Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Maranatha Christian Academy

Sta. Lucia St. Zone III, City of Koronadal, South Cotabato

Mother
Tongue
2
Ikaapat na Kwarter
Aralin 1: Pagsulat ng Liham
Ano ang liham?
- ang liham ay isang paraan ng paghahatid ng mensahe.Maaring ito ay liham
pangkaibigan na maaring nagbabalita, nag-aanyaya o nagpapasalamat.

Bahagi ng Liham
 Pamuhatan
 Bating Panimula
 Katawan ng Liham
 Bating Pangwakas
 Lagda

1. Pamuhatan
-isinusulat dito ang tirahan ng sumulat at petsa kung kailan ginawa ang
liham.

2. Bating Panimula
-ito’y bahagi ng pagbati ng sumulat sa sinusulatan. Maaring ito ay may
kasamang pangalan ng sinusulatan.

3. Katawan ng Liham
- Naglalaman ito ng mensaheng nais iparating ng sumulat sa sinusulatan.

4. Bating Pangwakas
- Ito ay nagpapaalam ng sumulat sa kanyang sinulatan.

5. Lagda
- Ito ay pangalan ng sumulat.
Halimbawa:

042 Abad Santos St.


Pamuhatan Brgy.Tumana Marikina City
Oktubre 7,2019

Mahal kong Shem, Bating Panimula

Magandang araw sa iyo aking kaibigan.Kahit matagal na


tayong hindi nagkikita hindi pa rin akoNakakalimot sa ating
pagkakaibigan.Kamusta ka na ba?Ang balita ko sa iyo ay
nagtatarabaho ka ngayon sa isang magandang kompanya. Ako
ngayon ay kasalukuyang bumalik sa pag-aaral upang tapusin
ito.Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.

Katawan ng Liham

Hanggang dito na lamang. Bating Pangwakas

Ang iyong kaibigan,


Lagda
Janine
Mga Halimbawa ng Liham

-Liham Pagbabalita

Ang ganitong uri ng liham ay madalas ginagamit


upang ipaalam sa taong susulatan ang mga
pangyayari mula sa taong nagpadala ng sulat.
Halimbawa

Mahal Kong Kaibigan,

Kamusta kana? Nais ko lang ipaalam sa iyo na


nakapasa ako sa bar exam at ngayon ay isa nang
ganap na abogado. Sana ay maabot mo din ang
mga pangarap mo.

Nagmamahal,
Carla
Liham Paanyaya

-Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin


upang ipaabot sa taong sinulatan ang isang
paparating na kaganapan tulad ng birthday,
binyag at kasal. Halimbawa

Mahal Kong Kaibigan,

Kamusta kana? Nais ko lang ipaalam sa iyo na


ako ay malapit ng ikasal at nais kong imbitahan ka
sa darating na ika-labing anim ng Hunyo taong
2019.

Nagmamahal,
Carla

Liham Paumanhin
-Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin
upang ipaabot sa taong susulatan ang pag hingi
ng paumanhin.

Mahal Kong Lyca,

Natanggap ko ang iyong liham at muli ako ay


humihingi ng paumanhin sa aking nagawa noong
nakaraang linggo at nangangakong ito ay hindi na
mauulit.

Lubos na gumagalang,
Peter
Liham Pagbati

-Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin


upang ipaabot sa taong susulatan ang pagbati sa
tagumpay na natamo. Halimbawa

Mahal Kong Joseph,

Natanggap ko ang iyong liham ay ako''y lubos


na nagagalak sa iyong pagkapasa bilang isang
abogado. Nawa''y pagpalain ka ng maykapal at
maging matagumpay sa iyong landas na
tatahakin.

Lubos na nagagalak,
Carla
Liham Pasasalamat

-Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin


upang ipaabot sa taong susulatan ang iyong
pasasalamat

Mahal Kong Kiera,

Natanggap ko ang iyong padalang package na


naglalaman ng mga damit pambata. Lubos akong
nagagalak sapagkat malaking tulong ito sa ating
charity.

Lubos na nagpapasalamat,
Carla
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

____________________,

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
________________________________

______________________,
______________________
Aralin 2: Pang-Uri na Magkasingkahulugan at Magkasalungat

Ano ang Pang-uring Panlarawan?


Ang pang-uring panlarawan ay naglalarawan ng isang
pangngalan o panghalip batay sa uri at kabagayan nito.
Ito ay nagpapakilala ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog,
yari, lasa o hugis ng pangngalan o panghalip

Halimbawa ng Pang-uri:

Mabaho
Mabait
Pula
Bilog
Malakas
Maasim
Halimbawa ng Paggamit ng Pang-uri sa Pangungusap:

1.Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad na ito.


2.Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga bata.
3.Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa kanto.
4.Araw-araw umaalis si Dexter para magtrabaho sa bayan.
5.Seryoso si Juliet sa sinabi niya kaya hindi na umatras si Ive.

May mga Pang-uring magkasingkahulugan at magkasulangat.

Magkasingkahulugan-
Dalawang salita na pareho o magkatulad ang ibig sabihin.
Mahalagang malaman ang kahulugan ng salita upang madaling
maibigay ang kasingkahulugan nito.

Magkasalungat-
Ang kabaliktaran o kasalungat ng isang salita. Kadalasan ang
salitang magkasalungat ay pang-uri o mga salitang naglalarawan
ng isang tao, bagay, hayop at pook o lugar.
Halimbawa: Pang-uring Magkasingkahulugan
Halimbawa: Pang-uring Magkasalungat
Gawain 1:
Gawain 2:
Gawain 3:

Tingnan ang mga pang-uri sa ibaba. Kung ang dalawang


pang-uri sa bawat bilang ay magkasingkahulugan lagyan ng
tsek( ) ang patlang at kung ito naman ay magkasalungat
lagyan naman ng ekis (X).

____1. matalim, mapurol ____11. malimit, madalas


____2. maralita, dukha ____12 mahal, mura
____3. makapal, manipis ____13. lubog, litaw
____4. masakit, mahapdi ____14. matulis, matalim
____5. gising, tulog ____15. makipot, makitid
____6. maluwag, masikip ____16. sariwa, bulok
____7. masaya, maligaya ____17. mapanganib, delikado
____8. malamig, mainit ____18. mayaman, maykaya
____9. tahimik, payapa ____19. matapang, duwag
____10. tama, mali ____20. nakaaaliw, nakalilib

You might also like