Reportscripthephep

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang hapon sa ating lahat ako nga po pala si Bhea Jale Tundag number 39.

Ngayon naman ay pag uusapan natin ang tagasalin ng tekstong siyentipiko at teknikal

Ang tagasalin ng tekstong siyentipiko at teknikal ay isang taong nagtatrabaho upang isalin ang
mga teksto na may kinalaman sa siyensya at teknolohiya mula sa isang wika patungo sa isa pang
wika. Ang kanilang trabaho ay hindi lang simpleng pagsalin ng salita, kundi pagbibigay ng
tamang kahulugan sa mga teknikal na konsepto at terminolohiya.

Tulad din ng tagasalin ng iba pang uri ng teksto, ang tagasalin ng tekstong siyentipiko at
teknikal ay kailangang may sapat na kahandaan sa pagsasalin

Bakit kailangang may sapat na kahandaan sa pagsasalin ang mga tagasalin ng tekstong
siyentipiko at teknikal ?

Kailangang may sapat na kahandaan dapat ang magsasalin sa tekstong siyentipiko at teknikal
dahil ang pagsasalin ng ganitong uri ng teksto ay nagtatangi ng mga komplikadong
terminolohiya at konsepto sa larangan ng siyensya at teknolohiya. Narito ang ilang dahilan kung
bakit mahalaga ang sapat na kahandaan

So kung mali ang pag-unawa sa mga scientific o technical na ideya, ito ay maaaring magdulot ng
maling impormasyon o maling paggamit ng mga kritikal na konsepto.

Kailangan niya ng kahusayan sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin

Bakit kailangan ng mga tagasalin ng tekstong siyentipiko at teknikal ang kahusayan sa dalawang
wikang sangkot sa pagsasalin ?

Ang mga teksto sa siyensya at teknolohiya ay karaniwang naglalaman ng mga teknikal na


detalye at terminolohiya na kailangang maging tumpak sa pagsasalin. Ang tagasalin na may
kahusayan sa parehong wika ay mas mahusay na nakakatuklas at nakakapagpasa ng presisyon sa
pagsasalin upang mapanatili ang tamang kahulugan ng mga konsepto.

kailangan ding malalim ang kaalaman niya sa paksang isasalin

Bakit kailangan ng mga tagasalin ng tekstong siyentipiko at teknikal ang malalim na kaalaman sa
paksang isasalin?

Ang mga teksto sa siyensya at teknolohiya ay karaniwang puno ng mga konsepto at teorya na
nangangailangan ng malalim na pang-unawa. Ang isang tagasalin na may kaalaman sa paksang
ito ay mas magiging epektibo sa pag-unawa at pagsasalin ng mga ideya nang tama at buo.

Ang mga ito ay mga katanungan na sinagot ni Maria O’Neill, MD sa kanyang “ Who Makes a
Better Medical Translator: The Medically Knowledgeable Linguist or the Linguistically Knowledgeable
Medical Professional? A Physicians Perspective 1998”. Hindi ko alam kung ito ba ay isang libro, artikulo o
di kaya’y pag aaral nuh? Pero ang sinabi niya ay dahil kakaunti lamang ang mga doktor na nagsasalin ng
paparaming tekstong medikal na kailangang maisalin sa iba’t ibang wika , mas maaasahan daw ang mga
tagasalin na hindi doktor, na siyang magsagawa ng pagsasalin ng mga tekstong medikal .

Sa halip na physician o doktor ang ginamit niyang termino ay medical professional upang
tukuyin ang mga nars, dentist, paramedic at iba pa. Ayon sa kanya pareho-pareho lang din naman
silang kumuha ng kurso sa biology, chemistry, biochemistry,, organic chemistry, anatomy ,
physiology, pharmacology at iba pa kaya sila rin ay pamilyar sa lengguwaheng ginagamit sa
medisina.

Ani pa niya na mahalagang nauunawaan ng tagasalin ang wika ng medisina dahil ito ay punong
puno ng jargon at di karaniwang pamamarirala na di karaniwang naririnig o nababasa sa pang
araw araw na buhay.

Ang "jargon" ay tumutukoy sa mga teknikal na salita, terminolohiya, o pahayag na karaniwan at


espesyalisado sa isang partikular na larangan, propesyon, o grupo ng mga tao. Ito ay maaaring
maging sanhi ng pang-unawa o pagkakaroon ng hindi kasiya-siyang damdamin para sa mga
hindi eksperto o hindi miyembro ng nasabing larangan o komunidad.

ang jargon ay isang espesyalisadong wika o bokabularyo na nagiging bahagi ng komunikasyon


sa loob ng isang tiyak na grupo o larangan.

Halimbawa “the patients complains of such-and-such” “The patient’s chief complaint is” ibig
sabihin dito ay parang masyadong mareklamo ang mga pasyenteng kumokonsulta sa doktor. So
ginamit ang salitang “complaint” para tukuyin ang dinaramdam ng pasyente.

Kung isasalin natin ang salitang “complaint” sa Filipino ito ay magiging “reklamo”. Hindi ito
naangkop dahil ang salitang reklamo ay karaniwang naiuugnay sa mga bagay na idinudulog sa
korete o hukuman . Mas angkop na tumbasan ang salitang “complaint” ng “dinaramdam” o
“nararamdamang sakit” ng pasyente. Pero upang sigurado kailangang sumangguni muna sa mga
doktor, nars, at iba pang nasa propesyong medical upang malaman natin kung ano ang ginagamit
nila kapag sila ay nakikipag usap sa mga pasyente.

You might also like