Sipag o Talino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SIPAG O TALINO

LAKANDIWA:Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan.Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko din ang
pag-asang, naway maging matagumpay.Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan.Paksang aking ilalatag, pakiwari'y
mahalaga. Pagkat nasasangkot dito'y bayan nating sinisinta.Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga, Ang SIPAG ba o
TALINO, alin ang mas mahalaga.?Kaya't inyong lakandiwa ay muling nag-aanyaya ng dalawang mambibigkas na mahusa'y at kilala.
Ang hiling ko'y, salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

SIPAG:Kapag baya'y umunlad. Ang pagko'y pinupukol. Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulong-tulong. Kung ang lahat ay
tinatamad, bayan nati'y ano ngayon? Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya'y urong-sulong. Kasipaga'y puhunan nating lahat sa
gawain, Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw. Maunlad na Pilipinas,
di natin masasalapi.

TALINO:Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap, at ni walang kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko ay
talinong hinahangad, Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan Na kanilang
tataglayin, habang sila'y nabubuhay. Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan, Nagbibigkis sa damdamin, makayao't
makabayan.

LAKANDIWA:Matapos maipahayag ang panig ng magtatalo, Ngayo'y aming ihahanda, tayog ng inyong talinoBawat isa'y papalaot sa
napapanahong isyuKaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.

SIPAG:Sa tuwing may magaganap na halalan sa’ting bayan, Sinusuring kandidata, may nagawang kabutihan, Kung anong kursong
natapos ay hindi na inaalam. Kakayahan n’ya at sipag, tanging pinag-uusapan, Aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit, Mga
tao'y umaasa, lalo't sila’y nagigipit. Matalinong naturingan, tamad naman walang bait. Kawawa lang itong bansa, mga luha ang
kapalit.

TALINO:Nalimutan ng kantalo, mga bayaning namatay, Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan. Kung di dahil sa talino,
taglay nila nung araw, Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan.Mga naging presidente o senador at kongresman.
Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan,pinuhunan ay talino , kaya't sila'y
naging gabay.

SIPAG:Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala. Utos ditto, utos doon,
sila'y di gumagawa, kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung masipag itong mga punong halal, Sa
problema’t kalamidad, sila'y laging naririyan, Hindi na kailangang tawagin sila kung saan, Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng
kasipagan.

TALINO: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali, Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi, Pag mayroong kalamidad,
manloloko'y nariyan lagi,Kaya’t anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market, public mall, Fly overs, sky
ways, at ibat-ibang komunikasyon. Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging puhon, Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy-
tuloy.

SIPAG: SIPAG ANG KAILANGAN !!

TALINO: TALINO ANG PUHUNAN !!

SIPAG:Matalino nga, tamad naman!

TALINO:Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.

SIPAG:Sipag.!

TALINO:Talino.!

LAKANDIWA: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa. Pagtatalo nitong dalwang mahuhusay na makata, Pagkat tila nag-iinit,
at kapwa di masawata. Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa, Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Dyos, Lagi
nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos, Kaya't dapat ng magsanib, pag-
isahing lubos-lubos. Ang talino'y siyang utak sa balangkas ng paggawa. Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya. Kung
ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!

You might also like