Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

JESUS CALMS THE STORM

ICEBREAKER:
Tanungin ang mga bata kung tuwing kelan nila nararanasang natatakot sila.
Hayaan silang pasagutin.

Ngayon ay pagaralan natin ang Salita ng Diyos at alamin kung sino ang
makakatulong sa atin kapag tayo ay natatakot—at kung sino ang may
control sa lahat.

Isa sa mga kinakatakutan ng mga tao ay ang malalakas na bagyo.


At alam nyo ba na mayroong isang pangyayari sa Bible kung kailan ang ilang
mga tao ay natakot sa isang bagyo.
Ito ay walang iba kundi ang mga disciples ni Jesus.

Kung matatandaan ninyo, ang ilan sa mga disciples ni Jesus ay mga


mangingisda.
Syempre ang mga mangingisdang ito ay naglakbay na sa dagat nang
maraming beses.
Kaya't nang sumakay si Jesus sa bangka, sumakay din ang Kanyang mga
disciples.
Ngunit habang nasa Dagat sila ng Galilea, isang malakas na bagyo ang
dumating.

(Ikwento with action)

Matthew 8:23-27
23
Pagkasakay niya sa isang bangka, sumunod sa kaniya ang kaniyang mga
alagad.
24
Narito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa lawa. Ang bangka ay
natatabunan ng malalakas na alon. Ngunit si Jesus ay natutulog. 25 Lumapit
sa kaniya ang kaniyang mga alagad at ginising siya. Sinabi nila: Panginoon,
iligtas mo kami, napapahamak kami.
26
Sinabi ni Jesus sa kanila: Bakit kayo natatakot? O, kayong maliliit ang
pananampalataya. Nang magkagayon, bumangon siya at sinaway ang mga
hangin at ang mga alon. At nagkaroon ng isang malaking katahimikan.
27
Ngunit ang mga lalaki ay namangha at nagsabi: Anong uri ng tao ito na
maging ang mga hangin at dagat ay tumatalima sa kaniya?
Sa pangyayaring ito, ano ang matututunan natin tungkol kay Hesus?
-Natutunan natin dito na si Jesus ay makapangyarihan. Siya ay may kontrol
sa kalikasan. Sumusunod sa Kanya kahit ang bagyo, hangin at alon.

Bakit pinagalitan, o sinaway ni Jesus, ang Kanyang mga disipulo?


-Dahil maliit ang kanilang pananampalataya kay Jesus, natakot sila sa
bagyo.

Minsan tama ba natatakot tayo pumunta sa isang lugar ng tayo lang mag-
isa, pero kapag kasama natin magulang natin o kuya at ate, hindi na tayo
natatakot.
Bakit? Kasi alam mong may kasama ka, at alam mong hindi ka pababayaan
ng kasama mo.

Ganun din si Jesus sa atin, sa tuwing dumadaan tayo sa mga nakakatakot


na pagkakataon ng buhay, lagi nating tatandaan na kasama natin si Jesus.
Sya ay makapangyarihan at poprotektahan Nya tayo kaya wala tayong
dapat ikatakot. Sya ang may control sa lahat kaya hindi dapat tayo matakot
sa anumang pagdadaanan natin sa buhay.

Ang kailangan lang ay magtiwala at manampalataya tayo sa Kanya. Ang


tawag doon ay FAITH.

Ipa-spell sa mga bata. F-A-I-T-H

F for Forever, A for Always, I for I, T for Trust, H for Him.

Forever, Always, I Trust Him. (Recite)

Kahit kailan ay palagi tayong magtitiwala kay Jesus lalo na sa mga


nakakatakot na situation ng buhay natin.
ACTIVITY:

Color the picture, then fold. (Prepare a sample)

You might also like