PAGSUSURI PORMATLibrella

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Paaralan Globe Reciprocal Colleges May-akda Liwayway Arceo

Propesor JASPHER JOHN O. DELGADO Pangkat


Uri ng Petsa na
Nobela
Panitikan Natapos

PANUNURING Pamagat Canal de la Reina Grado


PAMPANITIKAN

I.
A. Pamagat ng Akda:

Ang ibig sabihin ng akdang Canal de la Reina ay ang pangunahing lokasyon sa


nobelang ito kung saan nagaganap ang mga kaganapan. Inilarawan ito bilang isang maruming,
madilim, at maputik na lugar, kung saan naninirahan ang mga iskuwater na pinamumunuan ni Nyora
Tentay. Sa lugar na ito, ipinapakita ang hirap at pang-aabuso na nangyayari. Dahil sa lupang pag-
aari ni Caridad, nabuo ang mga relasyon sa pagitan ng mga tauhan. Ang Canal de la Reina ang
sentro ng mga pangyayari sa nobela.

B. May-akda:

Si Liwayway Ablaza Arceo ay isa sa mga nangungunang kuwentista, radio scriptwriter,


mananaysay, tagasalin, at editor sa wikang Tagalog. Isinilang siyá noong 30 Enero 1920 sa Tondo,
Maynila kina Gregorio Arceo at Amada Ablaza. Nagkaroon siya ng anim na anak sa asawang
makatang si Manuel Principe Bautista. Nang makapagtapos sa Torres High school, pumasok siyá sa
Balita at naging unang babaeng kawani ng isang pahayagang Tagalog. Gumanap siyá sa pelikulang
Tatlong Maria kasáma sina Carmen Rosales at Norma Blancaflor noong 1943. Nang muling alukin sa
pag-arte, tinanggihan niya ito at mas pinilì ang pagsusulat. Noong dekada 50, nagsulat siyá ng mga
script para sa Ilaw ng Tahanan, ang unang radio soap opera sa bansa na nagtagal nang halos 10
taón. Siyá rin ang nása likod ng mga iskrip na binabasa noon ng mga gaya ni Tiya Dely Magpayo sa
programang Ang Tangi Kong Pag-ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely noong mga taóng
1960 hanggang 1990 at ni Helen Vela sa programang Lovingly yours, Helen noong mga taóng 1970.

Nakapagsulat siyá nang halos 50 nobela, libong maikling kuwento, sanaysay, at dramang panradyo.
Naging pinakatanyag ang kaniyang mga nobelang Canal de la Reina (1972) at Titser (1995). Ang ilan
naman sa kalipunan ng kaniyang mga maiikling kuwento ay: Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang
Katha (1968); Mga Piling Katha (1984); Ina, May-bahay, Anak, at Iba Pa (1990); Ang Mag-anak na
Cruz (1991). Naging editor din siyá ng seksiyong Bagong Dugo sa Liwayway at ng seksiyong
pangkonsiyumer sa Balita. Marami siyáng isinaling akdang relihiyoso sa wikang Filipino. Ang
pinakamalaking proyekto na marahil ay ang pagsasalin ng Bibliya kasáma ang kaniyang asawa at iba
pang kapuwa manunulat. Naisalin din sa iba’t ibang wika ang kaniyang mga akda tulad ng: Canal de
la Reina at Uhaw ang Tigang na Lupa sa wikang Nihonggo at Banyaga sa wikang Bulgarian,
Russian, at Ingles, at umani ng mga parangal mula sa mga pangunahing institusyong gaya ng Don
Carlos Palanca Memorial Awards, Catholic Mass Media Awards, Cultural Center of the Philippines,
Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas, Asian Catholic Publishers, at iba pa. (KLL).

II. Buod: ( Sariling pagbubuod at hindi hinalaw sa internet)

Binalikan ni Caridad de los Angeles ang lugar kung saan unang namulat ang kanyang mga mata, ang
Canal de la Reina, makalipas ang ilang taon mula nang lisanin niya ito dulot ng sunog bago sumiklab
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit sumikip ang kanyang dibdib nang maratnang ang
lupang noo’y tila paraiso sa kanya ay isa nang larawan ng kahirapan dahil sa mga iskwater at sa ‘di
kanais-nais na tanawin at amoy. Nagtungo siya sa Canal de la Reina kasama ang asawang si
Salvador at ang mga anak na sina Leni at Junior upang bisitahin ang kanilang lupa na ipinagkatiwala
pa ng mga ninuno niya kay Osyong. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lupang ipinamana sa kanya
ay ipinagbili ni Osyong sa usurerang si Nyora Tentay nang mabaon ito sa utang. Sa suliraning ito
nag-umpisa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa bawat isa. Ipinapakita lamang na mahalaga
ang lugar sa buhay ng tao. Nagdemanda si Caridad patungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi
naman siya inurungan ni Nyora Tentay. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian bilang babae na
maging matigas at malakas ang loob. Si Caridad ay suportado ng kanyang mapagmahal na pamilya.
Naninindigan sila sa katotohanang maibabalik sa kanila ang lupa sa tulong ni Atty. Agulto, kahit may
kahirapang kalabanin si Nyora tentay dahil pinapakilos nito ang kanyang pera upang
impluwensyahan ang mga opisyal. Nakatulong sa paglutas sa kaso si Gracia, ang manugang ni
Nyora Tentay na minatapobre ng matanda noong naninirahan pa sa kaniya. Masama ang loob ni
Gracia kay Nyora Tentay at kay Victor na kaniyang hiniwalayang asawa. Nalaman ni Gracia ang
tungkol sa kaso nang masabi sa kanya ni Dado, asawa ng yumaong si Paz na kaibigan niya. Si Paz
bago mamatay ay naging pasyente pa ni Leni. Nagkapalagayan kaagad ng loob si Gracia at ang
pamilya ni Caridad, maging ang mga anak na kapwa doktor, si Gery at Leni. Simula nang dumating si
Caridad sa buhay ni Nyora Tentay ay tila natauhan na si Ingga sa pagmamalupit sa kanya ng
matanda. Nang dumating ang isang napakalakas na bagyo na tumangay at luminis sa Canal de la
Reina at iba pang bahagi ng Kamaynilaan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga
tauhan. Ang tubig dulot ng baha ang naging dahilan ng pagsibol ng kabutihan. Nang tangayin ang
mga tao sa Canal de la Reina kasama na si Nyora Tentay, inagaw ni Ingga ang mga alahas sa
katawan at ang bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang makapaghiganti. Kapwa sila
nakaligtas sa baha. Si Ingga ay napunta sa Sampaguita Health Center kung saan siya sinundo ni
Junior, nagboluntaryong sumama sa rescue operation, upang iuwi sa bahay ng mga de los Angeles.
Si Nyora Tentay naman ay napunta sa paaralang-bayan ng Lakandula, at nabaliw nang hindi makita
ang kanyang bayong. Sa kabila ng kasamaan ni Nyora Tentay ay isinauli pa rin ng pamilya de los
Angeles ang bayong ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga. Naroon ang mga papeles ni Nyora Tentay
ngunit nanaig pa rin ang pagiging patas sa puso ng pamilya de los Angeles. Naibalik na ni Junior ang
bayong ngunit hindi pa rin nakakakilala si Nyora Tentay; kahit si Victor na kaniyang anak ay hindi pa
rin niya makilala. Ito ang naging magandang dahilan ni Victor upang makalapit sa kanyang
minamahal na anak, si Gery na isang manggagamot. Hindi man espesyalista si Gery sa pag-iisip ay
inirekomenda niya ang kanyang Lola Tentay sa isang kakilalang doktor sa mental hospital. Sa
panahong iyon din sa loob ng klinika ni Gery muling nagkatagpo si Victor at si Gracia. Nanliit si Victor
sapagkat sa kabila ng pagiging babae ni Gracia ay nagawa nitong itaguyod si Gery sa marangal at
marangyang pamumuhay samantalang siya ay naging sunud-sunuran lamang kay Nyora Tentay.
Naramdaman ni Victor na gusto na niyang maging responsible at independenteng lalaki. Hindi
maitatanggi na mahal pa rin niya si Gracia kung kaya’t naglakas- loob na siyang bumukod ng bahay
kay Nyora Tentay nang bumalik na sa katinuan ang matanda. Ayaw na niyang maging alipin ng
salapi ng kanyang ina. Napatunayan na sa korte na si Caridad ang tunay na may-ari ng lupang
inaangkin ni Nyora Tentay, sa tulong ng pagtestigo ni Tisya, asawa ng yumaong si Osyong na naging
katuwang sa pagbabantay noon sa lupa. Wala ng magagawa pa ang matanda kundi tanggapin ang
kanyang pagkatalo. Nagbabadya ito ng mabuting simulain, total ay hindi na pinayagan ang mga
iskwater sa Canal de la Reina. Malinis na talaga ang lugar. Karagdagan sa kagalakan ng pamilya de
los Angeles ay ang pagkamit ni Leni sa unang pwesto ng Medical Board Exam bilang babae at
pinakabatang doctor. Kasama sa pagbati at pagbisita ni Gery kay eni ang ama nitong si Victor. Ang
naging wakas ng nobela ay tipikal na hinahanaphanap ng mga Pilipino na pagsikat ng araw matapos
ang malakas na unos. Nagkasundo na ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial mula nang
ikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si Leni, at ang anak ni Victor at Gracia na si Gery. Ang
dalawa ay magkakaroon na ng sariling klinika na disenyo ni Junior. Si Junior naman ay pinayagan
nang kumuha ng kursong abogasya matapos ang kasalukuyang kursong arkitektura. Si Ingga ay
bumalik na sa kanyang probinsya. Si Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at
Gracia naman ay nagkakasundo na rin. Sa Canal de la Reina nangyari ang masalimuot na bagay,
ngunit kaloob pa rin na dito umusbong ang pagbangon at pag-asa sa mas masiglang bukas. Ngunit
hindi pa roon matatapos ang lahat; sapagkat nagbabadya ang pagdedeklara ng Martial Law sa
bansa.

III. Pagsusuri

A. Uring Panitikan:

Ang "Canal Dela Reina" ni Liwayway Arceo ay isang kilalang akdang Panitikan sa Filipino. Ito'y isang
nobelang pumapaksa sa buhay ng mga tao sa isang komunidad sa Pilipinas. Tinalakay nito ang mga
isyu tulad ng pagsasama ng mag-anak, pag-ibig, at pakikipaglaban sa mga hamon ng buhay.
B. Istilo ng Paglalahad

Ang "Canal Dela Reina" ni Liwayway Arceo ay isang akdang pampanitikan sa Filipino na naglalahad
ng kwento hinggil sa buhay ng mga tao sa Canal Dela Reina. Tinalakay nito ang mga suliranin,
pangarap, at pakikipagsapalaran ng mga karakter sa naturang lugar, na may kasamang mga aspeto
ng pagsusuri sa lipunan.

C. Tayutay

Pagmamalabis sapagkat hindi naman tunay na nag-iinit ang mukha ng tao.

Pagmamalabis- nagsikip ang dibdib ni Caridad

Pagmamalabis dahil kailanman ay hindi sumisikip ang dibdib.

Pagpapalit Tawag- kumikislap na ga-mais na brilyante sa magkabilang tainga.


Ang tinutukoy lang naman dito ay ang hikaw

Pagtanggi- "hindi sa putik na yan, Ma."

Sa salitang gianamit na "hindi"

Pagwawangis-"Ang ganda ng kawayan dya'n"

Ihinalintulad niya ang kawayan sa ganda.

Pagpapalit Tawag- "isip mo, tigre"

D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya

Teoryang Realismo- Ang storya ay mahahalintulad sa tunay na buhay kung saan ipinapakita ang
kabilang estilo ng pamumuhay ng mga taong nakatira sa mga estero. Makikita rin kasi rito ang tunay
nakalagayan ng isang lipunan at ang pag- uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon. Sa
patuloy na "pag- lisang kahig, isang tuka" ngkaramihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin
hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili..

Teoryang Simbolismo- Si Nyora Tentay ay sumisimbolo sa kapangyarihan. Siya ang hinihingian ng


tulong ng lahat ng tao sa Canal de la Reina at dahil dun nagagawa niya na ang nais niya sa mga tao,
ang panggigipit at pagmamaliit.

2. Mga Pansin at Puna

a.Mga tauhan

Ang Pamilyang de los Angeles ay isang modelo ng pagkakaisa at pang-unawa sa isa't isa.

1.Salvador, ang ama ng pamilya, ay tahimik ngunit may lalim na pagmumuni-muni.

2.Si Caridad, ang mabuting ina, ay maunawain at matibay ang loob.

3. Ang panganay na anak na si Leni ay isang magaling na doktor sa larangan ng Pediatrics.

4.Si Junior, ang bunso, ay may pangarap sa arkitektura, bagaman nais niyang maging abogado.

Pamilyang Marcial- kaguluhan. Wala kasi silang pinakikinggan ni Nyora at pilit na pinasusunod ito sa
ayaw naman nito. Ang pamilyang ito ay puno ng maayos na komunikasyon. Hindi Tentay ang
kanyang anak na si Victor kanyang mga nais kahit na
5. Victor - ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita ay
mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.

6. Gracia-asawang hinwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng inang si Nyora Tentay

7. Gerry- anak ni Victor at Gracia


a. Galaw ng pangyayari

Ang "Canal dela Reina" ni Liwayway Arceo ay isang nobelang nagsasaad ng mga kaganapan sa
isang komunidad. Ito'y naglalarawan ng mga pangyayari at relasyon ng mga tauhan sa naturang
lugar, na nagpapakita ng mga aspeto ng lipunan at kultura.

3. Bisang pangkaisipan

a. Bisa sa Isip

Sa akdang "Canal Dela Reina" Kapag nagbigay ka ng kabutihan, inaasahan mo rin ang kabutihan sa
iyong hinaharap. Kung gagawa ka ng masama, babalik din ang masamang epekto sa iyo. Mahalaga
ang maikli nating buhay, kaya't hindi natin dapat gawing masama ang ating mga kilos o mga bagay
ng hindi nararapat gawin. Ang nobelang ito ay nagbigay inspirasyon sa atin na maging matatag sa
harap ng kahit ano mang hamon Ang dumarating sa atin at itaguyod ang kabutihan sa lipunan.

a. Bisa sa Damdamin

Ang mga eksena sa nobela ay nakakaapekto. Ramdam mo ang pinagdaraanan ng mga bawat
tauhan sa nobelang "Canal Dela Reina", na tila totoo sa kasalukuyan o napapanahon pa ito. Sa
simula pa lang ng nobela ay agad na Ako nalulungkot sa sitwasyon ni Ingga, pinapabayaan niyang
abusuhin siya ni Nyora Tentay. Sa kalahatan, natutuwa ako sa paglaban nina Caridad at Gracia
laban kay Nyora Tentay, na nagpapakita na ang pagiging matapang ay tama. Sa dulo, masaya ako
dahil natapos na ang kasamaan ni Nyora Tentay at napagbayaran nya ang lahat ng kasamaan nya.

c. Bisa sa Kaasalan

Ang nobelang ito ay naglalaman ng maraming aral ukol sa kabutihang asal na maaaring gamitin sa
pang-araw-araw na buhay. Personal kong nadama ang epekto ng mga ito sa aking puso. Ang
pangunahing mensahe ay ang pagiging mabuti sa kapwa sa lahat ng pagkakataon. May mga payo
tulad ng hindi gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sa sarili, pagtulong sa mga nangangailangan, at
ang hindi magiging maganda ang resulta ng kasakiman. Ang nobelang ito ay isang mapag-ukit na
aklat ng mga aral na makakatulong sa aking mga paglalakbay sa buhay.

d. Bisa sa Lipunan

Ang nobelang ito ay mahusay na naglalarawan ng mga masamang pangyayari sa ating lipunan.
Ipinakikita nito na ang buhay ay puno ng hamon, lalo na kapag ang ibang tao ay hindi nakatutok sa
kabutihan. Nakakatulong ang nobela sa pagpapantig ng kamalayan ng mambabasa sa mga realidad
ng buhay. Ang mensahe nito ay nag-udyok sa pagiging maingat sa pakikitungo sa kapwa at
pagpapakita ng kabutihan, sapagkat ang mga pagbabago sa buhay ay maaaring mangyari sa
anumang oras.

2. Gintong Kaisipan/Balyus

Ang pagiging sakim ay hindi makakabuti sa kahit sino. Sa pagtulong sa mga nangangailangan, mas
namumuhay tayo ng mas may kahulugan at nagbibigay ng positibong epekto sa lipunan. Ang
pangunahing aral na huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo ay nagbibigay-diin sa pag-
unawa at paggalang sa kapwa. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabaitan at pagmamahal sa iba,
nagiging instrumento tayo ng pagbabago at pagpapaunlad ng ating komunidad.

3. Mga Mungkahi
Ang "Canal de la Reina" ni Liwayway Arceo ay isang mahusay na akda na naglalarawan ng mga
suliranin sa lipunan sa ating bansa. Maaari mong pagtuunan ng pansin ang tema ng kahirapan at
laban para sa katarungan. Maari mo rin tuklasin ang pag-usbong ng mga tauhan at kung paano
nakakaapekto sa kanilang mga buhay ang mga pangyayaring umiikot sa Canal de la Reina.

Inihanda ni : LIBRELLA, JERICO E.


Mag-aaral

Sinuri ni: JASPHER JOHN O. DELGADO


Katuwang na Propesor, GRC

Binigyang-pansin ni: JOY B. BADILLA


Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon

Pinatibay ni : BERLY A. GAGARIN


Pangkalahatang Dekana, GRC

You might also like