Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Modyul #2

KAKAPUSAN
MGA PAKSA:

KAKAPUSAN

KONSEPTO NG KAKAPUSAN MGA PARAAN


KAKAPUSAN AT PALATANDAAN NG BILANG UPANG
ANG KAUGNAYAN KAKAPUSAN SA PANGUNAHING MALABANAN ANG
NITO SA PANG-ARAW-ARAW SULIRANIN SA KAKAPUSAN SA
PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY PANG-ARAW-ARAW PANG-ARAW-ARAW
NA PAMUMUHAY NA PAMUMUHAY NA PAMUMUHAY
MGA LAYUNIN:

Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay

Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay


Nakakabuo ang konklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning
panlipunan

Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan


GAWAIN #9: MAHALAGA ANG DESISYON MO!
Panoorin ang mga video sa itinalang mga website sa ibaba. Gamitin ang mga nasabing
mga website para sa iyong mas malalim na pag-unawa.

Mga Website:
1. http://www.youtube.com/watch?v=zk7fIoopxGk -video on scarcity, trade-
offs, opportunity cost powerpoints

2. http://www.youtube.com/watch?v=3vf-taUpIpQ-trade offs best


explanations, decisions 1 or 2

Ano ang maaaring trade-offs sa sumusunod na sitwasyon?

Sitwasyon Posibleng Trade-Offs


1. Isang empleyado na hindi pumasok at
namahinga na lamang sa bahay.
2. Pagtigil sa pag-aral at mag-istambay sa
kalye.
3. Panonood ng bagong pelikula
hanggang hating gabi.
4. Pagpunta sa paboritong tambayan sa
kabila ng iskedyul ng pagsusulit.
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang dalawang mahalagang salik na nakaaapekto ng kakapusan sa


kalakal at serbisyo?
2. Ano ang resulta ng kakapusan?
3. Paano matutugunan ng pamayanan ang kakapusan?
4. Ano ang iba pang paraan upang maiwasan ang kakapusan sa iyong antas o
lebel bilang pag-aaral?
PAGKAKATULAD NG KAKAPUSAN AT
KAKULANGAN

▪ Kapwa kumikilala na may pangangailangan at


kagustuhan ang tao na hindi kayang punan ng
ekonomiya
PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT
KAKULANGAN
PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT
KAKULANGAN
PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT
KAKULANGAN

KAKAPUSAN KAKULANGAN
▪ itinakda ng kalikasan ▪ nagaganap kapag ang mga prodyuser
ay hindi nakapag-supply ayon sa
kasalukuyang kailangan ng tao

▪ laging umiiral sa isang ekonomiya ▪ pansamantala lamang, maaring


tumagal ng maikli o mahabang
panahon

▪ matagal bago maibalik o maaaring ▪ may magagawa pa ang tao upang


hindi na kaylan pa man masolusyunan ito
PALATANDAAN NG KAKAPUSAN

▪ Mataas na presyo ng mga bilihin


▪ Mahaba ang pila sa mga pamilihan ngunit walang mabili na mga produkto
▪ Dumarami ang nagugutom, nagkakasakit at naghihirap sa bansa
▪ Wala nang ginawa ang pamahalaan kundi umangkat ng umangkat ng produkto
kahit wala nang sapat na badyet
▪ Ang pangunahing bilihin ay inirarasyon na lamang ng pamahalaan dahil wala
nang mabili sa mga pamilihan
▪ Nangingibang- bansa ang mga manggagawa
.

GAWAIN #10: KNOWLEDGE GAUGE


Sagutin ang katanungan sa ibaba, iugnay sa natutunang kaisipan tungkol sa kakapusan.

Bakit maituturing na isang suliraning panlipunan


ang kakapusan?
KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN

▪ Nag-iiba ang pag-uugali ng tao kapag hindi niya nakakamit ang kanyang mga
pangangailangan
▪ Ang pag-uugali ng tao ay nagiging hindi katanggap-tanggap
▪ Natututo siyang magdamot, mandaya at manlinlang sa kapwa
▪ Kaguluhan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin (inflation)
Bakit kailangang pag-ukulan nang
pansin ang mga
suliraning pang-ekonomiya?
KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN

▪Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya,


mahalagang pagisipan ang opportunity cost
ng gagawing desisyon.
KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN

▪Opportunity cost- tumutukoy sa halaga ng bagay


o nang best alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon
KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN

▪ Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain?


▪ Para kanino ang mga ito?
▪ Alin ang higit na kailangan?
▪ Paano ito lilikhain?
▪ Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili?
▪ Saang alternatibo higit na makikinabang?
▪ Gaano kalaki ang halaga ng pakinabang?
▪ Gaano kalaki ang halaga ng mawawalang oportunidad?
MGA PARAAN UPANG MALABANAN ANG KAKAPUSAN SA
PANG- ARAW- ARAW NA PAMUMUHAY

▪ Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang


mapataas ang produksiyon
▪ Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas
ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto at
pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.
MGA PARAAN UPANG MALABANAN ANG KAKAPUSAN SA
PANG- ARAW- ARAW NA PAMUMUHAY

▪ Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at


makakapagpalakas sa organisasyon, at mga institusyong
(institutional development) nakatutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya
▪ Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay
proteksyon sa mga pinagkukunang-yaman
OPEN-ENDED STATEMENT: Dugtungan ang
pangungusap upang mailahad ang iyong saloobin.

❑Ako ay makatutulong na masagot ang mga suliranin


ng kakulangan sa pamamagitan ng _________.
Naniniwala ako na maiiwasan ang kakulangan ng
produkto kung____________ sapagkat______.
PAGLALAHAT:

Ang kakapusan ay isang suliraning panlipunan na nararapat


na mapamahalaan, kailangan ang matalinong pagdedesisyon
at pagtutulungan upang makasiguro na ang limitadong likas
na yaman ay magagamit ng angkop sa mga pangangailangan
ng mamamayan.
Tingnan ang dayagram sa ibaba. Hango ito mula sa www.harpercollege.edu

You might also like