ARALIN 2.7 Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 2.

 O. HENRY (September 11, 1862 – June 5, 1910)

Tunay na pangalan: William Sidney Porter


Kapanganakan: Setyembre 11, 1862, sa Greensboro, North Carolina.
Mga magulang: Dr. Algernon Sidney Porter (ama) (1825-88), isang manggagamot, at
Mary Jane Virginia Swaim Porter (ina) (1833-65).
Anak: Margaret Worth Porter
1876: Si Porter ay nagtapos mula sa elementarya ng kanyang tiya na si Evelina Maria Porter.
1879: nagsimula siyang magtrabaho sa botika ng kanyang tiyuhin sa Greensboro
Agosto 30, 1881: sa edad na labinsiyam, si Porter ay lisensiyado bilang isang parmasyutiko.
Kamatayan: Hunyo 5, 1910 dahil sa mga komplikasyon ng diabetes sirosis ng atay at panlalaki ng puso.
"O. Henry" o "Olivier Henry, S.H. Peters, James L. Bliss, T.B. Dowd, at Howard Clark: mga pangalang
ginamit ni Porter sa unang bahagi ng kanyang karera sa pagsulat o pen name.
Sarah (Sallie) Lindsey Coleman: ikalawang asawa ni Porter taong 1907, na nakilala niya muli pagkatapos
na muling makita ang kanyang katutubong estado ng North Carolina.

MGA IBA PANG GAWA


Aginaldo ng mga mago
Ang Pantubos ng Pulang Puno
Ang Duplicity of Hargraves"
Cop at ang awit.
A Retrieved Reformation

 AGINALDO NG MGA MAGO (buod)


Si Jim Dillingham Young at ang kaniyang kasama sa buhay na babaeng si Della ay isang mag-
asawang may labis na pag-ibig sa bawat isa, subalit hindi nila halos maabot ang halaga ng arkila para
sa kanilang apartamentong may iisang silid lamang dahil sa labis na kalagayang pangkabuhayan. Isa
itong tirahang katabi ng nakaangat na riles ng tren. Para sa Pasko, nagpasya si Della na ibili si Jim ng
isang tanikala para sa pinahahalagan nitong orasang pambulsa na bigay pa ng ama nito.
Nagkakahalaga ng dalamwampung dolyar ang tanikala. Para makalikom ng salaping may ganoong
halaga, ipinaputol ni Della at ipinagbili ang kaniyang pinahahalagahang mahabang buhok na
umaabot sa kaniyang tuhod. Ibinenta niya ito sa tagagupit para magawang peluka ng ibang tao.
Samantala, nagpasya naman si Jim na ipagbili ang kaniyang orasan para maibili si Della ng
magandang mga pangkat ng suklay na yari pa sa mga kabibe ng pawikan, para magamit ni Della sa
kaniyang mahabang kayumangging buhok. Bagaman kapwa sila nalungkot dahil nawalan ng saysay
ang kanilang mga alay para sa isa't isa, nakuntento namang ang bawat isa sa mga natanggap nilang
mga handog, dahil kumakatawan ang mga ito sa kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa. Mas
nakahihigit ang kanilang 'di-makasariling pag-ibig sa isa't isa kaysa kanilang mga ari-arian.
 POKUS NG PANDIWA
-ay ang makahulugang relasyon o pagkakaugnayan ng pandiwa at paksa o
simuno ng pangungusap.
-nagpapakilala ng kaugnayan ng iba’t ibang panlapi ng pandiwa sa naging
posisyon ng paksa sa pangungusap.
Uri ng Pokus ng Pandiwa
1. Pokus sa Ganapan (Lokatibong Pokus)
- Paksa ang Lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap
- Sumasagot sa tanong na “saan”

Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bakuran ng maraming gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.

2. Pokus sa Sanhi (Kosatibong Pokus)


- Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
- Sumasagot sa tanong na “bakit”

Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.

You might also like