5fbb98669d20d4002e980b94-1606129796-G4 - ESP - Yunit 2-Aralin 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Kaaya-ayang Kapaligiran:
Sa Sarili at Kapwa

Basahin Natin!
Disiplina ang Kailangan

Isang hatinggabing payapa, banayad ang hangin


Sa higaa’y nakalagak katawang
Pamamahinga’y natigil, natutulog na diwa’y nagising
Ingay ng mga tao at sasakyan sa labas ang gumising.

Isang magandang tanawin, matatagpuan sa hardin


Paruparo’y umaaligid, sumasayaw sa hangin
Sa isang iglap ay napawi magandang tanawin
Walang awang sinira ng batang kay hirap disiplinahin.

Pipiip! Pipiip!, busina ng trak ng basura


Hahakutin ang naipong kalat ng pamilya
Pero teka muna, tila ang iba’y walang nakikita!
Sa kanal at ilog pa rin itinatapon ang basura.

Paligid na tahimik, payapa, at paraiso


Sa isang iglap naglaho gandang taglay nito
Nasaan ang disiplina, bakit ganito ang tao?
Kailan kaya matututong alagaan ang paligid na
noo’y isang kaaya-ayang paraiso?

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Pag-usapan Natin!
1. Ibigay ang mensahe ng binasang tula. Bigyang-pansin ang iyong
damdamin matapos basahin ang tula.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Paano mo itutuwid ang maling gawain ng mga tao sa pangangalaga


sa kapaligiran?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Paano mo tutugunan ang panawagan sa dalawang huling linya ng


tula?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis, tahimik, at kaayaayang


kapaligiran?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Kung ikaw ay itatalaga upang pangunahan ang pagpapanatili ng


katahimikan at kalinisan ng inyong paaralan at lugar, anoano ang
gagawin mong hakbang?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

Isaisip Natin!

Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga alituntunin sa


pagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Sa
pamamagitan ng iba’t ibang programa, napangangalagaan nito
ang kapaligiran tulad ng sistema ng pangongolekta ng basura,
pagtatalaga ng mga pulis na tumitiyak sa katahimikan at
kaayusan ng lugar, pulis-trapiko na nagsasaayos ng daloy-trapiko,
at mga programa na nangangalaga sa kalikasan. Nagtatakda rin
ang mga lokal na pamahalaan ng mga ordinansa sa oras ng
paggamit ng videoke, maayos na pangangalaga sa mga
alagang hayop, pagbabawal sa paggamit ng plastik, at tamang
lugar na tawiran, babaan at sakayan. May mga nakalaan ding
pampublikong palikuran na maaaring magamit ng kahit na sinong
mamamayan.

Gawin Natin!
A. Gumawa ng isang talata na nagpapakita ng pagiging isang
mabuting mamamayan ng inyong pook.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020
GABAY SA PAG-AARAL Quipper

B. Sa anung paraan ang iyong gagawin upang maging maayos at


malinis iyong kapaligiran. Magbigay ng limang halimbawa.
1. __________________________________________________________________
2.___________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________

AAQC_Edukasyon sa Pagpapakatao_4_2020

You might also like