Kalamidad (G1)

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KALAMIDAD

Ano ang Kalamidad?

Ang kalamidad ay isang pangyayari o kaganapan na nagdudulot ng


malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na
sinasalanta nito, matuturing din itong kontemporaryong isyu na hinaharap ng
halos lahat ng bansa sa mundo. Ito ay may iba’t ibang uri at napapabilang sa
dalawang klasipikasyon. Una, natural na kalamidad na dulot ng kalikasan at
ang pangalawa naman ay ang kagagawan ng maling aksiyon ng mga tao. Ang
mga sumusunod ay isa sa mga halimbawa ng kalamidad; pagbagyo, pagbaha,
storm surge, paglindol, tsunami, pandemya, pagputok ng bulkan, El Nino, La
Nina, pagguho ng lupa, at buhawi. Ang mga tao, hayop, kalikasan, at ari-
arian ang kalimitang nabibiktima o nagtatamo ng kasiraan sa mga kalunos-
lunos na mga pangyayaring ito.
Epekto at Dahilan ng Kalimidad

Labis na “casualties” ang


natatamo tuwing may sakuna
o kalamidad, maging ang
bilang ng mga sugatan ayon
sa mga nakalap na datos ay
mataas din. Pagtaas ng presyo
ng bilihin, problema sa relief
operation at rehabilitation
efforts, abnormal na daloy ng
ekonomiya, at pagkawasak ng
mga gusali ang mga epekto
ng kalamidad. Dahil alam na
natin ang epekto ng
kalamidad, kailangang
ngayon naman ay tukuyin
natin ang dahilan ng mga
pangunahing sanhi kung bakit nangyayari ang mga ito. Una, pagsusunog ng
mga basura tulad ng mga plastic na nagreresulta sa pagkasira ng ozone layer
at nagdudulot ng climate chage. Pangalawa, pagpuputol ng mga puno sa
kapaligiran o maling paraan ng pagmimina na dahilan ng pagkakaroon ng
pagguho ng lupa o landslide at ikatlo, hindi paglilinis ng mga estero ng kanal
na nagdudulot ng pagbaha at iba pa.
Solusyon

Ang pangunahing solusyon


na makapipigil dito ay ang
laging pagiging handa
natin, tulad ng paghahanda
ng mga emergency kit
upang magamit sa oras ng
pangangailangan, pag-iwas
sa illegal na gawaing
pantao, pakikinig sa balita,
umatenda sa mga safety
drills o mga programa ng
gobyerno sa pag-iwas sa
mga trahedya, at ang
panghuli ay sumali sa mga adbokasiya na nakatutulong upang pangalagaan
ang kalikasan at isapuso ito tulad ng “tree planting”,”community service”, at
“paggamit ng 5r’s.”
Dapat Alam Mo!

Tinatayang umaabot ng 20-25 bagyo ang


tumatama sa Pilipinas kada isang taon at kaya
rin laging nasasalanta ang Pilipinas ng iba’t
ibang uri ng kalamidad gaya ng pagputok ng
bulkan, lindol, at bagyo ay dahil sa kadahilanang
nabibilang tayo sa “Pacific Ring of Fire’’ o
“Typhoon Belt’’ kung saan nangangahulugang
ang ating bansa ay nasa ruta ng mga bagyo at
malapit sa mga aktibong bulkan. Mayroon din
tayong malawak na karagatan at mga ilog na
nagdudulot ng pagbaha sa maraming lugar. Ang
mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad na bagyo sa Pilipinas ay ang
Eastern Visayas, Bicol Region, at Northern Luzon. Habang ang Central
Visayas, Southern Luzon, at Mindanao naman ang mas madalas na apektado
ng lindol. At laging tatandaan na ang topograpiya, clima, at iba pa, ang
batayan kung bakit laging tinatamaan ng kalamidad ang isang lugar.
Ahensiya ng Gobyerno
Narito ang ilan sa mga ahensiya ng pamahalaan na makatutulong sa atin
bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad:
NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) na
tumutulong upang maibsan ang panganib na dala ng kalamidad, PAGASA
(Philippine Atmospheric, Geophisycal and Astronomical Services
Administration) nagbibigay anunsiyo at payo ukol sa panahon at kung kailan
ito papasok sa Philippine Area of Responsibility, PHIVOLCS (Philippine
Institute of Volcanology and Seismology) nagsusuri ukol sa lindol at fault
lines, MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) nagbibigay ng
impormasiyon ukol sa lagay ng trapiko at maaaring evacuation center sa
Manila, DENR (Department of Environment and Natural Resources)
pinapamahalaan nito ang pangangalaga sa kalikasan, DEPED (Department of
Education) naghahatid ng kaalaman sa mag-aaral ukol sa kalamidad at
pandemya, DILG (Department of the Interior and Local Goverment) ito ang
namumuno sa mga lokal na pamahalaan sa ating bansa upang hatiran ng
agarang tulong ang mga biktima ng kalamidad, DOH (Department of Health)
ito ang saklaw ng usaping pangkalusugan at nangangalaga sa mga nasugatan,
may sakit, o nalalagay sa panganib dulot ng kalamidad, DSWD (Department
of Social Welfare and Development) ito ang tumutulong sa mga bata,
magulang, at pamilya na walang maaasahan sa buhay lalo na sa panahon ng
kalamidad, PNP (Philippine National Police) at AFP (Armed Forces of the
Philippines) hindi lang sa usaping pangkapayapaan ang kanilang inaatupag
kundi sila rin ang nangunguna sa agarang operasiyon sa mga lugar na
apektado ng sakuna o kalamidad, DOTR (Department of Transportation) sila
ang responsable sa pagpapanumbalik o pagsasaayos ng sistema ng
transportasiyon na apektado ng kalamidad, NTC (National
Telecommunications Commision) layunin nito padaliin ang paghahatid at
palitan ng mahalaga o importante na impormasyon sa oras ng kalamidad at
pandemya, DPWH (Department of Public Works and Highways) ito ang
umaayos ng mga nasirang daanan ng kalamidad para mabilis ang paghahatid
ng mga serbisyong medical at rehabilitasiyon, GSIS (Goverment Service
Insurance System) pinangangasiwaan nito ang paghahatid ng pinansiyal na
tulong sa mga manggagawa sa gobyerno upang madali silang makabangon sa
kalamidad at pandemya, SSS (Social Security System) ito ang nangangasiwa
sa mga tulong pinansiyal o pautang sa mga manggagawa sa pribadong sektor
na nasalanta ng kalamidad at apektado ng pandemya. Bukod dito ay may mga
gaya ng TV networks na tumutulong magtatag ng charity works at pondo na
ipinapadala upang makatulong sa mga nasalanta at nagbabahagi ng
malawakang balita para sa mga mamamayan, ang halimbawa nito ay ang
ABS-CBN, GMA, CNN, TV5, ONE NEWS, at marami pang iba.
Bayanihan

Kahit na maraming dakot ang dulot ng mga sakunang ito, nagdudulot din
naman ito ng mabuting epekto tulad ng pagiging mulat ng mga tao sa
napapanahong problema at dahil din dito ay nagkaka-isa at nagtutulungan
ang mga tao upang lutasin ito.

You might also like