Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Kaya natin to dahil tayo ay Pilipino”

Sampung taon na ang nakakalipas ng huling bayuhin ng isang malasa na


bagyo ang Northern Luzon.Sa mga panahong ito ang bagyong pepeng ay
nagdala ng napakalaking pinsala hindi lamang sa agrikultura pati na rin sa
ekonomiya ng mga probinsya. Nagdala ri n ito ng pighati sa bawat tao dahil dulot
nito sa bawat isa. Ngunit tila ang bagyo ay panandaliang pagsubok lamang sa
mga Pilipino, ano nga ba ang taglay ng mga Pilipino at bakit kahit anong dilubyo
ay nanatili paring nakangiti at matatag ang bawat tao?
Nakalipas ang ilang taon muling bumangon ang mga nasalanta ng bagyo.
Namumbalik ang kulay sa paligi, ang tunog ng halakhakan at nanatili paring
matatag ang bawat isa
Ngunit pagkalipas ulit ng ilang taon muli nanaman sinubok ang katatagan
ng mga taga Northern Luzon pati na rin ng CAR region nang ibalita ng PAGASA
na may isang malakas na bagyo ang papsok sa Philippine Area of Responsibility
(PAR). Dahil sa nagyaring bagyo noong mga nakaraang taon ang mga
government offices ay naghanda na sa paparating ng bagyo. HAbang hindi pa
nakakapasok sa PAR ang bagyo, Setyembre 13,2018 nagkansela na ng mga
klase ang ibang mga lalawigan upang maihanda ang mga sarili, pamilya.
Ayon sa PAGASA, Setyembre 12, alas dos ng umaga pumasok sa PAR
ang bagyong Ompong n may lakas na 240 km/hr, Setyrmbre 13 patuloy na
binabaybay ng bagyo ang daan patungo sa Northern Luzon. Styembre 15 ala
una ng medaling araw naglandfall ang bagyo sa lupa ( Cagayan) na nagdala ng
malakas na pagbayo ng hangin at ulan sa mga kalapit ng probinsya. Umaga ng
Setyembre 15 naranasan ang hagupit ng bagyo, MAraming pamilya ang lumikas
sa nga evacuation center upang maiwasan ang ano mang masamang magyari
dahil napanatili ng bagyo ang lakas nito na maaring sumira sa mga tahanan at
kumitil ng buhay ng mga mamamayan. Setyembre 15 ng gabi sadyang humina
nag ulan dahil ang bagyo ay palabas na ng PAR. Setyembre 16 tuluyan ng
nakalabas ang bagyo.
Paglabas ng bayo kinabukasan gumulat sa bawat isa ang pinsalang dulot
ng bagyo sa agrikultura at mga imprastraktura. Mahigit 70 na ato ang namatay at
mahigit 60 na tao parin ang pinaghahanap sa Itogon, Benguet. Patuloy ang man
manong rescue operation sa Benguet at hindi nawawalan ng pag asa ng bawat
pamilya ng nawawala na mahahanap ang kanilang mga mahal sa buhay.
Maraming ring nasirang mga pananim na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng
gulay sa mga pamilihan. Sa ibang karatig na probinsya naman tulad ng Ilcos
Norte, naparaming pananim na palay n asana ang aanihin sa katapusan ng
Setyembre ngunit dahil sa bagyo wala nang aanihin pa ang mga magsasaka at
lugi pa sila sa ipinuhunan nila. Zero casualty naman ang naitala sa probinsya ng
La Union, ito ay dulot ng maigting na maghahanda ng mga opisyal ng probinsya
at sa tulong na rin ng ibang mga government agencies sa lalawigan.Ayon sa
ABS-CBN news tinatayang mahigit 1.4 milyong piso ang pinsala sa agrikultura at
iba pa. Handang tumulong ang mga sangay ng gobyerno sa mga nasalanta ng
bagyo.
Hindi man natin mapipigilan ang ano mang trahedya na maaring sumubok
sa ating katatagan at pananalig sa Diyos pero kaya nating manindigan na walang
trahedya ang tutumba o tatalo sa isang tao, isang pamilya at isang bansa na na
walang ibang hangarin kundi ang mapaunlad hindi lamang ang ekonomiya kundi
pati narin ang pagkakaisa.

You might also like