Kyle Dumalaog BSIT 2-3 Fil

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kyle Dumalaog

BSIT 2-3

Tungkol sa aking nabasang pananaliksik. Ang kaugnayan ng kaputian sa kasaysayan at


pagiging Filipino ay parang isang Epidemyang lumalaganap at lumalala sa paglipas ng
panahon, na kung saan ay unti-unting nababago ang kaisipan at naghihirang ng
panibagong identidad na tuluyang nakakalimot sa kasaysayan ng pagiging isang Filipino.
Para sa akin, maihahalintulad ito sa pinagdaanan ng mga Irish na kung saan sa Filipino
ay limitado lamang ang mga nakakapagaral sa panahon ng kastila. Mayayaman lamang
ang may akses sa mga mataas na antas ng paaralan kaya sila lang ang nagkaka ideya
at nakakalamang sa iba, at tayo ay nananatiling kulang ang kaalaman. Subalit ang
edukasyon din ang nagging daan upang tayo ay mamulat at maging handa na
pangasiwaan ang ating lupang kinagisnan laban sa mga taong gustong sakupin ito.
Aking napapansing suliranin sa eduksayon hanggang ngayon ay ang kakulangan padin
sa mga pasilidad at akses sa pagaaral sa kahit anong antas. Oo, mayroon na tayong mga
nasusulong na mga libreng paaral hanggang kolehiyo subalit tila mas marami ang
nagiging drop out sa panahon natin ngayon? Mayroon ding kakulangan sa pasahod sa
guro at kakulangan sa badyet na para sa mga kagamitan sa pagaaral. Hindi makakailang
kulang na kulang ang suporta upang palawigin ang edukasyon para sa lahat.
Sa larangan naming mga IT ang pananaliksik ay maaring maging instrumento para lalong
lumaganap ang aming kaisipan at magkaroon ng sagot na maaring maging tulong sa
suliranin ng ating lipunan ngayon. Dito, maari nating masabayan ang mga hakbang na
ginagawa ng mga taga kanluran sa pag gawa o pag imbento ng mga bagay na may
kaugnayan sa paglaganap ng teknolohiya at pang ekonomiya.
Sa kabuuan, napakahalaga ng kasaysayan at pagiging Filipino sa ating pagkakakilanlan
at paglago bilang isang bansa. Ang kaputian o pagkalimot sa ating kasaysayan ay isang
usapin na dapat nating tutukan at harapin. Ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon
at iba't ibang disiplina sa Pilipinas ay nagsisilbing hamon upang mabago at mapabuti ang
ating sistema. Sa pamamagitan ng pananaliksik at ang paghimay nito sa mga isyung
kanluranin at suliraning panlipunan, maaari tayong magkaroon ng mas malalim na pag-
unawa sa ating mga pinagmulan at mag-abot ng mga solusyon para sa ating lipunan.

You might also like