Ang wika ay isa sa pinaka mahalagang bagay na pinaghahawakan ng isang
bansa dahil ang wika ay ating ginagamit sa pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa bawat isa . Ang wika ang siyang ginagamit upang naiilahad ang impormasyon na nais natin ipahiwatig o ilahad sa paraang berbal o di berbal. Kung wala ang wika hindi magkakaintindihan at magkakaunawan ang bawat isa na sanhi ng kaguluhan. Ang kaganapan ng kapayaan ay matatamo lamang sa paggamit ng wikang pambansang Filipino. Katuwang ng kapayapaan ang mga katutubong wika sa buong Pilipinas, na magbibigay ng nagkakaisang lakas,talino at ambag ng lahat ng mamamayang Filipino, anuman ang lipi, paniniwala at uring pinagmulan.
Ang diwa ng kapayapaan ay likas nakapaloob sa ibat-ibang kultura ng mga
pangkat etniko ng Plipinas. Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antos ng tao sa lipunang kinagagalawan. Marami tayong ibat-ibang lengguwahe pero pinag-uugnay tayo ng wikang pambansa. Iba-iba man ang ating kultura ay pareho naman ang ating hangaring nilalanghap, tubig na iniinom at lupang sinasaka.
Layunin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang masuri at makakalap ng
mga Panitikan ng mga B’laan na maiuugnay sa salitang Kapayapaan. Matukoy at mabigyang kahulugan at kabuluhan ang ibat-ibang Panitikang na maiuugnay sa kapayapaan.
Paglalahad ng Suliranin
1. Ano-ano ang iba-ibang Panitikang B’laan na may katumbas sa kapayapaan?