ST - Esp 6 - Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ESP 6

Summative Test – 2nd Quarter

I.Panuto: Basahin at unuwaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

_____ 1. Aling pangungusap ang sinasang-ayunan mo?


A. Dapat sundin ang batas kung gusto mo.
B. Dapat sundin palagi ng lahat ng tao ang batas.
C. Sundin ang batas kung ito ay makabubuti sa atin.
D. Sundin ang mga batas kung may pulis na nakatingin.
_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa batas?
A. Tumawid kapag green light C. pagsunod sa mga babala
B. Magtapon ng basura kahit saan D. Sasakyang maiitm ang usok
_____ 3. Magaganda ang mga bulaklak sa paligid ng monumento ni Rizal. Ibig mamitas ng
iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaang ko siyang mamitas C. Pagsabihan ko siya na bawal mamitas
B. Sasamahan ko siyang mamitas D. Magkunwari na diko siya kasama

_____ 4. Ang pagtawid sa mga kalsada ay ginagamit ang underpass, overpass at guhit
tawiran. Sino ang pinangangalagaan ng mga ito?
A. Tao B. hayop C. sasakyan D. bagay
_____ 5. Ang mga lumalabag sa batas ay dapat parusahan.
A. Tama B. Mali C. Hindi D. minsan
_____ 6. Ang kaibigan mong si Sarah ay hindi pumasok sa paaralan. Nagtatrabaho na siya
para sa kanyang pamilya. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa bantay bata 163 C. Humanap ng tao na tutulong sa kanya
B. Isumbong siya sa mga pulis D. Humanap ng pamilya na maaaring pasukan niya

_____ 7. Ayaw ni Nina ang maabala. Nais niyang mapag-isa sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. Tawagin ang mga kaibigan mo para kausapin siya.
B. Huwag siyang kausapin kahit kalian
C. Tawagin ang mga magulang niya
D. Iwanan siyang mag-isa.
_____ 8. Malimit na mababa ang nakukuhang marka ng kaklase mong si Tonton. Ano ang
gagawin mo?
A. Hayaan siyang kopyahin ang iyong sagot.
B. Hayaan siyang makakuha ng mababang marka.
C. Sabihin ito sa mga kaibigan upang matulungan siya.
D. Turuan siya ng nalalaman mo bago magkaroon ng pagsusulit.
_____ 9. Mahirap ang itinakdang gawain ng guro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Mangopya ng gawain ng iba.
B. Humingi ng tulong sa kaklase.
C. Hayaan ang magulang na gumawa nito.
D. Gawin ang itinakdang gawain ayon sa makakaya.
_____ 10. Gumagawa ka ng takdang aralin. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro. Ano
ang gagawin mo?
A. Makipaglaro sa kanya pagkatapos ay gawin ang takdang-aralin.
B. Magpatulong sa kanya sa paggawa ng takdang -aralin.
C. Tapusin ang takdang-aralin at saka makipaglaro.
D. Maglaro habang gumagawa ng takdang-aralin.
_____ 11. Nahulog sa hagdan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Tulungan at dalhin sa klinika
B. Huwag pansinin at pabayaan na lamang.
C. Tumawag ng ibang bata para tulungan siya.
D. Pagtawanan siya sa kanyang pagkahulog.
_____ 12. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?
A. Makinig sa nagsasalita.
B. Gawin ang nais na gawin.
C. Sumunod sa mga iminumungkahi.
D. Sabihin sa iba kung ano ang gagawin.
_____ 13. Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?
A. Upang humingi ng donasyon.
B. Upang lumaki ang perang ipon.
C. Upang mabago ang kalagayan ng mga tao.
D. Upang magkaroon ng programang ipatutupad.
_____ 14. Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?
A. Ang mga nagplano at nagpatupad nito.
B. Ang mataas na opisyal ng gobyerno.
C. Ang manggagawa sa pamahalaan.
D. Ang mamamayang Pilipino.
_____ 15. Paano ka makikisali sa kampanya ng pamahalaan?
A. Sumali sa rali.
B. Humingi ng tulong o donasyon.
C. Gawin ang nais ng kampanya.
D. Labanan ang kampanya.

II. Lagyan ng puso ang pangungusap kung ito ay nagpapakita ng pagiging responsable
at malungkot na mukha naman kung nagpapakita ito ng pagiging iresponsable. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.
___1. Pagsasawalang kibo upang makalimutan ang hindi natupad na pangako.
___2. Pagtupad sa anumang kasunduan sa tahanan man o sa paaralan.
___3. Paghahanap ng dahilan upang matakasan ang ipinangako sa kaibigan.
___4. Pagbibigay ng pangako kahit na alam na hindi ito kayang tuparin.
___5. Pagtatago ng sikreto sa kaibigan upang hindi masaktan ang kaniyang damdamin.
___6. Paghingi ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi natutupad ang ipinangako.
___7. Pagpapasa ng mga proyekto sa itinakdang oras.
___8. Pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras kahit ito pa ay makasakit sa damdamin ng iyong
kaibigan.
___9. Sinusubukan ang lahat ng paraan upang tuparin ang pinangako.
___10. Pag-iwas sa pagbibigay ng pangakong hindi kayang tuparin.

Basahin at unawain ang bawat pahayag na nagpapakita ng pagiging iresponsable. Ipaliwanag


ang di-mabuting dulot nito.

11-12. Nangako si June sa kaniyang OFW na nanay na di na magpupuyat upang hindi na


mahuli sa klase. Ngunit hindi niya ito tinupad at ipinagpatuloy ang pagpupuyat gamit ang
kanilang computer.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________

13-14. Araw ng palugit ng pagpapasa ni Rica ng kaniyang proyekto ngunit hindi pa niya ito
nasisimulan dahil abala siya sa panonood ng telebisyon at paggamit ng cellphone araw-araw.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________

15-16. Hiniram ni Jeff ang sapatos ng kaniyang kaibigan at ipinangakong ibabalik ito
kinabukasan dahil gagamitin rin ito ng kaniyang kaibigan. Kinabukasan ay ginamit pa rin ni
Jeff ang sapatos at hindi ito ibinalik sa kaniyang kaibigan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________

17-18. Alam ni Josh na bawal ang mag-cutting classes ngunit ginawa pa rin niya ito dahil
wala siyang maipapasang takdang aralin sa kaniyang guro.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________

19-20. Hindi kinikibo ni Peter ang kaniyang kaibigan dahil nakalimutan nitong tuparin ang
kanilang kasunduan na tutulungan siya nito sa pagsasanay sa talumpati.
___________________________________________________________________________

You might also like