Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Alamat ng Makahiya

Narrator: Ang mag-asawang Dodong at Iska ay nasa kani-kanilang trabaho. Si Mang dodong ay nagsasaka
habang si Aling Iska naman ay nagbebenta ng kaniyang tinahing baro.

Aling Iska: Bili na kayo mga suki!


Mamimili: Magkano po?
Aling Iska: Isang Daan
Mamimili: Isa po
Aling Iska: Salamat

Dumating si Mang Dodong


(Yumakap at humalik sa pisngi)

Narrator: Sabay ng umuwi ang mag-asawa. Nadatnan nilang tahimik si Maria. Nang makita ni Maria na
dumating Ang kaniyang magulang ay nagmano ito. Pagkatapos ay bumalik si Maria sa kaniyang
pinaglalaruan.

(nag uusap si Mang dodong at Aling Iska)

Narrator: Nagtimpla ng kape si Aling Iska para kay Mang Dodong. Habang nagkakape si Mang Dodong sa
harap ng kabilang pinto may Nakita siyang mga batang nag uusap patungkol sa pagbibingwit ng
isda sa susunod na araw.

Aling iska: Gusto niyo bang pumunta sa aming palaisdaan bukas?


Mga Bata: Oo, oo.

Narrator: Lalapit si Mang Dodong sa mga bata upang sabihin kung pwede bang isama Ang
kaniyang anak.

Bata 1: pagod na ako, magpahinga muna tayo


Bata 2: kaya nga ako din ay pagod na
Bata 3: alam niyo ba na may palaisdaan sa bukid, gusto niyo bang pumunta tayo bukas?
Bata 4: Oo nga maganda yon sige
Bata 1: tara

Jimmy: Ano ang pinag uusapan niyo mga bata? Mukhang maganda ang uusapan natin ah. Narinig ko ang
pinag uusapan niyo ng pupunta kayong palaisdaan ah.
Bata 4: Opo, pupunta po kaming palaisdaan para mamingwit.
Jimmy: Maari niyo bang isama ang aking anak.
Bata 3: Si Maria po, sige po
Bata 2: Bukas po daanan na lang namin siya
Jimmy: Oo sige, maraming salamat
Angelina: Dodong, mahal kong asawa, halika na, kain na tayo.. Maria, Maria halika na
maghapunan na tayo.

(Naghapunan na sila)

Maria: (mandasal)
Jimmy: Maria, matulog ka nang maaga. Gusto mo bang mamingwit?
Maria: (tatango)
Jimmy: naka-usap ko kanina ang mga bata.At sinabi ko na isama ka sa pamimingwit Maria.
Maria: (tatango lang ulit)

Narrator: Kinabukasan aalis ang mag asawa upang magtrabaho. Bago umalis Ang magasawa sinabihan si
Maria na dadaanan siya ng mga Bata upang mamingwit

Jimmy: Mahal Kong asawa aaalis na tayo.


Ate: Sandali kukunin ko lamang ang aking bayong.
Jimmy: Maria, aalis na kami Maria. Mamaya pupunta dito ang mga bata, kayo ay mamimingwit
Maria: Sige po Mag ingat po kayo.

Narrator: Isang Oras Ang nakalipas at dumating na ang mga bata sa harap ng bahay nila Maria

(Dadating mga bata)

Bata 1: Maria, halika naaa!


Bata 2: Mamingwit na tayo.
Bata 3: Halika na habang hindi pa masiyadong masakit sa balat ang sikat ng araw.
Bata 4: Oo nga.
Maria: (Sisilip sa bintana)

Bata 2: Halika na, labas ka na riyan.


Bata 1: Hinabilin ka sa amin ng inyong mga magulang.
Maria: (Sisilip at shake yung head)
Bata 3: Ano ba naman yan Maria, ang tagal tagal. Alis na nga tayo para marami tayong huli.
Bata 4: Tara na nga.

Narrator: kinabukasan pag uusapan ng mag-asawa ang kaarawan ni Maria. Balak ng magasawa na
magkaroon ng isang simpleng selebrasyon para sa kaarawan ni Maria.

Aling Iska: Malapit na pala ang kaarawan ni Maria,ano ang naiisip mo na ating gagawin upang mapasaya
natin si Maria?
Mang Dodong: Ating hahandaan ng munting salo-salo si Maria sa kaniyang kaarawan. Ating iimbitahan
ang ating kapitbahay.

Narrator: Dumating ang pinakaaantay ng mag-asawa,,Ang kaarawan ni Maria.

Aling Iska: maupo kayo rito,kuha lang kayo ng inyong makakain.

Narrator: tinawag ng mag-asawa si Maria sa kaniyang silid ngunit ayaw niyang lumabas ,ultimong anino
ni Maria ay hindi naaninag ng kanilang bisita. Kaya nagpasya ang mag- asawa na asikasuhin at
pakainin na lang Ang mga bisita.

Mang Dodong: Halika na kayo't kumuha nang inyong makakain.

Narrator: kinagabihan, kinausap ng mag-asawa ang kanilang anak kung bakit hindi ito nagpakita ito sa
mga bisita sa kaniyang kaarawan.

Mang Dodong: Maria, bakit hindi ka lumabas sa iyong silid upang kausapin ang iyong bisita?
Maria: Nahihiya po ako itay.
Aling Iska: Kailangan nating makihalubilo sa iba ng sa gayon magkaroon ka
ng maraming kaibigan.

(Naiyak nalang si Maria)

Narrator: Kinaumagahan, nakita ng mag asawa si Maria na nasa harden na nag asikaso ng mga halaman.
At nilapitan nila ito

Aling Maria: Tingnan mo si Maria habang nagdidilig ng halaman


Mang Dodong: Makikita mo sa kaniyang mukha na siya ay masaya sa kaniyang ginagawa

(Lumapit Ang mag-asawa Kay Maria)

Aling Maria: Natutuwa akong makita kang masaya Maria.


Maria: Masaya po ako sa pag-aalaga ng halaman inay. Natutuwa po ako kung namumuklak na ang aking
mga tanim. (Hugs)

Maria: nay gusto niyo po bang magbenta ng aking bulaklak sa ating kapitbahay?
Aling Iska: sige ba anak.

Narrator: habang nasa hardin si Maria, dumating Ang mga tulisan sa bahay ng mag asawa upang
magnakaw at kunin si Maria ngunit hindi nila mahanap ito sa loob ng tahanan.

Tulisan: kunin niyo na lahat ng gamit na maaaring makuha at mabenta


Mang Dodong: itigil niyo yan!
(Hinampas ng tulisan ang ulo ni Dodong, dahilan ito ng pagbagsak niya sa sahig)

Aling iska: anong kasalanan namin sainyo, maawa na kayo sa amin.


Tulisan: Nabalitaan namin na kayo ay may anak na babae na mahilig maghalaman.

Aling iska: kunin ninyo na ang lahat ng pera at alahas na mayroon kami huwag lang ang aming anak. (nag
mamakaawa)

Narrator: tinulak lang ng mga tulisan si aling iska at nilibot ang buong bahay pati na rin ang hardin ni
maria subalit ay ni anino ay hindi nila nahagilap.

Tulisan: wala ng babae dito, halina humayo na tayo.


(Nagkaroon ng malay ang mag asawa at agad na hinanap si maria sa hardin)

Mang Dodong: Mariaaa, mariaaaa


Aling Iska: Mariaaa aming anak na saan ka? Kinuha nila ang ating anak na si maria Dodong.

Narrator: Nagulat si Aling Iska na may tumusok sa paa nito at nakita niya Ang isang halaman
at lumuhod ito para pagmasdan ito

Aling Iska: maaari kayang ito ang ating anak na si maria...Ito si maria ang nawawala nating
anak.
Mang dodong: mariaa ang ating mahiyaing anak.

(kinuha ng mag asawa ang paso at hinawakan ito)

Narrator: Ang halaman na ito ay tinawag na Makahiya, dahil dito hinahalintulad si Maria.

You might also like