Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA 7

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN (1935-1942)

LARAWAN NG PANAHON

Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit na ang wakas ng pananakop ng mga
Americano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito nabigyan ng Malasariling Pamahalaan
ang mga Pilipino sa pangungulo ni Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang
Pambansa."Siya ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang Pambansa ang Pilipinas sa panahong
ito.

PAGSILANG NG KAPISANANG PANITIKAN

Ganito ang sinabi ni Teodoro A. Agoncillo tungkol sa pagsilang ng Panitikan sa kanyang


Pasulyap na Tingin Sa Mga Tao at Kilusan,Ang Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948:

Noong 1935, ang dalawang ginoong iyan ay nagpasiyang dapat pagbuklurin ang mga manu-
nulat na noo'y nakatapos na o kaya'y nag-aaral pa lamang sa iba'tibang unibersidad... Nagkaroon ng
pulong sa Tom's na dinaluhan ng tatatlong manunulat, ngunit ito'ý hindi nakapanlamig sa
masisigasig. Muling nagkaroon ng pulong sa tahanan ni Abadilla sa Florentino Torres at sa
pulong na ito itinatag ang kapisanang Panitikan na ayon sa nasirang Barros, ay isang sakdalista at
aristo-krata sa panulatang Tagalog isang 'paghaham-bog' na inirapan ng matatandang tanod. Higit
namasigla kaysa mapagwari, sanhi marahil sa pag-aapoy ng dugong kabataang mapangarapin, ang
mga kasapi sa Panitikan, sa pagkainis sa isang malaganap na lingguhang ayaw magbukas ng pinto sa
mga kasapi, ay nagtangkang dumulog sa bayan upang himukin itong huwag bumili at bumasa ng
nasabing lingguhan. Datapwa't hindi pinagtibay ang gayong mabalasik na mungkahi ni Barros.

Ang mga kasapi ng samahang Panitikan ay ang mga sumusunod:

Teodoro A. Agoncillo, Alejandró Abadilla, Clodualdo del Mundo, Fernando B. Monleon,


Epifanio Gar Matute,Gregorio N. Garcia,Brigido C. Batungbakal, Teo S. Buhain, Salvador R.
Barros, Florencio N. Garcia, Apolonio C. Arriola, Pablo R. Glorioso, Genoveva D. Edroza,
Anacleta Villacorta-Agoncillo, Cresencio Cruz Torres, Jesus A.Arceo, Alfredo S. Enriquez,
Serafin C. Guinigundo, Eleuterio P. Fojas,Antonio B.L.Rosales,Gonzalo K. Flores, Hernando
R. Ocampo at Narciso G.Reyes.

Subalit bunsod marahil ng kainitan at kapusukan ng kabataan, noong ika-2 ng Marso ng


1940, sa Liwasang Moriones, Tundo, sa isang papulong-bayan ay sinunog ng mga kasapi ng
Panitikan ang mga nasulat nang akdang para sa kanila'y basura na. Ito na ang pinakamatinding
pangya-yaring nagbunsod sa tuluyang pagkakasamaan ng loob ng matatanda at ng kabataang
manunulat.
1. ANG MAIKLING KATHA
Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian na nagpapabukud-tangi sa mga
maiikling kathang nasulat nang panahong iyon. Ganap nang nababakas ang tinatawag na katimpian sa
larangan ng paglalarawan at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang mga kwentista ay nagsimula
na ring gumamit ng unang panauhan sa mga kuwento. Halimbawa:

Labis akong nasiyahan sa katahimikang kinauuhawan ng aking kaluluwa: sinumang lumaki sa


bukid ay mangangawit sa kaingayan ng siyudad. Isang nalaglag na makopa ang aking pinulot at matapos
kong pahirin ng aking palad ang lupang nadikit ay aking kinagat ang tila bulak na laman. Naglakad ako
nang papaligid sa tabi ng bakod na kakawate at sa isang puno ng ama-pola aynapahinto ako: isang
magandang paruparo ang nabitag sa isang bahayng gagamba. Ang malalapad na pakpak ay buong lakas na
ikinakampay sa pagnanais na makawala, ngunit sa bawat galaw ay lalo lamang nadidikit ang sawimpalad
sa malagkit na sapot. Isang manok na dumalaga ang tumapat sa paruparo at kumutukkutok sa galak.
Naalaala ko ang ipinagbilin ng aking ingkong kaya ako ay madaling nagbalik at kinuha ko ang hiyas ng
kawayan na pinagsisidlan ng palay at pinatuka ko ang aming mga manok.

(Kuwento ng Isang Sisiw)


sinulat ni Jesus A. Arceo

Dito rin sa kuwentong ito aymababakas ang pagtalakay at paghahambing sa buhay-lunsod at buhay
sa nayon. Sa mga kuwentong lumitaw nang panahong iyon ay maba-bakas din ang mga pagtatangka ng
mga manunulat na hindi maging gaanong lantad na kung minsa'y nagbubunga ng pagiging malabo ng mga
pangyayari. Subalit sa pangka-lahatan ay masasabing mababakas sa mga maikling katha ang matiim na
hangaring mapaganda ang kaanyuan at pamamaraan ng pagsulat ng katha.

2. ANG TULA
Ang panahong ito ay pinaging makulay ng tinatawag na “paghihimagsik" ni Álejandro G.
Abadilla. Sa biglang tingin, ang "pinaghimagsikan" ni Abadilla ay ang porma at hitsura ng tula lalung-
lalo na ang kaanyuang nagtataglay ng “sukat at tugma" subalit panahon at kasaysayan ang
nagpapabulaan dito, Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng magandang
panulaan. Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim
na guniguni. Ang tula'y nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong anyo; tilà rumaragasang tubig na
tumalunton sa mga bundok at kapatagan at ang ibinunga'y magkahalong katuwaan at pag-aagam-agam sa
sambayanang mahilig tumula.
Dapat lang asahang ang matandang tanod ng panitikan ay nakaranas ngpagkabahala at hindi
kasiyahang-loob. Subalit ang huling hukom ay ang bayan. Tinanggap ng bayan ang ganitong kalayaan
mula sa binibilang na pantig ng bawat taludtod ng bawat saknong at ang pagkakaisang-tunog sa dulo ng
bawat taludtod. Hindi nagkamali si Abadilla sa pagpili ng panahon sa pagbabagong-bihis ng tula. Hinog na
ang bayan sa ganitong uri ng pagbabago. Nanguna sa pagsusulat ng mga tulang may malayang taludturan
sina Amado V. Hernandez, Gonzalo K. Flores, Hernando R. Ocampo at Manuel
Prinsipe Bautista.
Narito ang unang taludtod ng tulang Ako Ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla.
i
ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

Narito pa rin ang unang bahagi ng isang tula ni Abadilla na nagtataglay ng mga katangian ng kanyang
'ipinaghimagsik' na 'malayang taludturan'.

Bathala
O Dilim
Ikaw kaya'y ano?
Kaluluwa ka bang sa Kanya nagbuhat
Upang sa palad ko
Manatiling lagi at nagpalumagak?
Subalit
Bathala
Mahina na ako;
Hindi ko na kayang matagalang lahat
Ang hirap na itong
Itinalaga Mo.

Narito naman ang talaan ng mga makatang nakapag-palimbag ng kanilang mga tula sa panahong iyon:
Lope K. Santos sa kanyang Puso at Diwa, Patricio Mariano sa Mga Anak-Dalita, Iñigo Ed
Regalado sa Bulalakaw ng Paggiliw, Pedro Gatmaitan sa Tungkos ng Alaala, Pascual de Leon sa
Mga Buntunghininga, Jose Corazon de Jesus sa Mga Dahong Ginto, sa Dulong Silangan, at Mga
Itinapon ng Kapalaran, Florentino Collantes sa Ang Tulisan, Carlos Gatmaitan sa Dalagang
Tagabukid at Julian Cruz Balmaceda sa Bayan ni Plaridel.

Narito ang dalawang huling saknonig ng tulang Ang Pag-Aklas ni Lope K. Santos.

Kung sa iniwan mo ay may humaliling dukhang kapwa mo rin;


Sa iyong ginawa'y huwag kang magsisi ano mang marating:
Kayat nagsipalit, ang dangal at puri nila'y nagkulimlim:
May araw ring sila'y mangaruruhagi't lalong maiiring.
Bayang maralita, Bayang yumayari sa lupa ng lahat,
Bayang nagsisikhay ng hindi mo ari't sa lahat ay salat:
Ang pag-aralan mo, ikaw'y maging hari sa tuwing aaklas:
Ang kaharian mo sa lahat ng lahi ay katwirang ganap
3. ANG DULA
Masigla ang dulang Pilipino noong pånahon ng Aklatang-Bayan. Nagpamalas ng
kasipagan sa pagsusulat ang mga mandudula at malugod namang tinanggap ito ng taong-bayan.
Subalit bunga ng mga kadahilanang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng panitikan
ng mga sumusunod na taon. Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng
pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang galing sa America at
ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa halip na dula.

4. ANG NOBELA
Katulad din ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga
unang taon ng pananakop ng mga Americano ay ganoon din ang panlulupaypay at halos
paglalaho nito nang mga sumunod na panahon.

Maraming masasabing sanhi nito kabilang na ang nagbabagong panahon. May


nagsasabing ang dahilan nito ay ang likas na hilig ng mga Pilipino sa pagtula o ang pagkawili
sa maikling kuwehto na pinalad magkaroon ng mga taong nangangalaga at nagmamalasakit.
Subalit ang nobela'y may sariling pang-akit din naman. Bukod pa sa ito nama'y inilathala nang
paputul-putol kayat ang haba ng bawat kabanata ay halos katulad na rin ng sa maikling
kuwento.Maaari ring bakasin ang kawalang-sigla ng pagtanggap dito sa pagbaba na rin ng uri
ng nobela. Ang mga dapat magmalasakit dito ay nagsulat sa ibang larangan
ng panitikan.

You might also like