Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
School Division office of
San Pablo Elementary School
San Pablo Magalang, Pampanga

Pangalan:

Antas at Pangkat:

A. PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Naaalala mo pa ba ang mga alamat na iyong pinag-aralan, napakinggan, o
nabasa? Ngayon, iyong subukan na tukuyin kung anong alamat ang ipinahihiwatig ng
sumusunod na mga kwento. Piliin mo ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang angkop
na titik nito sa patlang.

A. Ang Alamat ng Buwan at Bituin


B. Ang Alamat ng Saging
C. Ang Alamat ng Pinya

______ 1. Ang alamat na ito ay tungkol sa isang babae na palaging hindi nakikita ang
Mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Madalas siyang magdahilan na hindi niya nakikita
ang mga bagay na ipinahahanap sa kaniya kahit nakikita naman niya ang mga ito. Nawala
na lamang ito at laking gulat ng kaniyang ina nang may tumubong halaman sa kanilang
bakuran. Ang halamang ito ay namunga ng isang bunga na punong-puno ng mga mata.

______ 2. Ito ay kuwento ng isang hari na pinutulan ng kamay at saka ibinaon ang pinutol
na kamay. Hindi naglaon, may tumubong isang uri ng puno sa lugar kung saan ibinaon
ang kamay ng hari. Mayroon itong malalapad at mahahabang dahoon. Nagkaroon din ito
ng bunga na kung titingnang mabuti ay may pagkakahawig sa kamay at mga daliri ng
tao.
______ 3. Noong unang panahon, napakababa pa ng langit at kaya itong abutin ng mga
tao. Nagagawa pa nilang isabit ang mga bagay-bagay sa langit dahil abot-kamay lamang
nila ito. Isang araw, habang inaayos ng ina ang buhok ng anak, isinabit niya ang
ginintuang suklay, kuwintas, at hikaw sa langit. Sa oras ding iyon, nagbabayo ng palay
ang ama ng tahanan. Sa kaniyang bawat pagbayo, hindi niya namamalayan na
natatamaan niya ang langit hanggang pumaitaas ito nang pumaitaas. Kasamang
pumaitaas ng langit ang mga nakasabit na ginintuang suklay, hikaw, at kuwintas.

B. Nakarinig ka na ba ng isang kwento na tila hindi kapani-paniwa? Basahin ang


isang kuwentong katatawanan tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng Okinawa na
isang lugar sa bansang Japan.

May dalawang magkaibigan na masayang naglalayag sa dagat gamit ang isang


bagka. Ang magkaibigan ay isang Bisaya at Kapampangan. Masaya silang
nagkukuwentuhan sa bangka nang biglang lumakas ang ihip ng hangin at
nagbabadya ng pagdating ng malakas na ulan. Nagsimulang magalit ang dagat
at nagpakawala ito ng malalaking alon. Natakot ang magkaibigan at mahigpit na
kumapit sa kanilang bangka. Dumating ang malakas na ulan kasabay ng
napakalakas na hangin. Lalong nagalit ang dagat at nagpakawala ng mas
malalaking alon na halos magpataob sa bangkang kanilang sinasakyan. Sa
kasamaang palad, hinampas ng malalakas na alon ang kaawa-awang bangka
hanggang ito ay tuluyang tumaob. Lumangoy nang lumagoy ang magkaibigan.
Nagtulungan sila upang makaligtas sa pangangalit ng dagat. Patuloy silang
lumangoy upang makaligtas. Halos hindi na makayanan ng Kapampangan ang
kanyang kalagayan. Kaloob ng langit, isang torso ang nakita ni Bisaya na
lulutang-lutang sa dagat. Dali-dali siyang kumapit dito at saka ito ginamit upang
makakapit din si Kapampangan. Hindi naglaon, biglang tumahimik ang dagat at
muling sumisilip si Haring Araw. Sumadsad ang magkaibigan sa isang isla na
hindi nila matukoy kung saan. Dali-daling binuhat ni Bisaya si Kapampangan sa
pampang at ginawa ang lahat ng paraan upang siya ay magkamalay. Nang
magkamalay si Kapampangan, tinanong siya ni Bisaya ng ganito: “okey na?”
Sumagot naman daw si Kapampangan ng “wa.”

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay sa binasang kuwento.

1. Anong alamat ang isinasalaysay sa kuwento?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Batay sa kuwento, saan nagsimula ang salitang Okinawa?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. May katotohanan ba ang kuwentong ito? Pangatuwiranan mo ang iyong


kasagutan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ibigay ang mga sumusunod:


• Tauhan
• Tagpuan
• Banghay
• Tunggalian
• Kasukdulan
• Wakas

You might also like