Pamelan Festival Script

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Vejae: Mayad na 'pon kanindong tanan.

Ipepresenta amen ang pista y Pamelan sa banua


ang Araceli aneman pagpamati kamo matinlo. Dayon kamo sa Pamelan Festival.

Ling: Ang Pamelan Festival ay isang pagdiriwang sa Bayan ng Araceli, Palawan para
ipreserba at ma-showcase ang natural na pamumuhay ng mga Aracelians. Ang local
government ng Araceli ay siyang gumawa ng konseptong local festival at tinawag itong
Pamelan which is a local term for "Abundance of Catch" o sa tagalog "Masaganang huli”
para sa mga mangingisda. Ang pinakalayunin nito ay maipakita ang fishing practices ng
mga tao sa Araceli, being the main livelihood as the municipality is surrounded by rich
fishing grounds. Daan na rin para ma-promote ang turismo ng munisipyo at ma-preserve
ang environment life support system kasama ang cultures ng mga taga-araceli. Maraming
kaganapan sa Pamelan Festival na ito, tatlong araw na selebrasyon ito mula May 24, 25
at 26 kada-taon. Aliah Monforte, UAPSA-PalSu News.

Vejae: Ngayon ay ihahayag ang mga kaganapan sa unang araw. Agbabarita, Queen
Novela.

Queen: Sa unang araw ay sinisimulan ito mula madaling araw sa pagkakaroon ng Fun
Run at Zumba Dance. Mayroon ding Thanks Giving Mass na ginaganap na sinusundan
naman ng Parada ng iba’t-ibang barangay delegates at sector na taga-Araceli sa
Poblacion area. Mayroon ding mga fun games. Kabilang dito ang bola-bola, kung saan
gagawa ka ng bola gamit ang lupa sa dagat at ilalaban ito sa bola ng iba, kung alin ang
unang mabasag na bola ang siyang talo. Sa paggawa nito, kakailanganin niyo ng lupang
na mas tubig at halong maliliit na aggregates bilang foundation nito at babalutin niyo ng
tuyong lupa hanggang sa tumigas ito. After ng mga fun games ay torch parade naman.
Ganitong torch ag hawak ng bawat kasali sa parade. Pagkatapos nito mga bandang alas-
siete ng gabi gaganapin ang opening program at sinisimulan na ang Dabok sa Bagonbon
o "ihaw-ihaw sa tabing baybay". May mga nakahelerang mga ihawan sa tabing dagat at
lahat ay nagsasalo-salo. Queen Novela, UAPSA-PalSu News.

Vejae: Napakasayang pagyayari sa unang araw pa lamang. Ngayo’y ihahayag naman


ang mga aktibidad sa pangalawang araw ng Festival na ito. Agbabarita, Mark Cabatac.

Mark: Sa pangalawang araw ay may nagaganap na tree planting kasama ang iba’t-ibang
sector sa munisipyo. Nagsisimula na rin ang Barakalan sa Pamelan o mga pagdi-display
ng mga mabibili sa Pamelan. Hindi lamang mga huli sa dagat ang kanilang pinagbabakal,
ngunit pati na rin ang kanilang masagang mga ani. Panahon na rin ito ng pagmamalaki
ng pinakamalaking ani nila. Susundan naman ito ng Pantigoan sa Dalan, o competition
ng mga sayaw sa daan ng iba’t-ibang barangay ng araceli kabilang ang mga sektor na
gusto makilahok. Ang mga kalahok ay bata, matanda, may ngipin man o wala. Ito ay
walang limitasyon sa edad. Sa gabi naman may dabok o ihaw ihaw ulit. Lahat ng mga
isdang iniihaw sa event na ito ay libre. Tama po ang narinig niyo, pipili ka lang ng kung
anong isda ang gusto mo. Libre! Parang gusto ko na ring makilahok sa Festival na ito.
Mark Cabatac, UAPSA-PalSu News.

Vejae: Pati ako ay gusto na ring sumama (laugh). Ngayo’y ihahayag naman ang mga
aktibidad sa pangatlong araw o ang huling araw sa festival na ito. Agbabarita, Earold
Queron.

Earold: Sa pangatlong araw naman nito, may competition sa Pagalingan ng pagkawil ng


isda. Maganda manood dito dahil makikita mo ang mga magagaling mangawil sa Isla ng
Araceli. Kaniya-kaniyang istilo at istratehiya ang ipinamamalas ng mga Aracelians sa
paghuhuli ng isda. Ito ang kalimitang ginagamit nila na panghuli, mamaya ay
magbabahagi pa ako ng impormasyon about dito. Minsan may karera din ng bangka dito
at pagalingan sa paggawa ng Keming o yaong tradisyunal na pinanghuhuli ng isdang
bisugo sa Araceli. Ito na po ang tinutukoy ko kanina, ito ang tinatawag nila na Keming.
Kapag nasa kalagitnaan na sila ng karagatan ay ibinabagsak lamanag nila ito sabay hila
ng tali nito. Dito lumulusot an g mga bisugo at hindi na makakalabas gawa na rin ng
harang na ito. Napakatalinong paraan ng pangingisda. Sa gabi ay may dabok pa rin kahit
pangatlong araw na. At syempre, libre pa rin yaong isda na iniihaw dito.

Ang karaniwang ginagawa ng mga Tao dito ay nakikilahok at nagsasama-sama para


suportahan ang Pamelan Festival. Halos lahat ay nagsasaya sa tatlong araw na
kaganapang ito. Kaya ano pang hinihintay niyo, makilahok na tayo.

All: Matamang salamat sa pakikinig!

You might also like