Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DULA

- “drama” (salitang griyego) – gawin o


kilos
- tinatawag na “Play” sa ingles. Ito
ay akdang pampanitikan na
nahahati sa ilang yugto.
- Bawat yugto nito ay mayroong
maraming eksena.
- Ito rin ay tinatawag na “Stage
Play” dahil ang isang dula ay
itinatanghal sa isang entablado.

Iba’t ibang uri ng Dula:


 Dulang panradyo
 Dulang pantelibisyon
 Dulang panlansangan
 Tulang Padula
Sangkap ng Dula:
 Simula – mamamalas dito
ang tagpuan, tauhan, at sulyap
sa suliranin.
 Gitna – matatagpuan ang saglit
na kasiglahan, ang tunggalian,
at ang kasukdulan.
 Wakas – matatagpuan naman
dito ang kakalasan at
ang kalutasan.

Tagpuan – panahon at pook kung


saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula
Tauhan – ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay
may suliranin, walang dulang walang
suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari
Saglit na kasiglahan – saglit na
paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
Tunggalian – maaaring magkaroon
ng higit sa isa o patung-patong na
tunggalian ang isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito
nasusubok ang katatagan ng tauhan;
sa sangkap na ito ng dula tunay na
pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya’y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting
pagtukoy sa kalutasan sa mga
suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian
Kalutasan – sa sangkap na ito
nalulutas, nawawaksi at natatapos
ang mga suliranin at tunggalian sa
dula

Ang layunin ng isang Dula ay


itanghal sa tanghalan o entablado.
Ang mga taong dalubhasa sa
larangan ng pagsusulat ng mga dula
ay tinatawag ng mga mandudula,
dramatista, o dramaturgo.

Elemento ng Dula
 Iskrip o nakasulat na dula – ito
ang pinakakaluluwa ng isang
dula
 Gumaganap o aktor – ang mga
aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip
 Tanghalan – anumang pook na
pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula
 Tagadirehe o direktor – ang
direktor ang nagpapakahulugan
sa isang iskrip
 Manonood – hindi maituturing na
dula ang isang binansagang
pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao

Eksena at Tagpo

Eksena - ang paglabas-masok sa


tanghalan ng mga tauhan
Tagpo - ang pagpapalit o ang iba’t
ibang tagpuan na pinangyarihan ng
mga pangyayari sa dula

You might also like