Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region IV-B MIMAROPA


Division of Romblon
Alcantara District

Assessment 2 in FILIPINO 3
(Week 3 and 4)

Name: ___________________________ Date: ________________


Parent’s signature: _______________ Date signed: _________

Panuto: Basahin at unawain ang teksto.

MABUTING EPEKTO NG BAWANG

Tumutulong ka bang magluto sa iyong mga


magulang? Siguro ay nasubukan mo nang
magbalat ng bawang. Ano ang masasabi mo
sa sangkap na bawang? Halos lahat ng mga
paborito nating ulam ay may bawang.
Madalas kasi paggigisa ang unang hakbang sa
pagluluto ng mga pagkaing Pinoy. Kaya
naman halos lahat ng pamilyang Pilipino ay hindi nawawalan ng bawang
sa bahay. Pero alam mo ba na bukod sa masarap itong ihalo sa pagkain
ay marami rin itong medicinal properties?
Nakapagpapalakas ito ng immune system. Sagana ang bawang sa
vitamins B6 at C. Mainam ang mga ito para palakasin ang iyong immune
system. Nakatutulong din ang vitamin C ng bawang para mapabilis ang
paggaling ng iyong mga sugat, pati na rin sa pagpapanatili nang
malusog na mga buto at ngipin.
Nakapagpapaganda ito ng buhok at balat. Dahil mayaman sa
antioxidants at antibacterial properties ang bawang, sabi ng mga
eksperto, mabisa itong panlaban sa mga acne-causing bacteria. Mataas
din ang bawang sa manganese at selenium na siyang makatutulong para
mas maging maganda ang tubo ng iyong buhok. Makatutulong din ito
para mas maging malusog ang iyong anit.
Napakaraming benepisyo ng bawang. Bukod pa riyan, hindi rin
kompleto ang mga pagkaing Pinoy kung hindi iginisa sa bawang ang
mga ito. Sa katunayan, ginagawa pa nga nating chips ang bawang,
masarap na, masustansiya pa!
I. Panuto: Sa talaan na nasa ibaba, isulat sa mga kahon ang bago
mong kaalaman tungkol sa mabuting epekto ng bawang.
Dating Kaalaman Bagong Kaalaman
Simpleng panggisa sa ulam 1.

Uri ng pampalasa 2.

Uri ng sangkap sa pagluluto 3.

4.

5.

Panuto: Gamit ang mga pahiwatig, tukuyin ang kahulugan ng mga salitang
may salungguhit sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Naiwan ni Kulas ang kanyang sinasaing na kanin, naaamoy ko na
ngayon ang alimpuyok.
a. amoy ng mabangong bulaklak
b. amoy ng sunog na kanin
c. amoy ng mabahong damit
d. amoy ng malansang isda
7. Tama ang aking sapantaha, kinuha niya ang aking sapatos.
a. hinala b. pagsisisi c. pagtula d. sinabi
8. Nakakikilabot sa ating mga Pilipino na malaman ang nakasisindak
na balitang patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa buong
mundo.
a. malaman b. patuloy c. nakasisindak d. pagtaas

9. Di-mapapantayang tuwa ang nadarama ni Claira Mae nang


naapuhap niya ang bagay na kanyang nahanap sa kanyang
kuwarto.
a. nadama b. nahanap c. natikman d. narinig

10. Handa kong damayan ang aking katoto na si Ramon sa anomang


mga pagsubok sa buhay sapagkat kami ay para nang magkakapatid
ang turing sa isa’t isa.
a.kaibigan b. kaklase c. kasosyo d. kalaban
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang sitwasyon upang
maibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap.
Halimbawa.

Mapitagan ang batang si Kyle.


Lagi siyang gumagamit ng magagalang na pananalita.

11.Ang aming barangay ay payapang lugar.


Walang nag-aaway dito sapagkat magkakasundo ang mga tao rito.

12. Ang mga isda ay bilasa na sapagkat nakalimutan niya itong ilagay sa
palamigan kaya hindi na ito sariwa.

13. Si Alyana ay matipid sa pera hindi siya bumibili ng bagay na hindi niya
kailangan.

14. Ang anak ni Gng. Santos ay masipag. Siya ay gumagawa ng mga


gawain sa bahay kahit hindi inuutusan.

15. Masarap ang nilutong ulam ng Nanay ni Zeny malinamnam at malasa


ito.
Assessment Test
Talaan ng Ispikasyon sa EsP 3
Ikalawang Markahan
(Week 3 at Week 4)
Layunin Bilang Kinalalagyan Bahagdan
ng ng Bilang
Aytem
1. Maipakita ang malasakit sa may
mga kapansanan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng simpleng tulong sa 5 1-5 33
kanilang pangangailangan (EsP3P-
IIc-e – 15)
2. Maipakita ang malasakit sa may
mga kapansanan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng pagkakataon
upang sumali at lumahok sa mga
palaro o larangan ng isport, 5 6-15 67
programang pampaaralan at iba
pang paligsahan sa pamayanan
(EsP3P- IIc-e – 15)

Susi sa Pagwawasto

1. nagpapalakas ng immune system 6. B


2. nakapagpapaganda ng buhok at balat 7. A
3. nagpapalusog ng anit 8. C

4. mabilis magpagaling ng sugat 9. B


5. pagpapanatili ng malusog na mga buto at ngipin 10. A

11. Walang nag-aaway dito sapagkat magkakasundo ang mga tao rito.

12. hindi na ito sariwa.

13. hindi siya bumibili ng bagay na hindi niya kailangan.

14. Siya ay gumagawa ng mga gawain sa bahay kahit hindi inuutusan.

15. malinamnam at malasa ito.

You might also like