Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Ayon kay Henry Gleason, taong 1999, ang wika ay isang sistematikong
balangkas ng mga sinasalitang tunog na binigyan o hinugisan ng anyong
simbolo o letra, na bumubuo sa mga salita at mga pahayag.

2. Ayon kay Henry Sweet, ang wika ay ang paghahayag ng mga ideya o
ekspresyon gamit ang mga sinasalitang tunog na bumubuo sa mga salita at
mga pangungusap.

3. Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay purong pantao at hindi likas na paraan
ng pagpapahayag ng mga ideya, damdamin, at pagnanasa sa pamamagitan
ng isang sistema ng mga kusang ginawang simbolo.

4. Sa pag-aaral ni Noem Chomsky, taong 1957, isinulat niya na ang wika ay


isang hanay, maaaring may hangganan o walang hangganan ang mga
pangungusap, at ang bawat pangungusap o parirala ay binubuo gamit ang
mga elementong mayroong hangganan.

5. Ayon kay Bienvinido Lumbera, ang wika ang nagbibigay ng pagkakakilanlan


sa isang bansa—ito ang nagiging basehan upang makilala ang isang bansa.

6. Sa teksto na isinulat ni Webster, taong 1974, nakasaad dito na ang wika ay


isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa kaparaanang
pasulat o mga simbulong pasalin.

7. Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na


anyo ng simbolikong pantao.

8. Ang wika ay ang midyum na ginagamit sa maayos na pag-babalikan ng mga


mensahe, na nagdudulot sa pagkakaunawaan (Manangis et al., 2005).

9. Ayon kay Allen, ang wika ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan.

10. Sa pag-aaral ni Otto Jespersen, sinabi niya na ang wika ay isang hanay ng
mga gawi ng tao, na naglalayong magbigay ng pagpapahayag sa mga
kaisipan at damdamin.

You might also like