Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Rosezel Grace A.

De Leon
11-Zeus
Piling Larangan

Tema: Pamilya

Inang yaya

Ito ay storya ng isang masipag at mapagmahal na ina na si Norma na


kinakailangang iwan ang kanyang anak na si Ruby sa kaniyang lola na si
Tarsing upang matustos ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Si Ruby ay
isang matalino at bibong bata na nasa pangangalaga ng kaniyang lola ngunit
matagal nang inaasam na makasama ang kaniyang ina. Ang inaalagaang anak
naman ni Norma ay si Louise na sya ang kasama araw araw at dahil diyan ay
napamahal nadin ang bata kay Norma at halos ituring na syang nanay nito,
kaya naman nang mamatay ang kaniyang ina na si Tarsing, ang nag aalaga
kay Ruby, napadali nalang kay Norma ang pagdala sa kaniyang anak sa bahay
ng kaniyang amo na si Noel at May dahil wala ng mag aalaga kay Ruby dahil
ayaw nitong manatili sa kaniyang tita Tess tumira dahil ito ay nalulungkot
dahil hindi niya kasama ang kaniyang nanay. Dahil sa kabaitan ng kaniyang
mga amo ay pinayagan nitong tumira si Ruby sakanila habang nagtatrabaho si
Norma at dahil dalawa na ang inaalagaan ni Norma nahirapan sya sa
dalawang ito dahil hinahati nya ang atensyon nya sa dalawang bata
kayanaman hindi naging maganda ang unang pagsasama nila at parati silang
hindi magkasundo. Ng unti unti nang masanay ang dalawa sa presensya ng
isat isa bigla naman kinailagan lumipad ng ibang bansa ang pamilya nina
Louise at gustong isama si Norma ngunit hindi nya alam ang gagawin dahil
napamahal nadin sya sa pamilyang ito at nais nyadin magkaroon ng
magandang kinabukasan ang kaniyang anak ngunit hindi niya pwedeng iwan
ito. Napagdesisyunan ni Norma na sya ay mananatiling kasama ang kaniyang
anak sa Pilipinas ngunit nahirapan itong magpaalam lalo na ang batang si
Louise dahil kahit yaya lamang sya nito, ito ay itinuring na nyang nanay dahil
ang kaniyang magulang ay laging wala.

You might also like