ESP LP Module 5 (Session 1)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan:__DORIS C. BRUCALES__________ Markahan: Ikalawang Markahan/Modyul 5


Petsa: Ika – 23 ng Agosto, 2019 Bilang ng Oras: Dalawang Oras
Unang Sesyon
I.
LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng
Pangnilalaman pakikipagkapwa.
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang isang pangkatang gawaing tutugon
Pagganap sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o
pamayanan.
C. Mga Kasanayan a. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa
sa Pagkatuto (EsP8P-IIa-5.1)

b. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa


kanya sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at pulitikal (EsP8P-IIa-5.2)
LAYUNIN
(LO):Tiyak na
Layunin

II. NILALAMAN
Paksa: Ang Pakikipagkapwa

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. TG at LM, TG pp. 82-83, LM pp. 110-116
Teksbuk
2. LRMDS
Portal
B. Iba pang Puzzle, Worksheet
kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Aktibiti Pangkatang Gawain
(Activity) Panuto: Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituring mong
kapuwa gamit ang puzzle. Maaring ang mga titik ng salita ay
pahalang, patayo, pabalik, o padayagonal. Ipaskil ang sagot sa
pisara.

B. Pag-aanalisa 1. Batay sa puzzle, sino-sino ang itinuturing mong kapwa?


(Analysis) 2. Bukod sa inyong binanggit, sino-sino pa ang pwede nating
maituturing na kapwa?
3. Bakit mo nasabi na sila ay iyong kapwa?
4. Ano ang ibig sabihin ng salitang kapwa?
C. Pagbubuo Panuto: Ipakilala ang mga taong itinuturing mong kapwa. Isulat ito
(Abstraction) sa worksheet gabay ang halimbawa na ibinigay ng guro.

1. Bakit sila ang isinulat mo sa worksheet, mahalaga ba sila


sa iyo?
2. Bakit mo nasasabi na sila ay mahalaga sa iyo?
3. Ano ang bahaging ginagampanan nila sa iyong buhay?
4. Nakaka-impluwensya ba sila sa iyo? Sa paanong paraan?
D. Aplikasyon Pangkatang Gawain:
(Application)
Panuto: Pangkatin ang klase sa limang grupo. Bawat meyembro
ng grupo ay suriin nila ang kanilang sarili at isa-isahin ang mga
pagbabagong naranasan sa bawat aspekto (Aspektong
Intelektuwal, Aspektong Pangkabuhayan, Aspektong
Pampolitikal). Tukuyin ang mga taong nakatulong sa kanila sa
paghubog at pagpapalago ng mga aspektong ito. Isulat ang sagot
sa manila paper.

Halimbawa
1. Makakaya mo bang mapaunlad ang mga nabanggit na
aspekto kung walang tutulong sa iyo? Pangatwiranan.
2. Gaano kahalaga ang pagtulong ng kapwa mo sa paghubog
at pag-unlad ng iyong pagkatao? Ipaliwanag.
3. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong o
makapaglingkod ka sa mga taong tumulong sa iyo?
Ilawaran.
4. Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo
matututuhang makipag-ugnayan nang maayos sa iyong
kapwa? Ilarawan.

Inihanda ni:

DORIS C. BRUCALES

T-I Sinuri ni:

NOEL CASTILLA
ESP Department Head

You might also like