LAS Filipino 4 C2 Aklan Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

4

Learning Activity Sheet sa Filipino


Kuwarter 2 – MELC 2

Naisusulat ng wasto ang baybay ng


salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang
asignatura

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

1
Filipino 4
Learning Activity Sheet (LAS) 2
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 4

Manunulat: Juvileta I. De Mateo


Editor : Jose Darren J. Andres
Tagasuri : Josie R. Dela Cruz
Tagaguhit : Rocky L. Inawasan
Tagalapat : Jinealyn I. Tropa

Division of Aklan Management Team:


Miguel Mac D. Aposin, Ed.D., CESO V
Jose Niro R. Nillasca
Dr. Dobie P. Parohinog
Mahnnie Q. Tolentino
Marth S. Tropa

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

2
MABUHAY!

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo


sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Aklan
at Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management
Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan
ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga
gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay
naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-
kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila
ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw


ang mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na
patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral
(learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing Layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng


makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-
aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat Gawain.

3
Kuwarter 2, Linggo 1.b

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.2

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: _________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 4

I. Kasanayanng Pampagkatutu at Koda

Naisusulat ng wasto ang baybay sa salitang natutuhan sa aralin;


salitang hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura. (F4PU-IIa-j-1)

II. Panimula:

Yumaman ang Ortograpiya sa wikang Filipino dahil sa paghiram sa


mga banyagang salita kagaya ng Ingles, Español, Hapon, at Italyano at sa
mga bernakular o mga lokal/panrehiyonal/lalawiganing wika sa Pilipinas.
Ito ang wikang pinagyaman sa tulong ng mga dalubwikang mula sa mga
unibersidad sa Pilipinas at sa mga namahala sa Komisyon ng Wikang
Filipino (KWF).

May mga mahahalagang alituntunin sa pagbaybay. Sa


pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang
bigkas, siyáng sulat” sa pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito
nasusunod sa “mga” na isang pagpapaikli sa lumang anyo nitóng “manga”
at ginagamit hanggang sa bungad ng ika-20 siglo.

Gamit ng Walong Bagong Titik. Isang radikal na pagbabago sa


pagbaybay na pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa
modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga
ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita
mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay
napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga
katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang “Ifugaw”
ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan.”

Lumang Salitang Español. Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang


salita mulang Español ang mga nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano
(1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo
Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban. Nakatanghal sa
inilistang mga lumang hiram na salita mulang Español ang naganap na

4
pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa
anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa bakasyón (vacacion), kabáyo
(caballo), kandilà (candela), puwérsa (fuerza), letsón (lechon), lisénsiyá
(licencia), sibúyas (cebolla+s), siláhis (celaje+s), sóna (zona), kómang
(manco), kumustá (como esta), pórke (por que), at libo-libo pa sa Bikol,
Ilokano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, Waray, at
ibang wikang katutubo na naabot ng kolonyalismong Espanyol.

Di-Binabagong Bagong Hiram. Ngunit pigilin ang pagbaybay


paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita mulang Español.
Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan sa
dalawang binanggit na diksiyonaryo na una nang nabanggit. Halimbawa,
maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang fútbol, fertíl, fósil,
vísa, vertebrá, zígzag. Samantala, dahil sa walong dagdag na titik,
maraming salita mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi
nangangailangan ng pagbago sa ispeling, gaya ng fern, fólder, jam, jar, lével
(na hindi dapat bigkasing mabilis, gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang
isa itong salitang Espanyol), énvoy, devélop, ziggúrat, zip.
Eksperimento sa Ingles. Ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang
eksperimento sa reispeling o pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong
hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga. Dapat madagdagan nang higit ang
istambay (stand by), iskul (school), iskedyul (schedule), pulis (police),
boksing (boxing), rises (recess), bilding (building), groseri (grocery), anderpas
(underpass), haywey (highway), trapik (traffic), gradweyt (graduate), korni
(corny), “pisbol” (fishball), masinggan (machinegun), armalayt (armalite),
bisnes (business), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga
mag-aaral dahil higit na madali niláng makikilála ang nakasulat na bersiyon
ng salita.
Kailan Hindi Pa Maaari ang Reispeling. Ngunit tinitimpi ang
pagsasaFilipino ng ispeling ng mga bagong hiram kapag: (1) nagiging
kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Filipino, (2) nagiging higit pang
mahirap basáhin ang bagong anyo kaysa orihinal, (3) nasisira ang
kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan, (4)
higit nang popular ang anyo sa orihinal, at (5) lumilikha ng kaguluhan ang
bagong anyo dahil may kahawig na salita sa Filipino.
Halimbawa, bakâ walang bumili ng “Kok” (Coke) at mapagkamalan
itong pinaikling tilaok ng manok. Matagal mag-iisip ang makabása ng
“karbon day-oksayd” bago niya maikonekta ito sa sangkap ng hangin. Iba
ang baguette ng mga Pranses sa ating kolokyal na “bagets.” Nawawala ang
samyo ng bouquet sa nireispel na “bukey.” Nakasanayan nang basahin ang
duty-free kayâ ipagtataká ang karatulang “dyuti-fri.” May dating na
pambatas ang habeas corpus kaysa isina-Filipinong “habyas korpus.”
Bukod sa hindi agad makikilála ay nababawasan ang kabuluhang
pangkultura ng feng shui kapag binaybay na “fung soy” samantalang
5
mapagkakamalan pang gamit sa larong dáma ang pizza kapag isinulat na
“pitsa.” Malinaw ding epekto ito ng lubhang pagkalantad ng paningin ng
mga Filipino sa mga kasangkapang biswal (iskrin, karatula, bilbord) na

Upang mahiram ang mga bernakular, gamitin ang mga salitang ito
upang maging bahagi na ng talasalitaang Filipino. Kapag hiniram, wala
nang sulian.

Sa panghihiram may kinukuha nang buo at di binabago ang baybay.


Ang iba naman ay binabaybay ayon sa alpabetong Filipino at Ortograpiyang
Pambansa.

III. Sanggunian:
Binagong Ortograpiya sa Wikang Filipino. Ikalimang Borador. 2013. Pahina
16-20.

IV. Mga Gawain


Gawain 1

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang wastong baybay ng mga salitang hiram
na makikita sa unang hanay atiugnay ito sa asignatura. Gawing gabay ang
halimbawa.

Salita Binaybay ayon sa Ano/Ano-anong Asignatura na


Alpabetong maaaring iugnay ang mga
Filipino/Ortograpiyan salitang hiram
g Pambansa
Halimbawa:
Ballpen bolpen Maaaring
English/Filipino/MTB-MLE/Pa
mamahayag(Journalism)
1. hospital
2. selection
3. article
4. determination
5. serve
6. Chess
7. wheelchair
8. cake
9. ball
10. number

6
Gawain 2
Panuto: Isulat ang wastong baybay ng sumusunod na mga salitang hiram
sa palabaybayang Filipino.

Halimbawa:
boxing _____boksing__________

1. fishball _______________________
2. machinegun _______________________
3. computer _______________________
4. police _______________________
5. nurse _______________________
6. muscle _______________________
7. folder _______________________
8. subject _______________________
9. diary _______________________
10. jeep _______________________

Tandaan:
Sa pagbaybay ng mga salitang natutuhan mula sa mga aralin, mga hiram
at mga salitang may kaugnayan sa inyong mga asignatura ay mahalagang
isaalang-alang ang mga alituntunin na naaayon sa Palabaybayang Filipino at
Ortograpiya sa Wikang Filipino. Mahalga na alam natin ang mga wastong
pagbaybay na pasulat sa wikang Filipino.
Sa panghihiram may kinukuha nang buo at di binabago ang baybay. Ang
iba naman ay binabaybay ayon sa alpabetong Filipino at Ortograpiyang
Pambansa.

V. Repleksiyon

Ano-ano ang mahahalagang pamantayan ang dapat tandaan at taglayin ng


isang batang magaling sa pagbaybay ng mga salita sa Filipino?

VI. Susi sa Pagwawasto


7
Gawain 1

Salita Binaybay ayon sa Ano/ Ano-anong Asignatura na


Alpabetong nmaaring iugnay ang mga
Filipino/Ortograpiyan salitang hiram
g Pambansa
Halimbawa:
Ballpen bolpen Maaaring
English/Filipino/MTB-MLE/Pa
mamahayag(Journalism)
1. hospital ospital Health
2. selection seleksiyon PE
3. article artikulo English/Flipino/ MTB-MLE
4. determination determinasyon EsP
5. serve silbi TLE
6. chess chess PE
7. wheelchair wheelchair Science/Health
8. cake keyk EPP/TLE
9. ball bola PE
10. number numero Matematika

Gawain 2
1. pisbol
2. masinggan
3. kompuyter
4. pulis
5. nars
6. masel
7. folder
8. sabjek
9. dayari
10. dyip

You might also like