Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAG PAGPAPAAYOS NG MGA BAKO BAKONG

KALSADA SA BARANGAY RIZAL

Mula kina Loyd Delos Santos ,


Zander James Garces , Jed Andrei Ladios,
Adrian Gerald Macawile, Razeer Tahamid
At Rotsen Summer Vicuna
Negros St, Barangay Pitogo, Lungsod ng Taguig
Ika-13 ng Nobyembre, 2023
Haba ng Panahong Gugugulin: Tatlong buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Barangay Rizal bilang purong residential area, ay walang
malalaking commercial establishments. Dahil nagsisimula pa lamang itong
gawing moderno ang pamayanan, maipagmamalaki lamang nito ang
pagpapaunlad ng pabahay sa lugar at maliliit hanggang katamtamang
mga negosyo. Ang Makati City Tenement Housing ay isa sa mga kilalang
landmark ng barangay na ito.
Isang suliraning kinakaharap ng Barangay Rizal ay ang bakong
kalsada. Sa tagal ng panahon na ito ay dinaraanan ng mga malalaking
sasakyan ang mga kalsada ay unti-unting nasira at nagkaroon ng bitak-
bitak na ngayo'y nag dudulot ng trapiko sa mga dumaraang sasakyan.
Kinakailangan na itong maaksyonan o matingnan ng mga opisyal
ng gobyerno at mag laan ng sapat na pondo para sa pag papaayos ng
mga nasabing bakong kalsada.
II. Layunin

Makapagsagawa ng road rehabilitation at reconstruction upang


maisaayus ang unti-unting nasisirang kalsada.

III. Plano na Dapat Gawin

1.) Paghingi ng permiso sa Barangay hall ng rizal para sa gagawing


proyekto.
2.) Pagbibigay alam sa mga naninirahan sa Barangay Rizal kung
hanggang kailan ang gugugulin para sa nasabing proyekto. ( 3 buwan )
3.) Paghahanda at pagkukwenta ng pera para sa ilalabas na proyekto.
4.) Pag ca-canvas at pagbili ng mga materyales na gagamitin sa paggawa
ng proyekto.
5.) Pagaanunsyo sa mga mamamayan ng Barangay riazal kung ano ang
magiging mabuting dulot nito sa kanila.

IV. Badyet

MGA GASTUSIN HALAGA


I. MATERYALES
- CONCRETE 11,505,250

II. KASANGKAPAN
- CONCRETE PAVER MACHINE 150,984
III. SWELDO NG MGA TRABAHADOR 388,800

KABUUANG HALAGA 12,045,034


=

V. Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito

Ang benepisyong maibibigay ng pagpapaayos ng mga bako-bakong


kalsada sa Barangay Rizal ay magiging maayos at magiging maganda
ang daloy ng mga kotse at mga motor na dumadaan dito. Maiiwasan din
ang pagkakaroon ng kapahamakan na maaring mangyari sa lugar na ito.
Ang mga makikinabangan naman sa proyektong isasagawa ay ang mga
taong nakatira sa Barangay Rizal na tumatawid at ang mga taong
mayroong kotse at motor. Maganda ang maidudulot ng proyektong ito
kung sakaling maaprubahan sa mga mamamayan pati na rin sa mga
mayroong kotse at motor na dumadaan dahil magiging maayos ang mga
kalsada at magiging maginhawa ang pag-byahe ng mga sasakyan at
motor sa Barangay Rizal.

You might also like