Professional Documents
Culture Documents
Talumpati Ni Pang Rodrigo Duterte Edited
Talumpati Ni Pang Rodrigo Duterte Edited
Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga pamahalaang demokratiko at isa na rito ang
administrasyong ito. Kayâ kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mamamayan, damhin
ang kanilang mga pulso, ipagkaloob ang kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang
paniniwala at pagtitiwala sa atin na iniluklok nilá sa ating mga katungkulan.
Marami sa atin ang nagsabi na ang mga suliraning sumisira sa ating bansa ngayon na kailangang
matugunan kaagad ay korupsiyon, kapuwa sa matataas at mabababàng antas sa pamahalaan;
kriminalidad sa lansangan, at ang laganap na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lahat ng
panig ng lipunang Filipino, at ang kawalan ng paggálang sa batas at kaayusan.
Totoo, bagaman hindi ganap na totoo. Sapagkat para sa akin ang mga suliraning ito ay mga
palatandaan lámang ng isang malubhang sakít ng lipunan na sumisira at dumudurog sa
katatagang moral ng lipunang Filipino. Sa palagay ko, may suliranin na mas malalim at mas
mabigat pa kaysa alinman sa mga nabanggit o kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng iyon.
Ngunit mangyari pa, hindi na kailangan pang sabihin na isasantabi natin ang mga iyon sapagkat
kailangang masugpo ang mga iyon sa anumang paraang ipinahihintulot ng batas.
Totoó, ang problema natin ay problema ding nagpapahinà sa espiritu ng tao. Subalit hindi pa
hulí ang lahat.
Alam ko na may hindi sumasang-ayon sa aking mga paraan sa pagsugpo ng kriminalidad, sa
pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at sa korupsiyon. Sabi nilá ang ganitong
pamamaraan ay lihis sa karaniwan at nása bingit ng pagiging ilegal.
Nais kong sabihin ito bilang tugon: Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo ng
bayan, na inilaan upang iahon ang mahihirap mula sa lusak na kanilang kinasadlakan.
Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin
ang mga relasyong pampamilya. Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang
magdaraya, ay hinahablot sa mga inosente at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid
para makaipon. Mga taon ng pagsisikap upang, bigla, bumalik silá kung saan nag-umpisa.
Tingnan natin ito mula sa ganitong pananaw at sabihin ninyo sa akin kung ako ay mali.
Sa labang ito, hinahámon ko ang Kongreso at ang Komisyon sa Karapatang Pantao at ang ibá pa
na mayroong kahalintulad na gawain upang pahintulutan kami sa isang uri ng pamamahala na
umaalinsunod sa itinatadhana ng batas.
Higit pa kaysa pagkuha ng boto. Ito ang mga sigaw ko sa pakikipaglaban sa ngalan ng mga táong
uhaw na uhaw sa tunay at makabuluhang pagbabago. Subalit ang pagbabago, kung nais na
maging permanente at makabuluhan, ay dapat na magsimula sa atin at sa ating mga sarili.
Sa salita ni F. Sionil Jose, naging pinakamalupit na kaaway natin ang ating sarili. Dahil dito, dapat
na may tapang táyo at pagkukusang baguhin ang ating mga sarili.
Ang pag-ibig sa bayan, pagpigil sa mga personal na interes alang-alang sa kabutihan ng lahat,
malasakit sa mahihinà at maralita—kasáma ang mga ito sa mga hálagáhang naglaho na at
nagmaliw, at nais nating maibalik at mapalakas muli sa pagsisimula ng ating paglalakbay túngo
sa mas mabuting Pilipinas.
Magiging mahirap ang paglalakbay na ito. Subalit halina’t samáhan pa rin ninyo ako.
Magkakasáma, magkakabalikat, nating isagawa ang unang mabubuway na hakbang sa
hangaring ito.
Mula naman kay (Abraham) Lincoln, nais kong hugutin ang pahayag na ito:
“Hindi mo mapalalakas ang mahinà sa pamamagitan ng pagpapahinà sa malalakas; Hindi mo
matutulungan ang mahirap sa pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; Hindi mo
matutulungan ang sumasahod sa pamamagitan ng paghila pababâ sa nagpapasahod; Hindi mo
maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa
lipunan .”
Ang aking mga patakarang ekonomiko, pinansiyal, at politikal ay nakapaloob sa mga pahayag na
iyon, kahit pa isinalin sa malawakang paraan. Matuto kayong magbasá. Hindi ko na kailangang
magtungo sa mga detalye. Ibibigay ang mga ito sa inyo sa takdang panahon.
Kayâ, inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na bawasan ang
mga rekisito at panahon sa pagproseso ng mga aplikasyon, mula sa pagsusumite hanggang
pagpapalabas. Inaatas ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na alisin
ang mga nag-uulit na rekisito at ang pagtalima sa isang kagawaran o ahensiya ay sapat na para
sa lahat.
Inuutos ko sa lahat ng mga kalihim ng kagawaran at punò ng ahensiya na umiwas sa pagbago at
pagbaluktot ng tuntunin sa mga kontrata, transaksiyon, at proyekto ng pamahalaang pinagtibay
na at naghihintay ng pagpapatupad. Ang pagbabago ng mga tuntunin hábang nangyayari ang
laro ay malî.
Gawin ninyo ito at magtatrabaho táyo nang magkasáma. Huwag ninyong gawin, at
maghihiwalay táyo nang mas maaga sa inaasahan.
Umaasa ako sa pakikilahok ng ibá pang stakeholder, lalo na ang ating mga lumad, upang
matiyak ang pakikibahagi ng lahat sa prosesong pangkapayapaan.
Mula roon, hinihiling ko sa bawat isa, at ang tinutukoy ko ay ang lahat, na samáhan ako sa
pagsisimula ng krusada para sa mas mabuti at maliwanag na kinabukasan.
Ngunit bago ako magtapos, hayaan ninyong ipahayag ko, sa ngalan ng mga Filipino, ang
pakikiramay sa Republika ng Turkey dahil sa nangyari sa kanilang lugar. Ipinaaabot namin ang
aming mataos na pakikiramay.
Bakit ako narito? Narito ako dahil mahal ko ang ak
ing bansa at mahal ko ang mga mamamayan ng Filipinas. Narito ako. Bakit? Dahil handa na
akong simulan ang paglilingkod sa bansa.
Maraming salamat at magandang hápon sa inyo.