. Visayas C. Luzon D. Mindanao
BALIK-ARAL

 Saang kontinente napapaloob ang Pilipinas?

 Paano nahiwalay sa kalupaang Asya ang Pilipinas?

ARALIN

Katangiang ng Pilipinas Bilang Isang Archipelago


Ang Pilipinas ay isang kapuluan na tinatawag na ARCHIPELAGO. Binubuo ito ng
7,107 na pulo. Ayon sa NAMRIA (National Mapping and Resource Information Authority)
ito ay binubuo ng 7,641 pulo. 300,000 kilometrong parisukat – ang lawak ng lupaing ng
Pilipinas o 30,000,000 ektarya. 1,840 milya ang haba at 688 milya ang lapad. 17,462
kilometro ang haba ng baybayin ng Pilipinas. Pulo ng Y’AMI- pinakadulong pulo sa hilaga
na may layo lamang na 124.8 kilometro sa Taiwan. Pulo ng SALUAG – pinaka- dulong pulo
sa timog na may layo na 32 kilometro sa Borneo.

Ang tatlong malalaking pulo ng Pilipinas ay

ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ito rin ay may

sampung malalaking pulo gaya ng Luzon,

Mindanao, Samar, Negros, Palawan, Panay,

Mindoro , Leyte, Cebu at Bohol.

ttps://kimmipinepines.wordpress.com/2010/10/04/my-new-island-home/
Talahanayan 1.1 Sampung Malalaking Pulo ng Pilipinas at ang sukat nito
Sampung Malalaking Pulo SUKAT
1. Luzon. 42,458 kilometrong parisukat
2. Mindanao 37,657 kilometrong parisukat
3 Samar 5,185 kilometrong parisukat
4. Negros 5,139 kilometrong parisukat
5. Palawan 4,706 kilometrong parisukat
6. Panay 4,637 kilometrong parisukat
7. Mindoro 4,082 kilometrong parisukat
8. Leyte 2,845 kilometrong parisukat
9. Cebu 1,725 kilometrong parisukat
10. Bohol 1,475 kilometrong parisukat

Talahanayan 1.2 Mga Rehiyon sa Pilipinas


LUZON VISAYAS MINDANAO
Rehiyon I-Ilocos Region Rehiyon VI-Western Rehiyon IX-
Visayas Zamboanga Peninsula
Rehiyon II- Cagayan Valley Rehiyon VII-Central Rehiyon X-Northern
Visayas Mindanao
Rehiyon III – Central Luzon Rehiyon VIII- Eastern Rehiyon XI-Davao
Visayas Region
Rehiyon IV-A- Rehiyon XII-
CALABARZON SOCCKSSARGEN
Rehiyon IV-B-MIMAROPA Rehiyon XIII-
CARAGA
Rehiyon V- Bicol Region ARMM-Autonomous
Region o Muslim
Mindanao
CAR- Cordillera Administrative
Region
NCR- National Capital Region

Dahil din sa pagiging archipelago ng bansang Pilipinas, ito ang bansang may
pinakamahabang baybayin

https://www.mapsland.com/asia/philippines/large-detailed-political-map-of-philippines-with-roads-cities-seaports-and-airports-19
Ang Pilipinas ay nag-aari ng pinakamayaman
at pinakamagandang lupain sa mundo. Ang Bundok
Apo sa Davao- ang pinakamataas na bundok, ito ay
may taas na 9,690 talampakan. Ang Bundok ng
Sierra Madre- ang pinakamahabang bulubundukin. https://www.philstar.com/nation/2019/04/02/1906478/mt-apo-limits-trekkers

Sagana din ito sa mga bulkan. May humigit kumulang limampu’t dalawa ang mga
bulkan sa bansa. Bulkang Mayon sa Albay- ang
kinikilalang pinakamagandang bulkan sa Pilipinas.
Bulkang Taal sa Batangas- ang pinakamaliit na
bulkan sa daigdig.Ang iba pang kinikilalang bulkan
ay Banahaw sa Quezon, Bulusan sa Sorsogon, Hibok-
hibok sa pulo ng Camiguin at bundok ng Pinatubo sa https://primer.com.ph/travel/2016/03/02/mayon-volcano/ Your text here

Zambales.

Sa buong kapuluan ay matatagpuan din ang matataba at malalawak na kapatagan at


lambak.Ang Gitnang Luzon ang pinakamalaking kapatagan. Lambak ng Cagayan ang
pinakamalaking lambak.

Ang Pilipinas ay isang archipelago. Pinalilibutan ang mga isla nito ng tubig. Ang ilan

sa mahahalagang ilog sa Luzon ay Ilog Cagayan, Ilog Agno, Ilog Pampanga, Ilog Abra, Ilog

Pasig at ilog Sipokot sa Bicol. Ang Ilog Hilabangan ang pinakamalaking ilog sa kabisayaan

at Rio Grande de Cotabato naman ang kilalang ilog sa Mindanao.Ang Ilog sa Ilalim ng

Lupa sa Palawan (Underground River of Palawan) ang pinakatanyag at may

pinakamalaking atraksyong ilog sa mga turista. Ang Lawa ng Laguna naman ang siyang

pinakamalaking lawa sa Pilipinas. May mga tanyag din na talon tulad ng Talon ng Pagsanjan

sa Laguna at Talon ng Maria Cristina sa Lanao

Dala rin ng pagiging archipelago ng Pilipinas, marami itong anyong tubig na

pinamumugaran ng yamang tubig , dagat man o tabang.Pating Bulik o Whale Shark ang

pinakamalaking isda sa buong mundo. Pandaca Pygmaea ang pinakamaliit na isda bago

natuklasan ang sinarapan.


MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Sagutin ng FACT kung tama at BLUFF kung mali.


___________1. Sa mapping na naisagawa ng NAMRIA nakapagtala sila ng 7,641 bilang ng
pulo sa Pilipinas.

___________2. Ang Pasig ay nasa Pambansang Punong Rehiyon o NCR.

___________3. Tinawag na bansang archipelago ang Pilipinas dahil ito ay binubuo na mga
malalaking pulo lamang.

___________4. May pinakamahabang baybayin ang Pilipinas sa buong mundo.

___________5. Ang pinakatimog na pulo ng Pilipinas ay ang Y’Ami sa Batanes.

B. Ayusin ang mga titik upang mabuo ang salita

1. N O L Z U - (Ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.)

2. S L A U G A – ( Pinakadulong pulo sa timog ng Pilipinas)

3. O Y A N M L N U K B A G – (Kinilalang pinakamagandang bulkan sa Pilipinas)

4. C R H E P O G L A I – ( Binubuo ng maliliit at malalaking pulo na napapaligiran ng tubig.)

5. R G A A A K A N T G K S I P A I P O – ( Pinakamalaking karagatan sa mundo)

PAGLALAHAT

Ano ang katangian ng Pilipinas bilang isang archipelago?


Panuto: Lagyan ng / kung katangian ng Pilipinas bilang isang archipelago
ang tinutukoy at x
kung hindi
________1. May pinakamahabang baybayin ang Pilipinas.
_________ 2. Ang bansa ay nakakaranas ng dalawang uri ng panahon –tag-araw at tag-
ulan.
_________ 3. Mainam na magtayo ng negosyo kaya maraming dumadayong
mangangalakal..
_________ 4. Binubuo na hiwa-hiwalay na malalaki at maliliit na pulo.
_________ 5. Maraming yamang tubig na makukuha dito.

PAGPAPAHALAGA

Dumating ang kaibigan mo buhat sa ibang bansa. Gusto niyang malaman ang
tungkol sa ating bansa? Paano mo maipagmamalaki ang iyong bansa bilang isang bansang
archipelago?
Dugtungan ang pangungusap upang maipagmalaki mo ang ating bansa.

 Ang Pilipinas ay _____________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang Pilipinas ay binubuo ng malalaki at maliliit na pulo at napaliligiran ng anyong
tubig. Ito ay tinatawag na ________.
A. Karagatan C. Kabihasnan
B. Archipelago D. Teritoryo
2. Ilan ang bilang ng pulo sa Pilipinas ayon sa pag-aaral na isinagawa ng NAMRIA?
A. 7,461 B, 7,401 C. 7,107 D. 7,561
3. Ang ______ ang pulong nasa dulong timog ng Pilipinas.
A. Batanes C. Catanduanes
B. Basilan D. Saluag
4. Ang Pilipinas ay may sampung pinakamalalaking pulo, ilan dito ay ang mga
sumusunod, maliban sa isa. Alin ito?
A. Palawan B. Samar C. Siargao D. Mindoro
5. May mga anyong tubig sa loob at paligid ng ating bansa. Alin ang pinakatanyag na
ilog at may malaking atraksyon sa mga turista?
A. Ilog Pasig C. Ilog ng Rio Grande sa Cotabato
B. Ilog Cagayan D. Ilog sa Ilalim ng Lupa sa Palawan
SUSI SA PAGWAWASTO

5. D 5. KARAGATANG PASIPIKO 5. BLUFF 5. C

4. C 4. ARCHIPELAGO 4. FACT 4. B

3. D 3. BULKANG MAYON 3. BLUFF 3. A

2. A 2. SALUAG 2. FACT 2. C

1. B B. 1. LUZON A.1. FACT 1. B

Panapos na Pagsubok Mga Pagsasanay Paunang Pagsubok

SANGGUNIAN

Lontoc, Nestor S at Julian, Aileen G,2013, Lakbay ng Lahing Pilipino 5,Phoenix


Publishing House Inc.
Bosales, Maria Fe P, 2018 Lahing Kayumanggi 5,The Library Publishing House.
Gabuat, Maria Annalyn P, Mercado, Michael M at Jose, Mary Dorothy dL 2016, Araling
Panlipunan Bilang Isang Bansa 5, Vibal Group Inc,
Antonio, eleanor D, Banlaygas, Emilia L at Dallo, Evangeline M, 2017 Kayamanan
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,Rx Book store
Villoria, Evelina M Ed.D., Gabuat, Maria annalyn P, Quizol, Mary Christine F., Reig,
Chona P. 2014 Isang Bansa Isang Lahi, Vibal Group Inc.
https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_beaches_in_the_Philippines
https://www.mapsland.com/asia/philippines/large-detailed-political-map-of-philippines-
with-roads-cities-seaports-and-airports-1973
https://kimmipinepines.wordpress.com/2010/10/04/my-new-island-home/
https://primer.com.ph/travel/2016/03/02/mayon-volcano/
https://www.philstar.com/nation/2019/04/02/1906478/mt-apo-limits-trekker

You might also like